PROLOGUE

4.9K 115 48
                                    

Have you experienced to encounter this kind of ghost? 'Yung multong parehong pareho talaga 'yung mukha ng taong kakilala mo. In short, nagsasakatawang tao siya, ganun, o na-experienced mo na rin bang makausap ito?

Wala kang idea kung siya ba talaga 'yun, o nagpapanggap lang... Ay jusko po. Anong mararamadaman mo? Edi parang matatae na maiihi na sobrang sasakit ang tiyan mo. Alangan naman matuwa ka pa at sabihin sa kanya, "Wow 'te, ang galing mo gumaya ng mukha! May powers ka? Share mo naman. To the highest level! Pang 3rd generation na 'yan ah. Advanced!" Chichikahin mo na lang siya, ganun ba?

Mararamdaman mo naman talaga kung nagpapanggap lang sila o sila ba talaga 'yun eh. Sa MGA TINGIN lang naman nila at sa mga KINIKILOS nila.

'Yung makalaro sila? Ayan, masayang masaya kayong naglalaro... Bigla mo nalang nakita, 'yung taong kalaro mo sa harap mo... Andun pala sa kwarto, may kalarong iba. Takte. Lahat na ng santo tinawag mo para lang tignan kung sino 'yung nasa harap mo. Nag Aba-Ginoong Maria ka na ng sampung beses at kumanta na ng Ama Namin. Tumaas na lahat ng BUHOK mo sa katawan (Lahat talaga as in) para lang tignan kung sino kalaro mo..

Pagkaharap mo, WALA NA PALA. Ano to? Ubos-ubos effort? Aba. Halos kumarera na puso mo at halos magvibrate na katawan mo sa sobrang kilabot, pagkaharap mo... Wala na pala?

Sabi raw nila, 'pag nakita mo raw ang kakilala mo na naglalakad na walang ulo, premonition daw 'yan. Na, baka raw mamamatay na ang taong 'yun. Creepy diba? Para raw maagapan agad 'yun, lagyan mo raw ng sobrero 'yung taong 'yun o kaya naman ibaon mo ang mga damit at mga gamit nya sa lupa para raw makontra agad 'yun. Aba, alangan mamangha ka pa na wala siyang ulo? (My mom told me as her grandmother told her this kind of ritual)

Ang tawag sa multong yan, DOPPELGANGER; DOPPEL means DOUBLE, at GANGER means GOER. IN SHORT, MAY NANGGAGAYA SA MUKHA MO.

Doppelganger- a ghostly counterpart of a living person. A person who has the same face as yours.

'Wag kang magrereklamong may doppelganger ka kung alam mong may kakambal ka! Doppelganger only exists when someone is always...

ALONE.

--

Okayyy. Tinry ko lang gumawa ng one-shot story. :) First time ko to eh. Hm, Ano sa tingin niyo? Maganda ba? PROLOGUE pa lang iyan. Sabihin niyo nlang sken kung itutuloy ko pa. :D 2chapters lang ata i-uupdate ko e? :) Haha. Ang echusera ko. Sige. GO! :)

Doppelganger (ONE SHOT STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon