CHAPTER 4A (si ANGIE tsikadora :) )

186 4 4
                                    

Agad namang nakita ni Devon ang kaibigan na kasalukuyan nang nakikipag-usap sa sa masugid nitong suitor na si Robinson.

“Ehem... Uhmm baka pwedeng mahiram muna si Angie huh?! Saglit lang babalik ko din to.” Paalam ni Devon kay Robinson.

“sure no prob. Basta ibalik mo lang nang buo at hindi pa ko sinasagot nyan” pabirong sagot naman nito.

At ang kaibigan naman nya tila kilig na kilig at gustong mangisay. J Lumabas na sila at inaya nya ito tumungo sa canteen para bumili ng makakain.

“Dude panira ka naman ng moment ee! Ayun na ee nagtatapat na si papa Robinson sakin ee !” emote ng kaibigan nya.

“Tol ilang beses ko ba sasabihin sayo na patay na patay sayo yan at wala yata sa sistema nyan ang tantanan ka kaya pwede ba wag ka na mag-inarte dyan! Tsaka pwede ba ? PAPA agad? Ano yun tatay lang ang peg?!” mahabang litanya nya sa kaibigan.

“Tol! PAPA as in YUMMY ! ano ka ba diba bakla ka bat di mo alam yun? Wag mo sabihing tomboy ka?! At tsaka teka ? bakit mo ba kasi ko sinama ee hindi mo naman ako ililibre for sure”  sagot naman nito sa kanya.

“Oo na tol sige na para matigil ka na! Bat kita sinama? Ee diba nga po ichichika ko yung tungkol sa pagiging late comer ko lang naman diba?”

“Ay Oo nga! Osya simulan na ang tsika at himalang hindi si ULTIMATE ang dahilan ng pagiging late mo ngayon? May himala ba?”

“Wala namang himala. Ee kasi tinawagan ako nung Lawrence daw ng dis-oras ng gabi hindi ko din naman nakausap dahil nalowbat ako, ee alam mo naman ako pagnagising ang diwa pahirapan na, kaya ayun di na ko nakatulog” mahabang kwento nya sa kaibigan.

“teka teka sino itong Lawrence na to at may tawagan na agad na nangyari aber? Explain mo nga nang maintindihan ko” takang tanong kaibigan niya.

“dude hindi ko kasi nabanggit sayo sya yung lalaki na napagbitangan akong nagnakaw ng wallet nya at nakabangayan ko pa dahil inagawan ako ng libro nung nagpunta ko sa NBS nung nakaraan.”

“wait lang huh sa palagay ko kasi base sa kwento mo ay BV ang una nyong pagkikita ee paano ngkaroon agad ng tawagan aber?”

“yun na nga nung maipaliwanag ko sa kanya kung paano napunta sa akin yung wallet nya ee nag-sorry sya at dahil mabuting tao ako pinatawad ko. Ayun trineat nya ko and get my number kaya natawagan nya ko.” Mahabang paliwanag ni Devon sa kaibigan.

“Aa ok I get it now pero pakialis yung mabuting tao part at naaasiwa ako dun,” pang-aasar ng kaibigan

“Tol naman, minsan na nga lang bumait ee, sa kwento na lang ako oh! Pagbigyan na ?!” suyo nya dito.

“osige na para matapos na to. Ee bakit mo naman sya naikwento sakin aber? Kiber ko naman sa Lawrence na yan?”

“ee kasi nga po sya ang dahilan ng pagkalate ko at isang bagay pa kahawig nya si ULTIMATE medyo may balbas nga lang at maitim”

“weee kaya naman pala ee sabi na ee kelan ba nawala sa usapan si ULTIMATE.” 

“hay naku tol alanga namang maging interesado ko sa boylet noh! Unless si ULTIMATE yun ay nako hindi ko talaga papalagpasin ang pagkakataon noh” sagot ni Devon sa kaibigan.

MY ULTIMATE CRUSH Become MY LOVERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon