Way of Letting Go

46 0 0
                                    

Prologue

To: Geboy

I LOVE YOU. Oo, gulat ka ba? Noon pa lang mahal na kita. Since highschool mahal na kita. 6 years na. Ang tanga ko kasi habang nahuhulog ka sa iba, nahuhulog naman ako sayo. Ang hirap na araw araw kitang nakikita. Nag iba ako ng College para makalimutan kita. Pero hindi ko nagawa, kasi lapit ka pa rin ng lapit. Wala kang idea kung bakit ako lumalayo. Ngayon malalaman mo na lahat. Alam ng mga kaibigan natin na mahal kita, pero bakit ang manhid mo? Papalit palit ka ng girlfriend, akala ko magbabago ka, akala ko mapapansin mo na ako. Pero nagkamali ako. Ang sakit. Ang sakit sakit na. Oras na para mahalin ko naman ang sarili ko. Oras na para buksan ko ang puso ko sa iba. Salamat sa lahat. Sana wag ka nang magpakita, tulungan mo naman ako na kalimutan ka. Yun lang ang paraan para makalimutan kita. Alam ko magkikita at magkikita pa rin tayo dahil sa mg kaibigan natin, pero sana wag muna ngayon. Sana maging masaya ka. I want to say this for the last time. I LOVE YOU and it hurts... </3

MESSAGE SENT!

CHAPTER ONE

After that message, hindi na kami nagkita pa. Its been three years. And I must say, masaya ako ngayon. Successful ako sa business ko, nakukuha ko mga gusto ko. Lovelife? Wala ako nyan. Masyado akong busy para isipin yan, pero may suitor ako si James. 3 months na siya nangliligaw, okay naman siya, mabait, matalino, ideal guy pero wala akong nararamdaman sa kanya.. Friend lang turing ko sa kanya.

"Nicole!"

"Oh! James napadaan ka?"

"Lunch break eh. Sabay na tayo?"

"Sure."

Ako nga pala si Nicole Buenavista. 24 yearsold. May ari ng isang sikat na Bar & Restaurant dito sa Manila. Successful sa career, bigo sa lovelife. Haha.I'm not bitter guys. :) I'm happy with my life. Nakamove on na ako sa kanya. Masaya ako, at sa tingin ko masaya na rin siya sa States. Ewan ko kung ano na nangyari sa kanya, hindi na rin sinasabi sa akin ng barkada para tuluyan na akong magmove on sa kanya. Thankful ako sa mga kaibigan ko kasi sinuportahan nila ako sa desisyon ko. Hindi nila binabanggit pangalan niya para saakin. I think ready naman na ako na makita siya. Hindi ko na rin naman siya Mahal. Its been 3 years, may sarli na kaming buhay. 

"Ikaw ah lagi ka dito kumakain."

"Syempre para makita kita."

"Asus! Kumain ka nalang. :)"

Ganyan kami magusap ni James, parang bestfriend ko na siya. Masaya naman ako pag kasama ko siya, pero hanggang kaibigan lang talaga. Hindi ko siya pinapaasa. Alam naman niya na kaibigan lang turing ko sa kanya pero ayaw niya pa rin daw sumuko. Kung matuturuan ko lang ang puso ko na mahalin siya, matagal ko na ginawa.

CHAPTER TWO

Friday night. Tuwing friday night tambay ang barkada dito sa bar, may live bands kasi tsaka eto lang yung time na pwede kami magsama sama. Maya maya darating na rin sila. Medyo dumadami na rin ang tao.

"Giiiirrrrrllllllllllll" Boses palang niya kilalang kilala ko na. Haha

"Sakit sa tenga ng boses mo teh!"

"Hindi ka pa nasanay sa baby ko." Sabay akbay ni Pao sa girlfriend niya na si Lala.

"Oh tara na sa table natin." Said Carlo with his girlfriend Shane.

"So kamusta naman ang super busy na friend namin?" Sabi ni Shane.

"I'm good. :)"

Pansin niyo ba? Haha.. Oo ako lang walang lovelife sa amin. Since highschool pa kami magkakasama. Pair pair kami dati hanggang sa mawala na yung partner ko. :'))

I Won't Give Up (Completed)Where stories live. Discover now