[1] The Dernea Of Deryogan

31 1 0
                                    

ANNA

maingat ako umapak sa nag kabitak-bitak na lupa, maging ang punong tinataguan ko ay walang kabuhay-buhay dahil wala na itong mga dahon, mabilis ako nag tago sa likod ng malaking puno, ng may dumaan na isang mala-kalansay na tao, sumilip ako upang masilayan ang mala-kalansay na nagbabantay sa lupain ng hanazon, nasilayan ko pa ang kulay pula nitong mata.

hindi ko napansin ang pagpipigil hininga ko dahil sa dulot na kaba nararamdaman ko, hinintay ko na maka-alis ang druger na iyon ng maramdaman wala na ay mabilis ako tumakbo sa isa pang malaking puno na walang ka-buhay buhay. mula dito ay muli ko natanaw ang malaking kaharian dito sa hanazon, nanatiling maliwanag ang palasyo kahit na binabalutan ito ng kadiliman.

na para bang nag papahiwatig parin ito na nanatilig buhay ang kabutihan, napatingin ako sa itaas, sa himpapawid ay maraming nag liliparang mga reapers, ang mga magnanakaw ng kaluluwa para lang mabuhay.

ayon kay ama ito ang amin kaharian noon, ang hanazon ang pinakamalaki at napakalawak na palasyo at lupain, ito rin ang kauna-unahang kaharian na itinatag noong libong-libong taon, at una nag pasimuno sa novoka world.

nakakalungkot lang, kung noon ay pumaibabaw ang kabutihan ngayon ay nanaig na ang kadiliman. ganun na ba kalakas ang mga masasama maging ang kabutihan ay natalo nila?

dalawamput taon na ang nakalipas, kadiliman parin ang nag hahari dito sa novoka world, sa loob na taon na iyon, lagi pag sasanay ang inaatupag ko, wala ako sinasayang oras, dahil balang araw makakabangon din ang liwanag.

muli ko tinanaw ang kaharian bago ako umalis sa tinataguan, mahirap na kapag makita ako ng mga kalansay dito baka gawin din nila akong kalansay.

"mahal na dernea" nakangiting salubong sa akin ni haiza

"sabi ko naman sayo haiza makakabalik ako ng buhay" sabi ko sa kanya at na unang nag lakad sa kanya.

"ngunit mahal na dernea paano kapag nalaman ng mahal na hari't reyna na muli nanaman kayo tumakas sa anagathoria baka papagalitan ka nila at paparusahan ka nila" huminga ako ng malalim, kinakabahan din ako, kapag nalaman nila ama na tumakas ako kasama si haiza baka magalit si ama kay haiza at sabihing pasimuno ito ni haiza na kahit ako yung gumagawa ng kalokohan ko, mapapahamak tuloy si haiza dahil sa akin.

"huwag kang mag-alala haiza makakabalik tayo ng hindi nila alam na tumakas tayo sa palasyo" nakangiting saad ko, nakita ko ang pagkangiwi ni haiza dahil sa sinabi ko, naguluhan din ako, may mali ba sa sinabi ko?

"ngunit mahal na dernea, si derneo ng arknaka, alam mo naman kung ano ang kanyang kapangyarihan, maari ka niya madikta kung saan kamang lupalop pumunta, lalo na may pagtingin ang derneo sa iyo" mahabang sabi nito, ngumiti na lang ako sa kanya, kahit na ang totoo ay lalo ako kinakabahan, paano kapag sabihin ni derneo trax sa aking ama na tumakas ako sa palasyo? pero may pagtingin din sa akin ang derneo?

"paki-ulit nga sa huling sinabi mo" utos ko kay haiza

"may gusto ang mahal na derneo sa iyo mahal na dernea, baka nga pinag nanasa ka nun, nako!" mabilis na bumilog ang mata ko sa sinabi niyang yun, m-may pag nanasa sa akin ang derneo ng arknaka?!

"paano mo nasabi iyun haiza?!"

"hindi mo ba alam? na lagi ka sinusundan nun?" nag-tatakang tanong nito, umiling naman ako.

"mag tatanong ba ako kapag alam ko haiza?"

"hindi po" mabilis niyang sagot, naisip ko lang na pati ba sa banyo at kwarto ko ay sinusundan din ako ng lalaking yun? tumaas ang balahibo ko sa naisip ko, hindi ko talaga mapapatawad ang lalaking yun kapag sinisilipan niya ako! lagot siya sa ama niya kapag ganun.

The 10 Missing PiecesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon