Afraid To Fall in Love Again
written by: SweetSmillee
Chapter 5
~
Prelims~
Oo prelims exam na namin ngayon kaya Medyo tang hali na ako gumising Kasi tangHali nadin naman yung nakasched na exam namin tsaka dalawa Lang naman para sa Araw ngayon, 3days palagi ang exam namin sa Escolarians State University.
Kaya parang tamad ako kumilos Kasi anong Oras nadin naman ako natulog kaka aral or kaka review kagabi eh kaya Hindi ako gumising ni mama ng maaga.
Kinuha ko ang cellphone ko para itext si Kate, Christian at Si Rona Pero bago pa masend lahat ng text ko sa Kanila, nakita ko may text na galing Kay Rona.
~1 message Received:
Rona:
Be, anong Oras Ka papasok? Paalis na Kasi ako ng Bahay eh? :)
Text Niya sakin, ang aga gumising ni Rona ah? Samantalang ako babangon palang at kakain ng almusal. Hindi na ako nagdalawang isip replyan si Rona kaya nagreply agad ako sa kanya.
Ako:
Ang aga mo be ha? Haha. Sige be kakain Lang ako, maliligo tapos magaayos tapos, papasok na. Review Tayo be ha?
Rona:
Sige be :) pasok na ako. Kita nalang sa sac or library. Seeyou later :* ingaaaaat. :)
Ako:
Seeyou, Ingaaat be :*
Pagkatapos magsend ng message namin ni Rona, ginawa ko na ang aking daily routine, bago pumasok, pero sorry kaso medyo matagal ako maligo eh. HAHAHA xD
Mga pagkatapos ng 1 hour natapos nadin ako sa pagaayos ko ng sarili at ready na akong pumasok, pagkalabas ko ng kwarto, si mama naman naglilinis ng bahay kaya nagpaalam nadin ako na aalis na ako at papasok na.
Matapos ang 45 mins kong biyahe, nakarating nadin ako ng school, pero sympre hindi ko mahagilap kung nasaan si Rona diba? kaya nagpunta muna akong Library at tiningnan ko kung nandun ba si Rona, malay ko kung umalis siya.
Pagkapasok ko sa library, ginala ko yung mata at nagtingin tingin kung nandun ba si Rona, eh wala, kaya lumabas na din ako ng Library at biglang nagvibrate yung cellphone ko at pagtingin ko na kay Rona galing yung text at ang sabi niya,
Rona:
be nasa school ka na ba?, dito ako sa SAC, kasama ko nadin sila Kate at Christian, punta ka dito. :)
Hindi na ako nagrepy sa kanya at dumiretso na agad ako sa SAC kung nasaan sila nakatambay at nagaaral. Nung nakita ko na sila, nilapitan ko agad sila, ang aaga talaga pumasok tong mga to oh.
Pero nung pagkalapit ko sa kanila, may isang pangalan akong narinig na binanggit ni Christian at nagpawala yata sa sarili ko ng hindi ko malaman ang dahilan.
FLASHBACK:
~
"Oy Rona, si Jude ba eh nakita mo na? Sabi naman ni Christian Kay Rona na Hindi na tingin sa kanya Habang sasagot sa tanong Niya.
"Aba Malay ko dun? Bakit mo ba yun hinahanap? Ni Hindi ko pa nga ata naaninag anino Niya Baka wala pa siya" sagot naman ni Rona Kay Christian na patuloy paring nakatingin sa hawak hawak niyang yellow pad, yun ata yung ginawa Niya handouts para sa exam, sipag talaga.
END OF FLASHBACK:
~
"Hi guys, di Niyo ko papansinin? Dito na ako oh" sabi ko naman sa Kanila na pakunwari na nagtatampo tampuhan kuno? Hahaha! Syempre di ako papahalata na parang na tulala ako sa narinig ko sa usapan nila at lalo na Kung Hindi pa Talaga ako sigurado na crush ko Talaga siya.
"Hi be, musta tulog? :) nakapagaral kaba kagabi ng ayos? Tanong naman sa akin ni Rona.
"Oo be, hihi nagbasabasa ako, kagabi, medyo madami kasi tsaka MTO naman tayo ngayon ee, di pa naman yung talagang Major, kaya kaya natin to guys" sabi ko sa kanilang tatlo at tumango tango naman sila sa sinabi ko, pero ako di ako mapakali kaya napatanong ako.
"Christian, anong meron? bakit mo hinahanap si Castillo kanina?"tanong ko kay Christian habang hawak hawak ko yung xerox copy ng notes ng mga lecture.
"Wala, papaturo dapat kasi ako sa Chemistry, eh naalala ko hindi pa natin ngayon Chem kaya siguro bukas nalang ako papaturo sa kanya" sagot niya sa akin, sa bagay halos lahat ata kay Jude nagpapaturo eh, ano nga ba magagawa namin, matalino siya eh? at parang para sa kanya yung chem madali na lang.
"Okaaaaay, oh ayun si Jude, Christian oh kadadating niya lang at ayun oh kasama niya sila Renz" nagulat ako sa sinabi ni Rona kaya bigla akong napatingin kung saan nandoon nga si Jude na nakaupo, nasa kabilang table sila na medyo malayo lang ng unti sa amin kaya siguro napansin ni Rona si Jude.
"Hindi na muna Rona, bukas nalang siguro, last day pa naman ng exam yung chem natin diba?" sabi niya kay Rona kaya si Rona napatango na lang sa kanya.
Biglang bell 10am na pala at oras nadin pala ng exam namin kaya kami nila Rona, Christian at Kate nagayos na kami ng gamit namin, pero habang nagaayos kami lumapit sila Jude sa amin at sasabay ata sila sa pagakyat namin, sympre ako napatingin ako sa kanya ng hindi ko sinasadya.
FLASHBACK:
~
"Soriano, aakyat naba kayo? tara sabay sabay na tayo"sabi ni Jude kay Christian, nagtaka ba kayo bakit surname ang tinawag niya kay Christian? ganyan kasi kami sa school kapag hindi naman madalas kaclose ko nakakausap yung tao nagiging last name basis ang tawagan namin.
"Ah osige, sabay sabay na tayo"sagot naman ni Christian sa kanya habang inaantay kaming matapos ayusin yung gamit namin.
END OF FLASHBACK:
~
AT matapos ng ilang segundo natapos nadin naman ang pagaayos at umakyat na kami kung saan ang room kami mageexam, kundi sa 5th floor lang din naman, at dahil nagmamadali kami naghagdan nalang kami para daw mabilis kami makarating sa room, sabi ni Kate at sumang ayon naman kaming tatlo.
(a/n: Soory kung nayon lang nakapagUD at pagpasensyahan niyo na ang spacing, medyo nagloloko nanaman eh, pero ayusin ko nalang po ulit! Thank You :)
Pa read. Vote and Comment po kayo. :) Salamat sa pagbabasa ng story naito. :D
BINABASA MO ANG
Afraid To Fall in Love Again
Teen FictionSi Lena Isang simpleng babae, mahilig sa hello kitty stuffs. Na fall or na inlove sa naging crush niyang si Jude, pero sa hindi inaasahang desisyon na ginawa ni Jude, ngayon natatakot na siyang magmahal pa, kasi baka maulit Lang yung nangyari sa kan...