Kabanata 1

5.8K 33 0
                                    


Shaia ~

Natahimik ang mga babae at mabilis na nagbihis.

"Hello guys!! Ako si Valesia (Vilsya) you can call me Vale, kami yung bagong ka roomate nyo and this is..."
Tiningnan nya ako.

"Uhmm... Shaia. (Sya-ih-ya)"
Nahihiya ako. Nahihiya ako kasi wala akong alam about dito.

Konting katahimikan ang nanatili ng biglang naglapitan sila samin para dalhin kami sa aming double deck na kama.

"Oh hi Vale and .. Uhm... Shaia? Okay. So ito muna ang bed nyo as of now, kasi napaka swerte nyo nang nahabol ang mga sarili nyo sa list ng papasok ngayon dito this year. By the way, I'm Mabelle."

Medyo chubby si mabelle, chestnut ang kulay ng buhok nya at mukha syang masiyahin. Pero sisiguraduhin kong matapos agad ang misyon ko dito dahil ayoko ng makihalubilo sa dami ng tao dito.

"So bakit ka nag enroll dito?"
"Talaga? Grabe"

Iba't iba ang pinagkukwentuhan nila habang ako ay pinatong lang ang dala kong travel bag sa kama ko. Nag presinta na akong sa taas ako ng double deck malapit sa aircon.

Namalayan ko nalang na nakatulog na ako at wala silang lahat sa kwarto.
Nilibot ko ang paningin ko sa paligid kung saan napapunta ako sa kwarto ng mga babaeng malinis, yes. Malinis talaga dahil sa ilang nadaanan kong kwarto ay walang kaayos ayos ang kanilang dormitoryo. Ngunit makikita mo sa loob ng kwartong ito ang aliwalas ng paligid.

Na curious ako dahil madilim na sa paligid. Iilang spot lights nalang ang nandito na tila ba nagiikot.
May wangwang ng ambulansya at mga pulis.

Anong nangyare? Masama ba ang matulog? Just wow.

Sumilip ako sa corridor at wala na talagang tao sa paligid. May ilang sigaw pero di mo makikita kung saan nanggagaling.

Nananaginip ba ako? Sinampal ko ang sarili ko pero nasaktan lang ako. Ibig sabihin may nangyare habang tulog ako at sa anim na kasama ko sa kwarto walang gumising sakin.

Naglakad lakad ako pababa ng mapatapat ang spot light sa lalakaran ko mabilis akong gumilid para di maabot nito.

Nag isip ako kung paano makakaalis ng di natatapatan ng spot light. Yung tunog ngayon sa buong campus ay sumasabay sa bilis ng tibok ng puso ko.

Sinipat ko ang relos ko at nakita kong alasais na ng gabi. Alasais pa lamang pero napaka dilim ng paligid na ito.

Bumalik na lang kaya ako sa kwarto?
Magtago nalang kaya ako?

Tama. Mabilis pa sa alasyete ay nagtatakbo ako sa corridor may nayapakan akong isang maliit na device kung saan malakas itong nag ingay. Sa taranta ko dumapa ako.

Padapa akong gumapang para makarating sa room namin na di ko na matandaan kung saan. Napapikit ako sa takot dahil lumalakas ang tunog.

May papalapit na isang babae na may hawak na balisong. Nakatitig ito sakin na para bang napaka laki ng kasalanan ko sa kanya.

"You slut!" She said habang dahan dahan nya ng tinaas ang hawak nya. Napapikit ako sa takot.

"Back off." sabi nya napakunot ang noo ko. Ano?

"I said back off. Umalis kana. Bumalik kana sa kwarto mo." Tumalikod na sya sakin at mabilis na nawala sa paningin ko.

Habang pagapang pa rin akong nabalik sa room namin ay unti unting nagliwanag ang paligid.

Sino ba yung babaeng yon? Gosh.
Pagbukas ko ng room namin ay nagulat akong nakaupo na silang lahat sa kanya kanya nilang kama at tahimik lang.

Napatingin sa akin si mabelle at mabilis na lumapit.

"S-saan ka galing?" Nangangatal na tanong nya.

Naguluhan man ako pero napatingin ako sa gumagapang na si Vale sa amin double deck, bat sya nagtago?

"Sa labas? Nagpahangin."

Napatakip si Mabelle ng mukha.

"Seryoso ka? Hindi mo ba alam ang nangyayare? Paano kung napahamak ka sa pagpapahangin mo?"

She sounds concern to me but naguguluhan ako? Why?

"Kung mangyare man ulit ito ay wag ka ng lalabas ha? Baka mapaano ka pa dyan, lalo na't baguhan ka." Ani ng isang babae malapit sa kung saan ako nakatayo.

I just nodded. Bago ako tumaas sa kama ko ay napatitig ako kay Vale. I feel something to her that i can't explain.

"That's dangerous Amelia. Gosh." Ani mabelle bago sumilip sa pinto.

Bumuntong hininga ako at naglakas loob tanungin sila.

"You know guys na nakatulog ako and pagkagising ko wala kayo. Kaya baka akala ko nasa labas kayo at may importanteng kaganapan. Nasaan ba kayo?"

I sounds like we are all close to each other but I need an answer.

"Nagtago kami, Shaia." Amelia answered. Sya yung girl malapit sa tinatayuan ko kanina.

Right. Tatlo na ang kilala ko sa anim sa kanila, si Vale, si Mabelle, at Amelia.

Amelia looks like an angel. Yeah.

"Bakit?" tanong ko pa.

Lumapit ako sa kanila kung saan magkakalapit na kami.

"Pinaliwanag na namin ito kay Vale kanina kaso tulog ka." Sagot ni Mabelle.

"And then?"

"To hide is what we are doing kapag may nakakapasok na mga kalaban sa Purple Academy." Sabi ng isa.

"Tama si Karey, wala kang ibang dapat gawin kundi magtago kung hindi ay papatayin ka nila." Sabi ni ate girl na naka maiksing buhok.

Oh hey it's Karey, the pinkish one.
Yeah, she's wearing all pink stuff.

And Glendrey the maiksing buhok.

"Pero hindi ka na namin ginising dahil baka lalo kang maguluhan at sa puntong iyon ka pa macurious.
Isa pa, pinasok tayo dito, nagtago kami sa ilalim ng mga kama namin, that's why you saw Vale a while ago, and ikaw, wala kang pagtataguan kundi ang kama ni calei. Kaso wala rin sya, kailangan nyang mag respond sa labas, ikaw, nasa taas ka, tulog, buti nalang at madilim na at sa liit mong yan, oh hey sorry for the real talk but yeah, di ka nakita ng killer" Amelia said then she winked.

"Sino si Calei?" curious na tanong ko.

"Madalas syang wala dito kahit ka roomate natin sya. Meron kasi syang misyon na sya lang nakakaalam but i know na safe tayo kasi anjan sya." Ani Glendrey.

"Salamat guys." Ngumiti ako sa kanila.
Napansin kong naging tahimik si Vale.

Naging mapayapa naman ang buong gabi, kasama ko sina Mabelle at Amelia sa Cafeteria para mag dinner.

Sa Purple High, kompleto.
May dalawang bar, may garden, may convinient stores, restaus and other food chains.

"Bakit ka nga pala nag enroll dito sa Purple Academy, Shaia?" Tanong ni Mabelle.

"Hmmm gusto ko dito. Parang napaka unique kasi at sikat sya." Tanging sagot ko kahit gusto ko na umalis dito.

Hindi normal. Pati mga babae. Kakaunti ang lalaki di mo pa alam kung straight dahil sa kilos.

"Bisexual ka ba?" Amelia.

Napadura ako sa kawalan.

"Hell no!" pasigaw na sagot ko. What? Me? No no no. I know that I'm straight.

"Chill." Natatawang sabi ni Amelia.

"Mabelle is a bisexual and I'm the boyish. Glendrey is a bisexual and Vale said that she as well, Karey is a transgender, you know? She had a penis dati but now look at her, pinky stuffs the like she owned that she is really born as a girl. And you?" Amelia said.

"Purple Academy is a school for different third sex issues. Why are you here?"

Kumunot ang noo ko sa sinabi nila.
Ngayon, alam ko na. May ideya na ako. I need to talk to dean. Ayoko na dito.

Calei Ashiteki (Purple Academy Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon