Chapter 2

6 1 0
                                    




           

After 3 days, papasok pa lang ako sa school. Sandamakmak na sermon ang nakuha ko kay kuya. Buti nalang wala si mommy at daddy nung gabi na yon. Dahil kung hindi nalintikan na naman ako. So, ngayon I am banned leaving the house without a car. Hindi na ko pwede magcommute which I enjoy the most.

Habang pinapark ko ang sasakyan ko, biglang tumunog ang cellphone ko hudyat na may isang mensahe.

Unknown number:

Hey, you okay now?

Biglang kumalabog ang dibdib ko, dahil alam ko na kung kanino galling itong mensahe. Bago pa man ako makapgtipa ng aking irereply bigla itong tumawag.

"Hello. Are you busy?" His voice just through over the phone, gives me shiver. Paano pa kaya sa personal diba? Mas lalong dumodoble.

"No. kakarating ko lang sa school. Why?" habang inaayos ko ang mga gamit ko bago lumabas ng sasakyan ay patuloy pa ding nakatapat sa kaliwang tainga ko ang telepono.

"Wala naman. I just wanna know if you're foot is okay, by the way."

"Oo ayos na ako."

Hanggang sa naglalakad na ako sa papasok ng eskwelahan ay patuloy pa din an gaming paguusap ni Vien. Hanggang sa may nagsalita sa kabilang linya.

"Engineer, nandito na po si ma'am Stephanie." Biglang uminit yung ulo ko ng hindi ko namamalayan. Para bang biglang dumilim yung awra ko.

"Hey, still there?" He said in a very sriuos tone.

"I'm busy now. Bye." Bigla ko nalang ibinaba ang tawag dahil may iba sa nararamdaman ko. Hindi ko maintindihan at wala na akong pakialam.

Mabilis lumipas ang buong maghapon ng hindi ko namamalayan. At dahil 7pm pa ang out nila Melo at Lau at may isang oras pa ako. Nagtungo muna ako sa library para lang magbasa basing kung anu-ano.

habang nagtitingin tingin ako ng libro sa library, may isang librong umagaw ng atensyon ko. Kinuha ko ito at binasa ang title. "Snow white and the seven dwarfs"

Kinuha ko ito kasama ng mga libro sa marketing. Habang binabasa ko ang kwento hindi na mawala sa isip ko si Vien.

"Hey! I said give it back! Mom!!! Si kuya oh!" I angrily shouted at my older brother, as he try to get the book. It's one of my favorites.

"Ayoko nga! Hahaha. Tony! Catch!" sabay bato niya sa libro ko sa kasama niyang kaibigan. He was his classmate and they are both 3rd year highschool. And I was just grade 6 then.

I hurriedly run downstairs and go to the kitchen to see mom. At isusumbong ko si kuya dahil sa pang-aasar niya sa akin.

Habang tinatahak ko ang daan patungong kusina tuloy-tuloy ang pag-iyak ko at rinig na rinig ko ang malakas na tawa ni kuya sa itaas.

"Mommy, si kuya inaasar ako. And he even get my favorite book." Nakayakap pa din ako kay mommy habang umiiyak. Naririnig ko ang tunog ng tsinelas na papalapit sa kinaroroonan naming ni mom.

"O eto na, yung libro emy." Habang inaabot iyon ni kuya ay patuloy pa din siya sa pagtawa.

Inirapan ko na lamang siya at tinanggap ang libro. Ever since non, lagi ko ng nakikitang tumambay si tony sa bahay. Almost everyday.

Natatawa na lang ako ng naisip ko paano kami unang nagkakilala ni vien. Reminiscing about him, hindi ko namalayan yung oras and it's almost 7pm na pala. Ibinalik ko na ang mga libro pati na rin ang libro sa marketing na hindi ko naman nabasa.

I called Lau and after 5 rings she already picked up. " Where are you?". Tanong ko sa kaniya habang naglalakad ako papuntang parking lot.

"Papuntang parking lot together with Melo. You?"

"Papuntaa na din let's meet there."

Habang papunta na akong parking lot, I receive atext from Vien.

Vien:

Are you done with school? Let's eat dinner?

Mabilis akong nagtipa ng mensahe sa kanya dahil naalala ko na naman ang nangyari kanina.

Ako:

I'm done. And no, I will be eating dinner with my friends.

Pagkasend ng text ko ay inilagay ko na agad sa bag ko ang cellphone ko. Dahil ayoko ng mabasa pa ang mensahe niya, kung meron man.

"Tara kain na tayo ng dinner. Sakin ka na sumabay." Pagyaya ni Melo sakin ngunit nabigla agad siya ng nilabas ko ang susi ng sasakyan ko.

"No thanks. I have my car. So I'll follow you two na lang." sabi ko sa kanila at sila ding pagsakay sa kani kanilang mga sasakyan. At pinaandar ito.

Habang kumakain kami sa isang restaurant, may isang imahe sa di kalayuan na alam ko kung sino. Ngunit ipinagsawalang bahala ko na lamang.

"Can't believe it girl! Malapit na tayong gumraduate! Konting kembot na lang, at hello corporate world na tayo."tumango tango na lamang ako sa sinabi ni Laurent. At habang iniisip ko iyon napapatingin pa din ako sa lamesa kung nasaan si Vien at ang babae nitong kasama. Playboy!

"Hey, are you listening?" Pagsnap ni Melody sa mukha ko dahil hindi ko na nagugustuhan yung nakikita ko. Tumango tango na lamang ako at ngumiti ng bahagya.

"Ako din hindi makapaniwala at makakagraduate na tayo. Sobrang saya!" I giggled a little para bumenta ng kaunti ang ginawa ko sa kanila.

After dinner, hindi ko na kayang magstay pa sa lugar na iyon. Dahil hindi ko na alam kung ano pa ang mga susunod na mangyayari at ayoko ng alamin pa.

Habang naglalakad kaming tatlo papuntang parking lot, siya pa din ang nasa isip ko. Damn, Vien! What are you doing to me and my system!

Naunang umalis si Laurent at sinundan naman ito ni Melody. Habang binubuksan ko ang driver's seat, biglang may kamay na pumigil rito at isinara muli ito.

His scents, alam kong siya iyon. At bigla siyang nagsalita.

"Not so fast, baby."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 31, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

End gameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon