Chapter 7

160 7 50
                                    

Kensley.

"Nag-alala ako sayo,sobra"

Pakiramdam ko huminto ang mundo ko. Yung takbo ng oras, yung ihip ng hangin, yung pagningning ng bituin, yung paggalaw ng ulap---lahat yun huminto. At tanging yakap nya lang ang alam kong nagpapagalaw sa akin---- sa puso ko.

Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Kung itutulak ko ba sya papalayo sa akin o yayakapin ko din sya gaya ng ginawa nya. Sa totoo lang, kinakabahan ako. Kinakabahan ako sa mangyayare sa akin.

"J-jd" usal ko. Bigla naman syang humiwalay sa pagkakayakap sa akin.

"S-sorry,masyado akong naging m-mabilis" at iniiwas ang tingin nya.

Sa ganong sitwasyon, pinagmasdan ko sya. Yung mukha nya, yung paggalaw ng mata nya, yung paghinga nya. Alam kong mali ang iniisip ko pero bakit ganon? Bakit pakiramdam ko sya si Jaiden? Bakit?

"A-ayos ka na ba?" tanong nya kaya naman napatingin ako sa kanya. Hindi ako kumibo, pakiramdam ko hinihigop ako ng mga mata nya. Nakakalunod. na para bang pakiramdam ko hindi na ako makakaahon.

"Kensley"

"Bakit?" tanong ko. Yung mata nya,nagtatanong, malungkot at nasasaktan. Bakit? "Bakit ganyan ka tumingin? Bakit ganyan ang mga mata mo?" tanong ko. Nakunot naman ang noo nya at tulirong tumingin sa akin.

"Huh?"

Napailing ako. "Wala, ayos lang ako. Salamat sa pag-aalala, umiwi kana gabi na" sabi ko at nginitian sya.

Tinapik ko sya sa balikat bago naglakad papasok. Hindi ako lumingon,hindi ko sya nilingon. Dahil sa oras na lingunin ko sya, alam kong iyon na naman ang oras na masasaktan ako.

Kaya hanggat maaga pa, agapan na. Nang hindi na lumala, ng wala ng sakit na madarama.

"Umalis na sya?" tanong ni Kuya Kent. Nakasandal sya sa pintuan ng kanyang kwarto at mataman akong tinignan. "Manliligaw mo ba sya?"

Umiling ako at sinalubong ang tingin nya.

"Hindi ko sya gusto para sayo" diretsong usal nya. "Iwasan mo na sya hanggat maari, wag mong hayaang lapitan ka nya at saktan. Matulog kana may pasok kapa bukas" pagkasabi nya nun ay pumasok na sya sa kanyang silid.

Napabuntong-hininga naman ako, umupo muna ako sa may sala at nag-isip ng mga bagay-bagay.

"Pinagalitan ka ba?" nag-angat ako ng tingin at doon nakita ko si Kuya Andrew na may bitbit na baso na ang laman ay gatas. Iniabot nya sa akin ito at tinanggap ko iyon. "Sundin mo na lang ang Kuya mo Daday. Kahit ako, ayoko para sayo ang tukmol na iyon. Itsura palang hindi na matino" aniya. Napangiti naman ako sa kanyang sinabi, well what can I say? Sila na ata ang MOST CONCERNED COUSIN OF THE YEAR.

"Anong nginingiti mo dyan, Daday?" tanong nya. Umiling naman ako. Pati ba naman pagngiti ko mali? "Psh, matulog kana nga ng lumaki kana" aniya at pinisil ang aking pisngi.

"Araaaaay! Wala ka bang pisngi ha!?" inis na tanong ko at minasahe ang kaliwang pisngi ko. Masakit ah!

"Wala!" aniya at pinisil ang kanang pisngi ko at nagtatakbo papunta sa kanyang kwarto. Narinig ko pa ang paglock nya nun.

"LECHE! AKALA MO NAMAN HAHABULIN KITA NO! HINDI KO UGALING MAGHABOL MANIGAS KA!" sigaw ko.

"DADAAAAAAAAAAY!"boses iyon ni Kuya Kent, kaya bago pa ako mayari ng galunggong na iyon ay nagtungo na ako sa aking kwarto.

Kinabukasan, maaga akong nagising dahil sa lakas ng tawa ni Kuya Andrew. Lechugas na baboy to napakaingay!

"Alam mo par, ganito lang yan. Wag mo na kasing mahalin yung taong hindi ka mahal. Para kang naghahabol sa kawalan" usal nito. "Ikaw nalang ang nagmamahal,bitaw na"dagdag nya. Hindi ko naman narinig na nagsalita si Kuya Kent kaya naman tumayo na ako at nagtungo sa kusina.

"Good morning Daday!" boses kaagad ni Kuya Andrew ang tumambad sa akin. Hinalikan nya ako sa aking pisngi at ginulo ang aking buhok.

"Morning" bati ko din sa kanya at niyakap sya.  Pinuntahan ko din si Kuya Kent upang yakapin,katulad ng ginawa ni Kuya Andrew ay hinagkan din nya ako sa pisngi.

"Good morning, Daday" aniya at ganon din ako. Huli kong nilapitan si Ate Zet atbinati din.kagaya nung sa dalawa.

"Kain na" sabi ni Ate.

Nag-umpisa naman ng kumain si Kuya Andrew habang nilalagyan naman ako ng pagkain ni Kuya Kent sa plato.

"Anong oras ang uwi mo,Day?" tanong nya. Matapos akong lagyan ng hotdog at itlog sa aking plato.

"Alas dose" sabi ko at uminom ng gatas na itinimpla ni Kuya Andrew.

"Ay Kuya Kent,gagabihin pala ako mamaya ng uwi" - Ate Zet.

"Bakit?" tanong nya. Napalingon naman ako kay Kuya Andrew, kahit kelan talaga napakatakaw kumain. 'Tss,baboy!'

"Tatapusin ko pa yung ibang pinagagawa ng boss ko sa akin. Kasama ko naman si Myra Fe doon" ang  tinutukoy nya ay ang best friend nyang si Ate Fe. "Atsaka pala si Mich"

Tumango naman si Kuya. "Basta kapag natapos nyo na iyon ay umuwi ka kaagad. Alam mong delikado kapag gabi"

"Kuya, kelan ba uwi nila mama?" tanong ko. Kasi nung nagpaalam sya sa akin eh nung nakaraan pa hanggang ngayon di ko pa sya nakikita.

"Tatlong buwan pa sila doon, hindi ko sigurado kung kelan eh. Bakit?"

Kagigil, hindi man lang nagsabi sa akin na mangingibang bansa siya. Buset amps. "Wala, di kase sya nagpasabi sa akin" sabi ko at sumubo ng pagkain.

Matapos nun ay kaagad akong nag-asikaso dahil may pasok ako. Hinugot ko sa aking bulsa ang cellphone ko at kaagad na binuksan ang data non. Napanganga ako dahil sabog ang notifications ko.

200+ friend request

50 messages

100+ notification

Whats on your mind?

Ilang araw ba akong hindi nagbukas at ginera ako ng samut-saring notification? Binuksan ko ang message box ko.

Rahani Ayela
Hi Kenshieqq
March 31

Myra Fe Cabuenas
Bby, Ate mo?
Yesterday

Ivan Clyde
Hi Kens, how are you? Are u doin fine?
Yesterday

Kent Soler De Guzman
Baho mo.
Yesterday

Andrew Soler
Gusto mo bang manalo ng price? Halika na join our group TROPANG ZABOGXCS malay mo isa ka sa manalo ng...
Yesterday.

Napailing naman ako sa message ni Kuya Andrew. Saan na naman kaya nya na copy paste yan at napaka-kapal ngmukha na ipasa sa akin.

Napatigil ako sa pagtingin sa message ng makita ang isang mensahe.

Jaiden WP
I found you, again.
March 29  12:40 am

Anong ibig sabihin nun? Anong nahanap nya ako? Saan? Kelan? Paano?

Naguguluhan ako. Hanggang sa makatanggap ako ng isang mensahe na nakapagpakaba ng puso ko.

Jaiden WP
Gustong-gusto kitang yakapin. Kada nakikita kita, gustong-gusto kitang yakapin ng mahigpit. The way na titingin ka kakaiba. Pero sa tuwing sasabihin ko na ang totoo, natatakot ako. Ano bang ginawa mo sa akin para makaramdam ako ng ganito sayo? Gayong alam ko na ako ang may ginawa sayo.
Just now.

Still In Love With That Dummy User [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon