CHAPTER 1 (The Book)

514 6 0
                                    

“Ate, alis muna ko ha punta lang ako National.” Pasigaw na paalam ni devon sa kanyang kapatid.

“hay naku ! mag-aaksaya ka na naman ng pera para ano..para bumili ng kung anu-ano……” sagot naman ng kapatid niya.

“blah, blah, blah … hay naku si ate talaga. Minsan lang naman ako bumili ha!,  tsaka pinag-ipunan ko to para sa sarili ko.” Saad sa isip ni Devon.Umalis na lang siya upang di na humaba pa ang usapan tiyak niya kasing walang patutunguhan kung makikipagtalo pa siya sa kapatid.

            Siya si Devon Seron isang simpleng estudyante, salamat sa diyos at nakarating siya ng kolehiyo. She’s taking up education major in Filipino. Mahilig siyang kumanta at sumayaw pero mas angat siya sa pagsayaw. Simple lang naman ang pangarap niya ang grumaduate at makatulong sa pamilya, well yun ang mga posibleng pangarap niya at ano ang imposibleng ninanais niya …ang maging kaibigan lang naman ang ultimate crush niyang si Sam C. Ang totoo gusto niya tong maging BF pero naisip niya sobra ata yun kaya kahit maging kaibigan lang ito ay ayos na.. di niya alam kung kelan mangyayari yun pero hinihiling na lang niya na matupad.

“hay ang dami namang tao ngayon dito.. ano bang meron ?” “san nga ba dito yung national?” sabi ni devon sa sarili habang nililibot ang mall. Abala siya sa paghanap ng direksyon ng makabangga niya ang isang lalaki, narinig naman niya itong nagsorry ngunit nagmamadali ata talaga ito at agad na umalis. Napakamot na lang siya sa batok at nakita niyang may nalaglag sa sahig. “ano kaya ito?” saad niyang nagtataka. Isa pala itong wallet na naglalaman ng mga card “aa siguro dun to sa lalaki kanina , dadalin ko na lang sa security mamaya pagkatapos ko bumili” isinilid niya ito sa bag at muling hinanap ang pupuntahan.

“wew napagod ako dun, nakilala ba nila ko? Muka namang wala nang sumusunod sa akin ee..” hinihingal na saad ni Sam. Naglalakad kasi siya kanina sa mall ng marinig niya ang pangalan niya, sa takot niya na pagkaguluhan ay agad siyang tumakbo, sa pagmamadali nga niya ay nakabunggo pa siya ng tao. Ito ang ayaw ng mommy niya kaya hindi siya pinapayagang magmall. Hindi na daw katulad ng dati ang buhay niya na kahit magpapabalik-balik pa siya sa mall ay walang pumapansin sa kanya iba na daw ngayon dahil artista na siya at konting galaw lang niya marami ng fans ang nakasubaybay. Pero anong magagawa niya tao lang naman siya, nabobore din siya sa pagiging taong studio-bahay. Sa araw-araw kasi na ginawa ng diyos ay studio-bahay lang ang drama niya. Kaya heto siya ngayon sa mall at naglilibot ng nakadisguise.

            Siya si Sam Concepcion isang sikat na singer-actor-dancer at lahat na ata ng talent ay nasa kanya kaya pinagkakaguluhan ng mga tao. Nagsimula siya sa pagkanta pero ng lumaon maraming talent ang nakita sa kanya kaya’t heto siya ngayon all-around ang drama sa showbiz. Masaya naman siya sa mga blessings na natatanggap ang kulang na lang talaga ay girlfriend. Hindi naman siya nagmamadali pero gusto niya rin makaranas na may nag-aalaga hindi tulad ng isang ina kungdi isang kasintahan, halos lahat kasi ng kaibaigan niya ay may mga GF’s.

“pupunta na nga ako sa NBS sigurado konti ang tao dun baka may libro na din sila ng BREAKING DAWN” saad niya at nagsimula na maglakad.

“hay salamat nakarating din sa National , dyos miyo sandamakmak ang dinaanan ko para lang makarating dito ha, sana andito pa ang pakay ko..” hinihingal na saad ni devon.

Agad na pumunta si devon sa novel section ng mga libro at hinanap ang BREAKING DAWN. Ito ang isa sa mag libro na pinag-ipunan niya, hilig kasi niya magbasa lalo na ng mga nobela na romance. Nakita niya ang hinahanap at dadamputin na niya ito nang may biglang humablot dito.

MY ULTIMATE CRUSH Become MY LOVERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon