Chapter 7 (Sarah and Archie LS)

17 1 1
                                    

"Na.......p-pwede ba m-manligaw?"

Nung marinig ko ang mga salitang yun sa mga bibig niyang mapupula,halos sumabog ako sa gulat,saya,excitement,pag kabaliw. Yung mga salitang matagal ko nang gusto marinig sakanya,ngayon ay kakatapos niya lang sabihin. HUWAAAAAAAAAAAAAAAAH!!!!!! tinatanong niya ako? ansaya. *ehem* 

"ligaw? S-sino?" painosenteng tanong ko sakanya, alam kong medyo pakipot pero gusto ko lang makasigurado kahit alam nang sigurado.

Sa tanong kong iyon, yung itsura niyang kinakabahan , parang biglang nagbago, hindi ko maexplain yung reaction niya. 

"Uhm si Ella. Gusto ko sanang ligawan si Ella" </3 napayuko nalang ako,at pilit pinipigilan yung mga luha ko.

Bakit? </3 kung kanina halos sumabog ako sa saya at galak,biglang bumaliktad. Bat ang sakit,bakit ganoon. Bakit si Ella pa? Bakit yung Bestfriend ko pa? Ano meron si Ella na wala ako? Anong kaya nang bestfriend ko na hindi ko kaya? May mali ba saakin?

Hindi ko na alam kung anong ire-react sa harap ng lalaking to. Gusto ko na umiyak,mag wala. Gusto ko lang mailabas yung galit ko,pero hindi ko alam kung paano.

"Sarah, ano ok ka lang ba"

"oo" kahit hindi naman talaga.

"Sayo ko unang sinabi kasi Bestfriend ka niya. " tumingala ako at nakita ko ang mga ngiti niya. Kay Ella masaya siya ? saakin hindi?

"Bakit saakin mo sinasabi yan? Bat sakin mo tinatanong?Ako ba si Ella? Ako ba yung liligawan mo? !" tumayo na ako sa pagkakaupo sa bench , tinalikuran siya at nagsimulang maglakad. Nakakainis na siya , SOBRA.

"Teka? galit ka ba? anong bang nagawa ko." hindi nalang ako umimik "Kanina ang saya saya natin, tapos magagalit ka bigla. Ano bang problema?" Ramdam ko ang pag sunod niya saakin.

"Gusto ko na umuwi. Sinayang mo lang ang oras ko." 

"Teka Sarah." Naramdaman ko nalang ang paghawak niya sa pulso ko at iniharap sakanya. Sa paghila niyang yun ay kasabay ng pagtitig niya sa mga mata ko. "Hindi ka ba nag enjoy ngayong araw na to?" 

"Hinde. Napilitan lang naman talaga ako eh. Dahil alam kong hindi mo nanaman ako tatantanan pag hindi ako pumayag."  pagsisinungaling ko sakanya. hinigit ko na ang paghawak niya saakin,dahilan upang matanggal ang paghahawa niya dito. "Kung liligawan mo si Ella,wag mo na masyadong ipamukha saakin dahil nakakairita lang. Isang babaero ang manliligaw sakanya, good luck nalang sainyong dalawa." sarkastikong pagkakasabi ko sakanya. kasabay ng pagtalikod ko at binilisan na ang paglalakad. Wala na akong narinig na lumabas sa bibig niya. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 17, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

&quot;Say Something&quot;Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon