Kabanata 5- Panliligaw

6 0 0
                                    


Ano nga ba ang Panliligaw? Pano ba Manligaw?

Ang iba sinasabi nila na, isa daw itong paraan sa pagsuyo ng isang binibini na iyong minamahal o iniirog, ang iba naman pan-liligaw sa isang tao sa gubat para di na makauwi hahahahhaa.

"Kringgggg-kringgggg!!, kringgg-kringgg!!" tunog ng alarm clock ko.

Ganda ng tunog noh hahahaha.

Nagising ako ng maaga dahil sa alarm clock na iyon, umupo at tumingin sa orasan.

"Ala-singko medya na pala" sabi ko sa sarili ko.

Tumayo ako at nag umpisang ligpitin ang aking higaan, dadating na pala ang mga magulang ko, makapagluto na.

Pagkatapos kong magluto ng ulam ka alinsabay ng sinaing ay may tumawag sa telepono ko.

"Turn down for what!!, oh oh oh oh oh oh oh, turndown for what..." tunog ng ringtone ko. Hahaha.

Ah si mama, pero bakit kaya napatawag, masagot nga.

"Hello po ma" sagot ko sa telepono.

"Oh hello, darniel wag ka na magluto ng marami, tanghali na kami uuwi ng papa mo, may handaan ang kasamahan namin eh birthday niya" sabi ni mama sa telepono.

"Ah sige ma" sagot ko.

At ibinaba ko na ang telepono.

"Hala patay, ano kayang gagawin ko sa niluto ko, ang dami pa naman tatlong hotdog, tatlong itlog, at dalawang noodles" sabi ko sa isip ko.

Inisip ko kung ano ang gagawin ko sa niluto ko.

Ahhhh alam ko na!, papupuntahin ko nalang dito si hara sa bahay tutal magkapitbahay naman kami.

Agad kong chinat si hara na pumunta dito sa bahay para mag umagahan, 1st move ko na rin iyon para sa panunuyo ko sa kanya.

"Hara, kung okay lang sayo dito ka na samin magumagahan kasi di kasi uuwi sila mama at papa eh napadami ang luto ko, di ko naman mauubos iyon kung ako lang magisa." Chat ko sa kanya.

Mga bandang 6:30am naseen na niya ang chat ko.

"Ipagpaalam mo ko kala mama mamayang 7am, punta ka dito ha para ipagpaalam mo ko, kung hinde di ako makakapunta diyan" sagot naman niya.

Nagulat ako kasi ipagpapaalam ko siya, kinakabahan ako pero para di masayang ang pagkain at para din makapag 1st move ako, gagawin ko yun.

"Ah sige sige" sagot ko.

Naghahanda na ako at nagwalis dahil papasok si hara sa bahay namin para kumain, nagpunas na ako ng lamesa, inayos ang mga upuan na uupuan namin, at naghanda na rin ako ng mga bala ng cd baka sakaling magkaroon ng oras kaming manood ng mga movies.

"Alas-syete na makapunta na sa bahay nila Hara, magkapitbahay lang naman kami kqya di na ako mahihirapan siyang sunduin" sabi ko sa isip ko.

Habang palabas ako ng pinto, nagchat sakin si Hara.

"Darniel ano na, nasan ka na alas-syete na, pumunta ka na dito." Chat niya.

"Papunta na ko, palabas na nga ako ng pinto eh." Sagot ko.

Umalis na ako ng bahay ( Para namang malayo ang pupuntahan ), nasa harap na ako ng pinto nila at dahan-dahang kumatok.

"Tok!, tok!, tok!" Tunog ng pinto habang akoy kumakatok.

"Sino yan?" Sabi ng isang babae na di ko kilala ang boses.

"Si Darniel po" sagot ko.

Agad namang binuksan ang pinto at bigla akong nagulat na ang mama pala ni Hara yon.

God's Perfect TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon