Epilogue

335K 8K 3K
                                    

Angel

Kung tatanungin ako kung saan pwedeng ihalintukad ang relasyon namin ni Skie, ang isasagot ko— sa isang bamboo tree.

Pagkatapos kasi ng sobrang daming pagsubok sa relasyon namin, nakatayo pa rin kaming magkasama na parang bamboo tree.

"Love!" Niyakap niya ako sa mula sa likod nang mahigpit. "Sobrang miss na kita."

"Miss na rin kita," sagot ko kahit na ilang oras pa lang naman kaming nagkakahiwalay. Medyo naging clingy na kami sa isa't isa. "Ready na ba lahat bukas para sa art exhibit mo?"

Tumango tango siya habang malawak ang kanyang ngiti. "Excited na ako bukas na makita mo siya."

"Ako rin, Love," sa loob kasi ng anim na buwan, hindi niya ako pinapasok sa art studio niya sa apartment nila ni Kiro. "For sure, madaming tao 'yong pupunta bukas."

Hinila niya ako palapit sa kanya. Hawak-hawak niya ang baywang ko. "Kahit wala ni isa ang pumunta sa exhibit ko, wala akong pakialam basta nando'n ka."

Yumuko ako at hindi maalis ang ngiti sa mukha ko. Ganyan ang ginagawa kong reaksyon kapag kinikilig ako ng sobra sa mga banat niya.

"Ayan ka na naman sa mga banat mo," sambit ko habang nakayuko pa rin. "Araw-araw mo na lang akong pinapakilig."

Inangat niya ang mukha ko at hinalikan niya ako sa noo ko. "Hanggang sa pagtanda natin, palagi ko 'yang gagawin sa'yo."

Mas naging sweet siya ngayon sa'kin. Love is sweeter nga daw kasi the second time around.

Isang taon na kami dito sa New York. Kaming dalawa na ang nag-handle ng brance nila dito. Ako palaging nasa office pero minsan sumasali ako sa theater habang si Skie dito na nag-aral ng sculpture at ngayon nakikila na siya bilang isang magaling na artist.

Si Kiro naman unti-unti na rin gumagaling. Alam na ng parents nila ang totoo at paminsan minsan nandito sila. Hindi sila makapag-stay dito kasi walang mag-aasikaso ng business nila sa pinas. Ayaw din naman ni Kiro na palaging mag-alala ang magulang niya.

Si Anya naman, minsan dumadalaw din siya dito kasama si Luke. Silang dalawa na at gano'n din si Ailee at Enzo. Tuwang tuwa nga ako nang ibalita 'yon sa'kin ni Ailee. Dati pa man, bagay na silang dalawa.

Minsan nakikita namin dito si Waxy at si Byron, malapit lang din sila dito sa New York.

Masaya ang buhay namin dito ni Skie. Wala na ang akong ibang hihilingin pa. Makasama mo lang siya, masaya na ako.

Naglibot kami ni Skie sa park kasama si Kiro. Mukhang kanina pa may pinag-uusapan 'yong magkapatid na hindi ko alam pero sa totoo lang, masaya ako na naging malapit na ulit silang dalawa.

Blessing in disguise na rin kahit papaano 'yong sakit ni Kiro dahil do'n nagkaayos sila. Alam ko naman na hindi magtatagal, magiging cancer free na rin siya.

Hindi rin kami nagtagal sa labas dahil malapitn na ang winter, sobrang lamig na. Hindi rin maganda para kay Kiro na magtagal sa lamig.

Hinatid muna nila ako sa unit ko. Dalawang bahay lang naman 'yong layo ng apartment nila sa building ng unit ko. Mas convinient kasi kay Kiro kung hindi na siya sasakay sa elavator tuwing uuwi siya. Wala naman bakanteng unit sa baba kaya kailangan nilang mag apartnement at 'yong mga sculptures ni Skie, hindi na rin kakasya sa unit nila.

"Sleep well, love," sambit ni Skie habang yakap-yakap ako. "I'll see you tomorrow, morning."

"Goodnight, love."

Halos hindi rin ako nakatulog dahil sa excitement para sa art exhibit ni Skie. Feeling ko mas kinakabahan pa ako kaysa sa kanya.

Wala pang 8 ng umaga, nakahanda na ako. Dinaanan ako nila Skie dito ng 9:30am. Nagulat silang dalawa dahil ang aga kong naging ready. Minsan kasi natatagalan ako sa pagligo kaya minsan late ako sa mga meeting namin.

Ibang usapan na kasi 'yong event ngayon. Alam kong sobrang importante para kay Skie 'yong araw na 'to.

Pagdating namin do'n may mga tao na rin pero hindi katulad sa inaasahan ko. Masyado pa kaya kaming maaga kaya konti pa lang ang tao dito?

Tinignan ko si Skie, wala namang bakas ng lungkot sa mukha niya. Tinatago niya lang kaya sa'kin 'yong totoong nararamdaman niya dahil ayaw niya na pati ako apektado?

Hinawakan ko nang mahigpit ang kamay niya. "Maaga pa naman, madami pang darating mamaya."

Ngumit siya sa'kin. "Sabi ko nga sa'yo, kahit walang pumunta ngayon, basta nandito ka, masaya na ako." Habang sinasabi niya 'yon, parang seryosong seryoso talaga siya at hindi lang siya simpleng banat lang.

Marunong din mag paint si Skie kaya may mga paintings din siyang nilagay sa exhibit. Nakakapagtaka lang kasi puro ako 'yong subject niya. Bigla tuloy akong nahiya. Baka magsawa naman 'yong mga tao sa mukha ko.

"Do you like my paintings?" Tanong ni Skie.

"I always like your art," sagot ko habang nakatingin sa mga gawa niya. Sa unang kita mo pa lang alam mo ng nilagyan niya ng puso ang pag gawa sa bawat art na meron dito. "Kahit ano pong art ang gawin, palagi ko 'yon magugustuhan dahil naniniwala ako sa talent mo."

"Thanks, love."

Naglakad kami sa main room at ang main sculpture niya.

Mataas siya at malaki pero may tela na nakabalot dito kaya hindi makita ang loob.

"May takip ba talaga siya?" Tanong ko. "Kailan mo siya tatanggalin para makita ko?"

Tinuro niya sa akin 'yong lubid para ibaba ang mga tela. "Gusto ko ikaw ang mag bukas ng last and main sculpture ko."

Hinila ko agad ang lubid dahil excited na akong makita ang laman sa loob.

Bumungad sa akin ang dalawang tao na mukhang pamilyar ang mukha. Ang lalaki nakaluhod sa babae habang may hawak na singsing. Mukhang nag po-prose siya ng kasal. Binasa ko ang pangalan ng sculpture at napahawak ako sa bibig ko ng mabasa ko ito.

'Will you marry me, Angel Beatrix Dela Fuente?'

Tumalikod ako at nakita ko si Skie na nakaluhod sa harap ko. Nakita ko din ang parents ko at ang parents niya, pati na rin 'yong mga kaibigan namin. Planado ba ang lahat ng 'to?

Kinuha ni Skie ang kamay ko.

"Ang dami na nating napagdaanan, love. Masayang masaya ako kasi hindi tayo bumitiw sa isa't isa. Hindi mo ako sinukuan. Minahal mo ako ng higit pa sa hinihingi ko. Hindi ko na talaga kakayanin kapag nawala ka pa ulit sa buhay ko, kaya ngayon," kinuha niya sa bulsa niya ang isang box. Binuksan niya 'yon at nando'n ang singsing na palagi niyang tinatanong sa'kin dating kung maganda daw ba. "Angel Beatrix Dela Fuente, will you marry me?"

Hindi na ako nag dalawang isip pa. Ito rin 'yong pinapangarap ko noon pa man. "Yes, I will marry you, Skie Gonzales."

Ano bang meron sa mga bad boy at madalas maraming nahuhulog sa kanilang babae? Dahil ba sa gwapo sila? Dahil maangas sila na pakiramdam mo kaya nilang kalabanin ang mundo para sa'yo? Dahil sa tingin mo ikaw ang makakapagbago sa kanya?

Ako?

Nahulog ako sa kanya dahil sa kabutihang puso niya na iilan lang ang nakakakita. Nagulog ako sa kanya kasi bago niya ako mahalin ay nagbago na siya dahil para sa kanya, hindi ko deserve ang lalaki na sasaktan lang siya. Minahal ko siya dahil minahal niya ako sa mga oras na hindi ko kayang mahalin ang sarili ko.

Minahal ko siya hindi dahil isa siyang bad boy, minahal ko siya dahil siya si Skie Gonzales.

END

Don't break the Bad Boy's heart (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon