PANAKIP BUTAS

98 6 5
                                    

Naaalala mo pa ba kung paano mo ako ipinagpalit sa iba
Hindi mo nga pala ako pinagpalit sakanya dahil simula palang siya na talaga
Naaalala mo pa ba kung paano mo binitawan ang katagang AYOKO NA
Na naging dahilan ng pagbagsak ng mga luha sa aking mata
Naaalala mo pa ba kung paano ako  nagmakaawa
Nagmakaawa para lang bumalik ka na
Lumuhod ako kahit sa harapan ng maraming tao'y nag mukang tanga
Pero parang hindi mo ako kilala
Naaalala mo pa ba yung araw na iniwan mo akong mag isa
Dahil sinabi mong mahal mo pa siya
Naaalala mo pa ba nung nakita kita
Nakita kita na kasama mo siya
Ang babaeng minsang sinaktan at pinaluha ka na
Ang saya saya niyong dalawa
Habang ako'y nasasaktan na
Naaalala mo pa ba nung tinanong ko sayo kung sayo'y may halaga pa at ang sabi mo'y PATAWAD WALA NA TALAGA
Sobrang sakit ng aking nadama
Dahil minahal kita ng sobra pero ako'y panakip butas lang pala
Naaalala mo pa ba nung hinabol kita
Hinabol ng hinabol hanggang sa napagod na
Kaya narealize kong nakakapagod din palang mahalin ka
Naaalala mo pa ba??
Dahil sa memorya ko'y sariwang sariwa pa
Sariwang sariwa pa kung paano mo ako ginawang tanga
Para isipin na minahal mo ako pero ang totoo panakip butas lang pala.


03/24/18


SPOKEN POETRYWhere stories live. Discover now