Chapter 1
Magandang umaga, tanghali, o gabi sa inyong lahat. Balak ko pong ibahagi sa inyo ang naranasan kong hinding hindi ko makakalimutan sa buong buhay ko. Ang kwentong hindi nagpapatulog sa akin gabi-gabi.
Ako nga pala si Stephanie. 'Wag niyo nang alamin pa apelyido ko at baka hanapin niyo pa ko sa tinatawag nilang "Gugel."
Isa ako sa mga nakakaranas nang hindi kapani-paniwalang pangyayari sa akin. Dahil nga, may third eye ako. Hindi lang naman ako ang ganito diba? Madalas akong makakita ng mga taong hindi nakikita ng iba. Madalas din ako makarinig ng mga sigaw. Madalas din akong makaramdam kapag nasa tabi ko ang multong 'yun. At lalong madalas akong makakita ng taong nanggagaya ng mukha nang taong kakilala ko.
'Yan, normal pa ba 'yan? Para kasi sa akin, normal na lang 'yan. Pero ang makakita ng taong nanggagaya ng mukha? Psh. Naiihi na nga rin yata ako sa kinakatayuan ko kapag ganyan. Madalas nila akong tawagang baliw, may sira ang ulo, lokaret, hindi mawari ang sarili at nagdodroga raw ako kaya nakakakita ako ng mga bagay na hindi nabibilang sa mundo.
Probinsyana ako. Kaya pasensya kung makatang makata ang mg apinagsasabi ko.. Hindi naman ako bisaya. Galing probinsya lang talaga. Namana ko ang ganitong kakayahan na makakita ng mga multo, sa nanay ko. Siya nagpamana sa akin ng lahat nang 'to. Wala akong kapatid. Lola ko nalang ang kasama ko. 'Wag niyo nang alamin kung bakit wala rin akong tatay, dahil hindi yun ang pinunta ko dito para ipahayag ang aking nasasaloobin.
Oktubre ika-11, 1976
"Ihja. Magsaing ka na ng duwa."
"Masusunod po, 'La."
"Ikuha mo na muna pala ako ng maiinumin." Kumuha ako ng baso at isinahod ito sa batalan namin.
"Hayan na po, 'La." Abot ko sa kanya. Galing 'nu, parang prinsesa lang si Lola. At heto ako, nagsaing na ako. Kung iniisip niyong di ako marunong mag-Ingles... *ehem* I am good at spokening in that! Oha. Ayos na ba? It's so true naman na nag aaral pa is me.
Lumabas na muna ako para tumambay. Kasama ang aso kong si Bebang. Siya rin ang madalas kong kausapin. Kaya nasasabihan nila akong baliw. Wala na naman kasi akong ibang kasama sa balay pwera nalang kay Lola. Alangan Ingles-in ko pa ang Lola? Kaya hetong aso ko na lang.
"Bebang. Sana tao ka nalang."
"Do I'm pretty look?"
"Do I'm good kid?"
"Tama naman Ingles ko diba? Sana nakikita mo rin lahat ng nakikita ko, para rin ikaw maniwala sa akin.."
"Ganto ba ko kahirap paniwalaan?"
"Pano kung sabihin ko sayo na NGAYON ay may taong nasa likod mo na nakatingin lang sayo?"
*Aww!* *Worf!* Naintindihan niya pala ako. Totoo naman talaga eh. Ayan pa nga oh, babae. Duguan ang mukha, naka puting damit na parang pantulog at mahaba ang buhok. Mukhang malungkot siya.
"Alone forever am I really? Hay. I want friend..." Pumasok nalang ako para patayin na ang sinaing at inalalayan ko nalang ang Lola para makakain na kami. Pagkatapos, pinaupo ko na si Lola sa raking tyer at hihimpilan ko na tong mga pinagkainan namin.
Kumakanta ako habang naghihimpil, "Ohhhh ilaaawww.... Sa gabing..... Madilim!"
"Ihja! Anong meron dyan? Bakit ka sumisigaw? Nagkakabisa ka ba ng tula.. O ano?" Sinigawan ako pabalik ni Lola.
"Ang Lola naman. Kumakanta lang po ako." Pati sa boses, wala akong talento. Tinigil ko nalang ang pagkanta at naghimpil nalang ako ng naghimpil nang may marinig akong kaluskos.
BINABASA MO ANG
Doppelganger (ONE SHOT STORY)
Horror(COMPLETED) Di lang mga literal na tao ang puwedeng manggagaya, kundi pati na rin ang iba't ibang mga elemento o multo; ito ang tinatawag nilang Doppelganger. Naranasan mo na bang matakot nang mismong sudden realization lang?