Chapter 11

322K 9.4K 2.9K
                                    

Photo booth

This is the fifth day that we have been dating and I think I don't hate her now. Ever since naman naging mabait siya sakin at sobrang alaga but still I don't like her.

Ayoko talaga sa mga babae na katulad niya. Sa mga babae na nagpapakatanga para lang sa isang lalaki. 'Yong habol ng habol. Gusto ko 'yong babaeng hard to get. 'Yong babaeng paghihirapan ko.

"Mr. Mendoza?"

Nakatingin na pala silang lahat sakin, lahat maliban kay Angel.

"Kanina pa kami nag-uusap dito para sa science fair natin bukas at may tinatanong ako sayo pero nakatulala ka lang dyan. Ano ba ang iniisip mo?" Tanong ng teacher namin.

May biglang sumigaw, "Si Anya! Si Anya 'yong iniisip niya."

Psh. I wouldn't think of her.

"Sorry Sir, medyo inaantok pa kasi ako. Ano bang itatanong niyo?"

"Lahat kasi may partner na para sa booths sa science fair. Ikaw na lang ang wala."

To be honest, I don't care about that fair.

"Sir, si Angel wala pa din partner!"

Napatingin ako kay Angel. Nagulat siya at hatala mong nairita siya. "Hindi ako pupunta sa fair." Alam ko naman na ayaw niya akong partner. Ayoko din naman pumunta sa fair na 'yan eh.

"Hindi pwedeng hindi kayo pupunta sa fair dahil your booths will be considered as your project for the whole year. Remember, graduation niyo na kaya kailangan galingan niyo sa bawat subjects."

Nagkatinginan kaming dalawa. Siguro pareho kami ng iniisip. We need to do this or else, we're dead.

Sige gagawin ko na lang 'to for the sake na maka-graduate ako. Kung ayaw niya, that's fine with me. Hindi naman ako 'yong babagasak sa subject.

"So, are we good?"

Tumango ako habang nakatingin sakanya at nakita ko din naman na tumango siya. Pareho nga siguro kami ng iniisip.

Habang nag di-discuss 'yong teacher namin, hindi ko maiwasan isipin kung ako ba ang unang lalapit kay Angel o hihintayin ko siyang lumapit sakin.

Nag bell na at lahat pero hindi pa din ako nakapag decide. Tinignan ko na lang si Angel at nagulat ako na nakatingin na din pala siya sakin.

Tumayo siya at umalis na ng room.

Aba, ayaw niya talaga akong kausapin. Wag ko na rin kaya siyang kausapin? Mag solo na lang kayo ako? Parang mas maganda pa na ganon 'yong mangyari.

Dala ko ngayon 'yong kotse ni lola. Nag drive muna ako paikot ng school habang iniiisip kung anong gagawin ko sa fair bukas. Kailangan makaisip na agad ako dahil ngayon hanggang bukas na lang ng umaga ang preparation time ko.

Dahil sa frustrations ko, pinuntahan ko na lang si Angel sa bahay nila.

Ang nakakatawa, wala pala siya don dahil pumunta siya sa bahay namin.

Don't break the Bad Boy's heart (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon