PANSAMANTALANG PAG-IBIG

140 9 3
                                    

Mahal naaalala mo pa ba yung panahong tayo pang dalawa
Yung panahong masaya tayong magkasama at walang lungkot ang nadarama
Na parang wala ng bukas dahil sa saya
Saya na hindi mapaliwanag dahil ito'y kusang nadama
Dahil sayo ko lang naramdaman na ako'y mahalaga
Mahal naaalala mo pa ba yung unang buwan nating pagsasama
Unang buwan na nagtagal hanggang sa ito'y maging taon na
Pagsasama na pinagtibay at pinagtitibay ko para sa ating dalawa
Pero teka para pa nga ba ito sa ating dalawa o para sa akin nalang talaga
Mahal naaalala mo pa ba yung unang beses na tayo'y nag away, yung unang beses na naging paulit ulit na
Naging paulit ulit dahil nagsasawa kana
Siguro nga nagsasawa kana kaya nag hanap ka ng iba
Baka nga sakanya ka magiging masaya
Yung saya na pangmatagalan na
Pangmatagalan na kahit kailan hindi mo makikita pag tayong dalawa ang nag sama
Kaya mabuti pa siguro palayain na kita
Dahil ayoko ng umabot pa sa puntong ikaw na ang bumitaw dahil hindi kana masaya
At ayokong sabihin mo ang mga katagang hindi mo na ako kayang mahalin pa
Dahil mahal mo na siya
Alam kong masakit bitawan ang mga salitang ayoko na tama na
Pero titiisin ko ang lahat ng ito para sa ika liligaya nating dalawa
At hindi ko kailanman makakalimutan na minsan parin kitang napasaya
At minsan din nating minahal ang isa't isa kahit pansamantala
Siguro nga pansamantala lang ang pagmamahalan nating dalawa
At kayo nga siguro ang itinadhana para sa isa't isa
Kaya mahal kung saan ka sasaya ay papalayain na kita
Papalayain sa relasyong minsan tayong naging masaya
Papalayain kita hindi dahil sa ayoko na o napagod na
Papalayain kita dahil dun ka sasaya
At dahil mahal kita
Kaya mahal paalam na,baka nga siguro pansamantala lang ang pagiibigan nating dalawa.

03/21/18

SPOKEN POETRYWhere stories live. Discover now