Prologue

490 18 54
                                    

#SILWTDU

DECEMBER 31, 2017

KENSLEY DE GUZMAN

Bisperas ngayon ng bagong taon. Busy ang lahat sa kanilang bahay upang maghanda ng kanilang lulutin mamaya. Kanya-kanyang trip kung anong gusto nila. Merong nagvi-video oke or di kaya naman maagang nagpapaputok. Hindi yung paputok na naiisip nyo.

Bagong taon na, tagal na din pala simula nung huli ko syang makausap. Napakadaming nangyare, ang daming nagbago pero yung pagmamahal ko? Nandito pa rin. Nag stay.

'Lechugas, pinalayas ko na't lahat-lahat nanatili pa rin'

"Kens, ayos lang ba?" tanong ni Kuya Andrew, pinsan ko. Tinignan ko yung tinatanong nya,yung suot nya pala. Tumango naman ako bilang pagsang-ayon.

"Ayaw mo talaga sumama?" tanong nya. Umiling naman ako, kapag sumama ako walang katulong si mama. "O sige, papasalubungan nalang kita. Alis na ako" aniya at hinalikan ako sa noo.

Pupunta kasi syang arena, manunuod ng banda don saka mga ibang artista. Gustuhin ko man sumama ay hindi pwede dahil walang katulong si mama.

Kinuha ko na lamang ang aking cellphone at nagscroll sa facebook light. Nang biglang may nagnotif sa akin na sana hindi ko na ginawa.

Jaiden WP sent you a friend request

5 mutual friends including Rahani Ayela, Nicky WP, Kent Montero, Khyla Cruz and Pibeeee Villarama

Accept   Remove

Pakiramdam ko biglang nayanig ang buong mundo ko. Yung parang dinaanan ng lindol tapos biglang nagkaroon ng aftershock na nag-iwan sayo ng trauma. Na parang nagbalik ang lahat sayo, yung dating akala mo manhid kana dahil wala ka ng maramdaman. Biglang nagbago kasi dumating uli, nagbalik.

At hindi mo alam ang gagawin.

You are now connected on messenger!

Tap to say HI!

Idinilat ko ang aking mga mata. Alam ko na, alam ko na ang mangyayari kapag bumalik sya. Hindi pa rin nagbago, walang nagbago.

Dahil alam kung sa huli sa kanya parin ang bagsak ko.

Still In Love With That Dummy User [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon