1: OPTION

597 21 16
                                    

Dedicated sa aking LIL BRO! :"> Wiee, sorry kung di na kita masyado nakakausap ha? :) Busy si Ate eh. :P

O p t i o n 

Have you ever felt like you're not good enough? Always a second priority? Are you always hiding behind someone's shadow? I do. I do. I do. But in Him, I am always number 1. He's my bestest friend, my greatest father, and brother. He's my God.

~~

Lagi na lang ganito. Pakiramdam ko wala na akong nagawang tama, lagi na lang mali. Sa sampung tamang ginawa ko, isa lang ang napapansin, minsan wala pa. Pero sa sampung maling ginawa ko, labing isa ang napapansin. It's so unfair, right? But that's the way the world goes round.

Someone's always better.. I'm not good enough. I never was.. for them..

For my friends, my family, my teachers..

.....

"Bakit hindi mo gayahin ang kapatid mo? Napakabait. Ang tali-talino pa." yan ang laging sinasabi ng nanay ko. Si Lizeth, siya ang nakababata ko'ng kapatid. Ang paborito ni Mama. Sa mata niya, perfect ang kapatid ko. Si Lizeth lang naman ata ang anak niya eh. Si Lizeth na magaling.

At ako... Walang kwenta..

Hindi na lang ako nagsalita. Tahimik lang ako.

Ano pang sasabihin ko? Na magaling din ako? Kahit ano naman gawin ko, si Lizeth pa rin ang magaling.

Kahit ano gawin ko.. kulang pa rin.

Kailan nga ba ang huling beses na naramdaman kong mahal niya ako? Na mahal ako ni Mama.

Di ko na maalala.

....

"Ang galing talaga ni Jasmine noh? Siya na naman ang napiling representative. Matalino, mabait, maganda. Sana sagutin niya na ako." sinabi sakin ni John. Ang lalaking mahal ko. Sa totoo lang, hindi naman kami close. Or.. close kami? Ewan ko ba. Ako lang daw kasi mapagsabihan niya ng nararamdaman niya para kay Jasmine.

Ang swerte ni Jasmine. Lahat na sa kanya na.

"Haha. Sana nga. Good luck sa panliligaw mo." nginitian ko siya, oo nakangiti ako, pero.. deep inside.. gusto ko na mamatay sa sakit.

Lagi na lang ba akong ganito? Option? Takbuhan kapag wala ng choice.

.....

Hindi ako maganda. Ni hindi ako ganun katalino. Hindi rin ako matangkad. Wala akong talent. Wala akong alam na sports. Sakitin pa ako. Loner. Ayaw nila sakin dahil daw, hindi ako sikat, isa daw akong good for nothing.

I think.. tama sila. Bakit pa ba ako nabubuhay? Paano ko nakayang mabuhay sa loob ng 14 years ng ganito. Sana pinatay na lang niya ako. Galit ba sakin ang Diyos? Ano bang nagawa kong kasalanan? Wala naman akong sinaktan na tao. Wala. Alam ko wala. Pero bakit ganito ang buhay ko?

Pero sabi nila.. Swerte daw ako. Kasi mayaman ako. Nakukuha ko daw lahat ng gusto ko. Akala lang nila yun. Dahil sa kabila nang lahat ng yun, ang sumbat ng magulang ko. Ang masasakit na salitang binibitawan nila sakin.

...

"Ms. Montez, kailangan ko na kausapin ang parents mo. Lagi ka na lang bumabagsak sa subject ko. MAJOR subject ang Chemistry Ms. Montez. Sana naman. Binigyan na kita ng madaming chance para ipasa to, pero di mo pa rin kaya. Siguro by next year, pag di ka pa rin nakapasa next quarter, I'm sorry but you have to repeat 3rdyr." Bakit ba hindi ko kayang maging kasing talino ng kapatid ko. Wala na. Uulit ako. Magagalit na naman si Mama. :(

Where is God When it Hurts? (ONE SHOT COLLECTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon