Chapter 8

143 4 14
                                    

Kensley.

Nandito ako ngayon sa classroom namin. Tulala at hindi makausap ng matino. Daig ko pa ang nagdodroga sa sobrang pagkalutang.

"Gurl,what happened to youuuu?" tanong ni Mae. Kumain sya ng Lava cake ngayon at nakaupo katabi ko. Umiling ako, hindi ko alam kung anong sasabihin sa kanya.

"Don't tell me it's about na naman kayJaiden?" she said. "Oh, well. Why did I asked pa? Obvious naman. What about him?"

"Wala" sagot ko at yumuko.

"Wala pero makapag-emote parang meron" aniya. Narinig ko naman ang paginom nya sa kanyang inumin.

Ano bang kalokohan ang sinasabi ni Jaiden?

Kinuha ko ang phone ko at nagbukas ng data. Nagtungo ako sa facebook at nagscroll doon. Sinearch ko ang name nya atkaagad na pinindot iyon.

Jaiden WP

"I always love someone, I can't have"

Lives in Pampanga, Angeles City

Write on Jaiden's Timeline...

·Photo   ·Check In  · More

Jaiden WP
Just now·

Yung gustong-gusto mo syang lapitan pero hindi mo magawa. Kasi andon yung thought na baka layuan ka nya dahil nasaktan mo sya noon

5 likes    5 comments

Pinindot ko ang comments para tignan kung sino ang sinasabi nya doon.

Frits WP
Nalapitan mo na dre?
Jaiden WP reply:  oo, kaso di ko makausap e.

Rahani Ayela
Handa kana bang umamin? Hahahaha
Jaiden WP reply: ikaw ba hindi? Lol.
Rahani Ayela reply: hindi pa dude. Nakakatakot haha.

Khyla Cruz
Umamin kana hanggat maaga pa.
Jaiden WP reply:  inaamin ko ng mahal kita. Hahaha
Khyla Cruz reply: tangina mo sagad.adik hahaha

May kung anong kirot akong naramdaman. So until now,Khyla pa din pala? Hanggang ngayon sila pa din pala. Ano bang meron sya na wala ako? At ganoon nalang kadali sayo ang iwan ako noon, Jaiden?

Tinurn-off ko ang aking data at itinabi ang aking cellphone sa bulsa. Napalingon ako kay Mae na abala sa pagtatype sa kanyang phone. Tumayo ako upang silipin kung sino ang ka-chat nya. Dahan-dahan lang para di nya maramdaman ang presence ko.

Nanlaki ang mata ko ng makita ang pangalan ng pinsan ni Jaiden don. Bakit sinisilip nya ang account ni Rahani? Kukunin ko sana ang phone nya kung hindi lang umepal tong isa.

"Kensleeeeeeey!" nilingon ko si Clyde na tumatakbo papalapit sa amin. Kaagad akong lumayo sa likuran ni Mae para di sya makahalata. Damn!

Nilingon ni Mae si Clyde at itinago ang phone nya. Nagpalinga-linga sya siguro'y hinahanap ako. Nang makita ako ay kumunot ang noo nya.

"Nandyan kana agad? Di kita napansin ah?" aniya sabay baling kay Clyde. "Hi baby!" sigaw nya. Napasimangot naman si Clyde, naiinis kasi sya kapag ganyan sa kanya si Mae. Alam nyang may gusto sa kanya ito pero ayaw nyang pansinin dahil kaibigan lang ang turing nya kay Mae.

"Kamusta?" aniya pero sa akin nakatingin. Nginitian ko naman sya at ganon din sya sa akin.

"Ayos naman ako. Ikaw ba?"

Ngumiti sya. "Pogi pa din"  napangiti ako. Kahit nasaktan ko sya hindi parin nagbago ang pakikitungo nya sa akin.

Napalingon naman ako kay Mae,nakasimangot sya sa amin. "Grabe ha? Ako yung bumati sayo pero sa kanya pa din ang bagsak mo" at umaktong nasasaktan. Though, deep inside nasasaktan naman talaga sya. Great Pretender lang talaga.

"Tss, umayos ka nga Mae. Your like a kid" ani Clyde. Inirapan sya ni Mae at walang pasabing nilayasan kami. Tinignan ko sya hanggang sa makalayo sya, may hindi sinasabi sa akin si Mae. Ramdam ko yun

"Huy!" kaagad ko namang nilingon siClyde na nakakunot ang kilay sa akin. "Sabi ko,ayos ka lang ba?"

Napatango naman ako. "A-ayos lang ako. Bakit?" tanong ko.

"Pano kanina pa kita tinatawag pero parang wala kang naririnig. Naka-focus ang atensyon mo kay Mae. Don't tell me may romantic feelings ka sa best friend mo kaya ayaw mong tanggapin ang feelings ko? Kung ganon din naman mas gugustuhin ko pang si Jaiden ang dahilan kesa kay Mae. Kadiri!"

Hinampas ko sya ng librong dala ko. Ako? Magkakaroon ng romantic feelings for Mae!? Nasisiraan ba sya ng ulo!?

"Hoy Ivan Clyde Mendoza! Pwede ba? Wag maging masyadong malawak ang pagiisip!? Kung saan saan ka natatangay eh! Saka sa ganda kong ito? Sa tingin mo ba papayag akong mahulog sa kapwa ko babae!? Sayang ang matris ko gago!" sigaw ko at nilayasan sya.
Narinig ko naman ang paghagalpak nya ng tawa gagong yun.

Ngunit natigil ako ng matanaw ko sa labas ng gate si JD. Hindi ko alam kung kanino sya nakatingin pero ng pakatignan ko ay alam ko,alam kong sa akin sya nakatingin. Nakasuot sya ng puting damit at tokong na short. Nakapasok ang dalawa nyang kamay sa kanyang bulsa at mataman akong tinitignan.

MALALIM. masyadong malalim ang kanyang mata, hindi ko matansya kung gaano kalalim  pero sigurado akong tatangayin ako nito kapag nagpadala ako.  Iniwas ko ang aking tingin at walang lingunang tinalikuran sya.

Malakas ang kabog ng damdamin ko at hindi ko iyon maipaliwanag kung bakit. Napahawak ako sa aking dibdib at naalala ang mga katagang sinabi nya noon.

"Hindi ko kayang tignan kang may kasamang iba. Pakiramdam ko malulukot ako, mababasag. Gusto ko sa akin kalang nakatingin, ayokong may kahati ,pero wala akong karapatan para gawin iyon. Wala akong.karapatang ipagdamot ka, dahil simula palang nung una wala na akong karapatan dahil sinaktan kita"

Bakit pakiramdam ko pag-aari mo ako ngayong sandali? Bakit pakiramdam ko tinatali ako ng mga salita mo at ayaw akong pakawalan. Bakit sinusunod ka ng puso ko na tila ba ikaw ang kanyang hari at ako lamang ay iyong alipin?

Nanginginig ang tuhod ko at pakiramdam ko anomang oras ay tutumba ako. Wala akong makakapitan upang makuhanan ng lakas. Hanggang sa dumating sya at inalo ako.

"Wag mo akong titignan sa malayo Kensley" may halong pagbabanta ang kanyang tinig. "Hindi mo makakayang umahon sa mga titig ko,dahil masyado ka ng lunod para umahon" aniya at hinapit ang bewang ko na syang mas nagpalambot sa akin.

"Simula palang nung una, akin ka lang. Hanggang ngayon akin ka lang, kahit nasaktan kita noon. Akin ka lang" at doon tuluyang nanlambot ang aking tuhod.

'Alam ko na. Siguradong-sigurado na ako. Ikaw at sya ay iisa'

Still In Love With That Dummy User [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon