Chapter 3- Flashback

251 10 2
                                    

Hindi ako makatulog nung gabing yun... parang may mali.. ewan ko ba, nababaliw na ata talaga ako eh. Kung ano-anong pumapasok sa isip ko. Hindi ko maiwasang mag-isip na may ginagawang kalokohan si Francis, nangyare na kase to dati eh. Oo, he cheated on me before. Ni hindi ko nga kilala yung babae eh, at wala akong balak. Ayoko na ring ungkatin pa yun. Kasalanan ko naman lahat eh. May pagka-psychotic kase ako noon. May lumapit lang, nagwawala na ako kagad. .

Sobrang higpit ko pa. Bawal dito, bawal don. Nawalan din ako ng time para sa kanya dahil sa sobrang pagka-busy ko at obsession sa "image" ko. Bah, kahit sino namang maging cover ng isang magazine, magiging conscious din naman eh, diba? Diba? Aminin!! I prioritized other things before him, instead na samahan ko siya, andon ako, nakikipag sosyalan. Wala ako sa tabi niya when he needed me most. Ni hindi ko man lang siya na comfort when his lolo died. Sobrang close pa naman siya don. Hindi ko rin siya napagbigyan kahit minsan lang na umattend ng mga family gatherings nila. Simple request lang, hindi ko pa mapagbigyan. Kapag nagkakaron naman ng pagkakataon, laging limited ang oras ko. Grabe noh? Kaya feeling ko kinakarma na ako. Kaya dapat ko yun pagbayaran. Dapat lang na pagbayaran ko lahat ng pagkukulang ko sa kanya.. ganon naman talaga kapag mahal mo, diba? Gagawin mo ang lahat.... :\ 

First boyfriend ko yan si Francis. May usapan kase kame ni Daddy noon, na pwede lang ako magka boyfriend when I turn 18. super protective kase ang Daddy ko. Ako naman, when I was young, I had a vow to myself na isa lang ang mamahalin ko. Yung first boyfriend ko, siya na ang mapapang-asawa ko, just like my Mom and Jane. May sasabihin ako, medyo weird nga lang, pero alam niyo ba, I've been having dreams before, and even sometimes, until now, about this guy. Pero hindi ko nakikita yung mukha niya, katawan lang. kabisado ko na nga mga nunal niya sa katawan eh, meron siyang 3 moles sa left chest niya. Hindi ako manyak ha! It just so happens na everytime I dream about him, don lagi naka-focus. Kaya nung dumating si Francis, kahit hindi ko pa nakikita dibdib nyan, alam kong siya na yun. Siya yung "guy of my dreams" hehe. Alam niyo ba, yang si Francis, napaka sweet nyan. He had been courting me even before I was "legal" to have a boyfriend... hinintay niya 'til I was 18 before he asked me out. Ang tagal din niya naghintay saken. Hinaharana pa ko nyan, binibigyan ng roses, yung classic style ng pangliligaw, how romantic. I know corny ang mga ito sa ibang tao, pero aminin nyo ladies, it's hard to find a guy like this nowadays, and when you do naman, hindi mo maiiwasan ang matuwa at kiligin kung ganyan ang manliligaw mo, diba?? Wag nyong i-deny! We were so happy back then.

Ramdam na ramdam ko noon yung pagmamahal niya para sakin. Ako yung center of his attention, apple of his eye, cherry on top of his sundae, palaman of his pandesal, ulam of his kanin, at kung ano-ano pang kakornihan dyan! Basta, ako ang pinaka-importanteng tao sa kanya. I honestly found perfection, and I just had to ruin it.... 

Kinabukasan, hinatid namen si Daddy sa airport, siempre, malaki na naman ang eyebags ko. Pero hindi na ko tinanong ni Mommy kung bakit. Siguro she figured it out already. Alam nyo ba, umiiyak ako everytime my Dad leaves? Hehe. Oo, totoo, pero hindi yung "cry me a river" effect ah, yung simple lang. hahahah.. pero seryoso, umiiyak talaga ako. Para akong bata noh? Ayoko kase na may nakikitang umaalis eh, you know it's always the leaving part that hurts the most... naka naman Alexa!! Hanep sa drama! 

"oh, Alexa, papakabait ka, okay? and please, don't stress your Mom too much, kayong 2 pa naman ni Mara hobby nyo na ang painitin ang ulo ng Mommy nyo. "-Daddy

"Dad naman eh.. "

"ano bayan, anak. dalaga ka na eh, iyakin ka pa rin. lagi naman akong umaalis eh, mana ka talaga sa Mommy mo, pareho kayong iyakin. tignan mo oh, umiiyak na. "

With A Smile (NashLexa Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon