ABBY'S POV.
"Sira ka eh nuh?? D naman mauubos yang sopas mo kung tititigan mo lang eh..." sermon sakin ni Faye pero nanatili akong nakaupo at nakatulala..
'Hayyy makikita kaya kita Tristan?? Ano nalang mukhang ihaharap ko sayo???'
'Hoy Abby!! Sya ang nanloko!! Dapat sya ang mahiya sayo..'-isip
'Abby.. be natural nalang... kaya mo yan nuh??' -Puso
'Linoko ka eh Abby!! Dapat ipakita mo kung anong sinayang nya!!' -Isip
'Hayaan mong sya ang magdusa!' -Puso
'Correct ka dyan Puso!!' -Isip
'Teka nga... kelan pa nagkasundo ang puso at isip ko?? Ang alam ko kasi ay mortal na magkaaway ang mga to eh..'
"Abby!! Nasa mundo ka pa ba!!" -Faye
"Malamang!! Tss.."
"Magbihis ka na.. papunta na ang kuya Andrew mo.." sabi ni Faye...
Dun ko lang tinignan ang kabuuan nya.. at nagulat ako!! Grabe!! Nakabihis na agad sya!! Ang aga pa eh!!
"Alis nako.." sabi ni Faye pero pinigilan ko sya...
" Sabay kana samin ni Kuya.."
"Wag na... thanks nalang.." sabi ni Faye saka lumabas ng condo namin...
Hanggang ngayon mainit parin dugo nya kay Kuya Andrew.. siguro.. mahalaga talaga sa kanya ang pinsan nya na niloko ni Kuya...
Mabilis kong hinihop ang sopas ko at naligo...
5:45 natapos na akong maligo at nakasando lang ako ngayon ng biglang......
"Abby!!" Si Kuya nayan!!
Mabilis akong nagbihis... pagkalabas ko..... Nyeta.. si Cymon lang pala..
"Anong ginagawa mo dito??" Pormal na tanong ko...
"Nakatayo."
"Tss..."
"Sunget naman.. ka aga aga.."
"Asan si Kuya??"
"Ayun.. nasa bar.."
"Bar!! Ang aga aga eh!!"
"Naniwala ka naman.. tss.."
'Baliw talaga kahit kelan to..'
"May pagkain ba kayo dito?? Gutom na ako eh..."
"Maghanap ka.." masungit na sagot ko sa kanya...
"Eto!! Sakto!! May nakita narin akong pagkain!!" Sigaw ni Cymon mula sa kusina....
Kaya na curious ako...
'At ano namang kakainin nun?? Eh wala nga kaming bread dito maliban sa ano ko eh..'
Teka!! Yung sopas kaya kinain nya!!!
Mabilis akong pumunta sa kusina....
"Cymon!! Te-teka!!!" Natigilan naman ako ng makita kong ubos an ang sopas ko.....
'Palibhasa ang lakas kumain eh..'
"Ano??" Inosenteng tanong nya..
"Akin yan eh!!!" Sabay turo ko don sa sopas ko na inubos nya...
"So??" Nangaasar pa na tanong nya..
'Palibhasa baliw eh'
"Hayssstt.. alm mo bang i-indirect kiss nun yun!!!" Nauutal na sabi ko.. bat nga pala ako nauutal?? Aissshhh!!
YOU ARE READING
IM WITH YOU
Fiksi RemajaEvery people deserves to be happy... But.. pano sa tingin nyo ako magiging masaya kung di ko namamalayang pinagtataksilan na pala ako ng mundong iniikutan ko??