HINDI NA MASAYA, KAYA BUMITAW KANA

52 0 0
                                    

HINDI NA MASAYA

KAYA BUMITAW KANA

Uy teka bago ka bumitaw

Tayo muna ay mag balik tanaw

Unahin natin nung nagkakilala tayong dalawa

Ang saya saya natin diba

Naging komportable sa isat isa

Hanggang sa nahulog na

Sabay tumatawa

Na parang tayo lang yung magkasama

Gigising sa umaga

Na tayo paring dalawa

Mag kausap sa gabi hanggang sa inuumaga

Pinipigilan ang antok para lang makausap ka

Gumawa ng mga ala ala

Na lubos sayo'y nag pasaya

Pero hindi laging puro saya

Dumating na ang mga problema

Sinubukan na ng tadhana

Ang pagsasama nating dalawa

Ang dami na nating nagpadaanang problema

Pero nalalagpasan natin ng magkasama

May mga tampuhan

Pero nagsusuyuan

Nahirapan na tayong dalawa

Pero mas pinili nating balikan yung una

Bumalik na yung saya

Nakita ko na ulit ang mga ngiti sayong mga mata

Pero habang tumatagal

Dumadami ang sagabal

Nag simula ko ng maramdaman yung panlalamig mo

At parang hindi kana interesado

Ang saya saya naman natin diba

Pero bakit ka nag iba

Ginagawa ko naman lahat

Para maging sapat

Napagod din ako

Pero di ako sumuko

Hinawakan ko ang mga kamay mo

Hangga't kaya ko

Pero sabi mo ayaw ko na

Hindi na ako masaya

Ipaglalaban pa sana kita

Kaso may iba na pala

Baka sakanya ka talaga sasaya

Sayang pangmatagalan na

Pero eto lang masasabe ko

Pag nagmahal ka hindi lang puro saya gaya ng gusto mo

Hindi lang saya ang dahilan para lumaban ka

Pag mahal mo talaga kahit hindi ka na masaya mananatili ka

Kase ako kahit madami ng nagbago

Mananatili parin ako

Pero para sa sayang hinahanap mo

Papalayain na kita gaya ng gusto mo

Hanggang ala ala nalang ang mga ito

Na hindi na magiging totoo

Pero tandaan mo

Nandito padin ako para sayo.

05/04/19

SORRY IF LAME

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 05, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

SPOKEN POETRYWhere stories live. Discover now