Chapter 2: Mistaken

36 8 0
                                    

Chapter Two: Mistaken

Zoe

Habang sinusuklay ko ang mahaba kong buhok ay napatigil ako nang magsalita si Sophia habang inaayos ang sarili sa harap ng full length mirror.

"Nakita niyo na ba 'yong mga transferee?" tanong nito.

"Nakita ko na 'yong isa," walang ganang sambit ko.

"Really?!" Tintin exclaimed after emerging from the CR. Uh, kulang na lang na may lumabas na beating hearts sa mga mata nito.

"Yeah," And he's a devil, so beware.

"Gwapo ba?" tanong ni Sophia. Gwapo... 'sana'. Ewan ko ba.

"Bakit, hindi niyo pa nakita?"

"Tinatanong ka nga 'diba?" sarkastikong wika ni Tintin.

"Ewan, gwapo naman. May multiple personality disorder nga lang," I sounded rude as I vocalized every word.

"Hay, tara na nga sa cafeteria," wika ni Sophia at lumabas na kami ng dorm namin. Tinungo namin ang cafeteria at pagdating namin ay sinabi ni Tintin na siya na daw ang oorder. Naghanap na lang kami ni Sophia ng mauupuan at naghintay kay Tintin. After ng ilang minuto ay dumating ito dala-dala ang tray ng mga inorder niya. Breakfast guys!

"Hoy girl! Kailan ba papasok ang mga transferee!"

"Ewan ko girl, excited na nga rin ako!"

"Gwapo daw silang lahat! Kyaaaah!"

Tsismis na naman. Hindi pa pala sila nakapasok? Sino kaya ang tatlo? Nakita ko na kasi 'yong isa, tatlo na lang.

Kumuha ako sa maliit na bowl ng menudo at inilagay iyon sa plato kong may kanin. I was about to put a spoonful of rice into my mouth nang magsalita si Tintin.

"Mamayang hapon na daw papasok ang mga transferee, at rinig ko kanina, STEM-A daw silang apat."

"Talaga?" Sophia said with excitement. "Swerte mo naman Zoe." wika pa nito sabay tapik nang mahina sa balikat ko. How did I become so lucky? Kainis nga dahil kaklase ko ang demonyong 'yon.

Sophia and Tintin are both ABM students kaya siguro nasabi nilang swerte ako dahil kaklase ko ang transferees. Naiinis nga ako eh, so don't call me lucky.

"Ay wow! Picturan mo sila ha," wika ni Tintin. No way! Magmumukha akong stalker na obssessed 'pag gano'n.

I rolled my eyes at her. "Hindi ko magagawa 'yan."

"Sige na please," Tintin said at nagpuppy eyes pa. Uh, balakajan! "ShareIt mo sa'kin mamaya."

Napailing ako at ipinagpatuloy na lang ang pagkain ng breakfast. I have to eat a lot in case na mameet ko na naman ang demonyong 'yon.

I savored every morsel of my breakfast at uminom ng tubig. Rinig ko rin ang kalampag ng kubyertos na inilapag ng dalawa, hudyat na tapos na rin silang kumain. Tintin let out a loud burp. Uh, that's disgusting.

Sophia glared at her. "Say excuse when you burp."

"Excuse me," wika ni Tintin sabay ngiti ng nakakaloko.

After a while ay nagbell. The sound of screeching chair legs filled the whole cafeteria as students stand from their chairs. Tumayo na rin kami at lumabas doon.

We headed towards our respective rooms. We bid our farewells as we take different directions. Ako sa STEM building samantalang sa ABM building naman ang dalawa.

Pagdating ko sa harap ng classroom namin ay kaunti pa lang ang nakikita ko sa loob. Naroon na rin ang manyak na si Louis na nakaupo habang nakapatong ang dalawang paa sa upuan na nasa harapan niya.

Bullets and Kisses (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon