Patuloy na nanliligaw si Darniel kay Hara.
Walang humpay siya sa panliligaw, araw gabi niyang sinusuyo ang dalaga.Lumipas ang Maraming araw, tuloy-tuloy pa din siya. Hanggang sa close na close na siya sa mga magulang ni Hara.
Si Hara ang kaisa-isang anak na babae ni Harry Montara at Ara Montara. Sadyang napakaganda at napakabait ng dalaga. Pinalaking may respeto at galang sa ibang tao.
Ngunit may hindi nalalaman si Darniel sa pamilyang ito, itong pamilyang papasukin niya isang ay isang maimpluwensiyang mga tao.
Nakakatakot ang pamilya Montara simula pa nung una. Bago pa mangyari lahat, nakakatakot na ang mga ninuno nito.
Alam na alam ng buong sambahayan ni Harry Montara ang kanilang mga nakaraan. Ito'y gusto na nilang kalimutan ngunit ito'y nasa kasayasayan na nila."Mabuti ang ating lihim ay hindi nailathala sa libro ng kasaysayan" sambit ni Harry Montara sa kanyang asawa.
"Ang ating lihim nawa'y di mabunyag kaninuman, ang ating pamilya na lubos na marangal at kasuklam suklam" dagdag niya.
"Walang lihim na di mabubunyang, mismong ang Bibliya ang nagpapatotoo nito".
Si Don Alfonso Montara ang tatay ni Harry. Siya ang may-ari ng ekta-ektaryang lupain sa davao. Lubha silang mayaman sa lupain buhat sa kanilang mga ninuno. Mayaman sa mga salapi buhat sa mga negosyo at pamana na naiwan sa kanilang pamilya.
"Manguha na kayo ng mga kape, mga lapastangan, umaga na kayo'y bumangon na!" Sigaw ni Don alfonso sa mga manggagawa sa bukirin.
May kapehan sila sa Davao, sadyang mayaman ang pamilya ni Harry simula pa nung kauna-unahan. Lubos silang mayaman bago pa may mangyari sa bansa. Sila ang pinaka mayaman noon bago pa dumating ang mga espanyol. Ngunit kasukam suklam sila kapag sila'y binangga mo o nakabangga mo.
Bago pa sakupin ng mga espanyol ang Pilipinas ay ang lolo ni Don Alfonso na si Datu Makalinhag ay namumuno sa isang lugar sa Davao noon.
Si Datu Makalinhag, ang kinatatakutang mandirigma noon. Siya'y nakatalo ng higit kumulang 7,000 na mandirigma at 100 datu sa iba't ibang lugar. Siya na marahil ang pinakamalakas at maimpluwensiyang Datu noon. Napakalakas niya, laman lagi siya ng usap usapan sa ibat ibang lugar.
"Gusto ko sana na magtayo ng Imperyo. Ngunit paano ang mga anak ko? sila'y mapapahamak lamang" sabi ng Datu sa tagapayo nito.
Lubos na malakas ang Datu kaya wala ng lumalaban dito. Marami na siyang nasakop na lugar, mga katubigan. Ngunit hanga ako sa Datung ito, iisa lamang ang asawa niya, hindi na siya nag-asawa ng marami. Hindi naging babaero ang Datu kahit na siya'y dapat paglingkuran ng mga kababaihan.
Habang sila'y naglalakbay kasama ang mga alagad nito. nakabangga ni Datu Makalinhag ang pinakamalakas na datu sa lugar na iyon, walang iba kundi si lapu-lapu. Nakipaglaban siya dito ng puspusan upang makuha ang teritoryong iyon. Tumagal ang labanan ng 1 araw. Sa kasamaang palad binawian dito sa labanang ito ng buhay ang Datu.
Nang mamatay ang Datu dahil sa pana na tumama sa kanyang puso sa labanan nila ni lapu-lapu. Lahat ng yaman ng datu ay napunta sa kaisa-isang anak niya na si Don Salazar Montara, ang ama ni Don Alfonso.
Si Don Salazar ang isa sa mga taong nakipagkasundo sa mga espanyol na sakapuin ang bansang Pilipinas. Siya ang katuwang ni Magellan upang mapatay si lapu-lapu noon. Ngunit napatay si Ferdinand Magellan kaya umatras siya kasama ng mga mandirigma. Nung dumating naman si Don Felipe na isang espanyol na ipinadala ng Hari ng Espanya ay nakahanap sila ng tsempo na patayin si Lapu-lapu. Gustong maghiganti ni Don Salazar sa pagkakapatay sa kanyang Ama. Kaya sinulit na nila ang pagkakataon nagtulungan ang dalawa at napatay si Lapu-lapu na may tarak ng espada sa ulo.
BINABASA MO ANG
God's Perfect Time
Sonstigeskadalasan dito sa storyang ito masasalamin ang ating buhay, ang buhay natin ngayon minsan magulo at minsan kailangan maghanap.... Isang lalaki na pumasok sa isang relasyon ngunit nabigo at naghintay na lamang ng tamang panahon at tamang tao sa kanya...