CHAPTER 4 ( si LAWRENCE kase ee :P)

367 4 7
                                    


Napamulagat si Devon ng makita nya sa wall clock kung anong oras na. Late na naman sya para sa klase nya at hindi na niya mahahabol ang 1st subj. nya kaya’t napagdesisyunan niya na sa susunod na subj.  na lang pumasok.

“nak ng teteng naman oh late na naman ako. Nag-alarm naman ako!, nagloko na naman siguro tong alarm clock ko” inis na sabi niya.

“hoy wag mo nga isisi dyan sa alarm clock mo ang katamaran mo para sabihin ko sayo tumunog yan kanina sa oras at gumising ka pa nga para patayin lang yan noh!” sagot naman ng ate nya sa kanya.

Napatanga naman ang dalaga, oo nga naalala nya na tumayo sya at pinatay ito. Hay nako ano naman ba ang nangyari sa kanya at nahuli sya ng gising? Oo alam na nya, ang Lawrence na yun ang may kasalanan, kung hindi ba naman ito tumawag sa kanya sa dis oras ng gabi di sin sana’y nagising siya ng maaga.

“hay buhay nga naman oh. Yaan mo na ate hahabol ako sa next subject tsaka promise di ko na to uulitin” pangako niya sa kapatid

“aba’y siguruhin mo lang huh. Alam mo namang kaya pumayag sila mama na bumukod tayo ay dahil may tiwala sila sa atin kaya sana lang ay wag natin sirain ang tiwala na yun huh” paalala ng kapatid niya

“opo ate promise hindi na talaga mauulit “ lintanya nya habang nakataas pa ang kanang kamay at tipong nangangako.

“osya sge na mag-ayos ka na at baka hindi mo pa mahabol yung sunod na subj. mo”

Nagmadali na nga siya maligo at nag-ayos. Hindi na siya nag-agahan dahil sanay na naman syang hindi kumakain ng almusal simula pa noong elementary sya. Pano ba naman noon ay sa tuwing kumakain siya para pumasok ay isinusuka lamang din niya dahil sa kaba sa pagpasok sa eskwelahan kung kaya’t mula noon hindi na sya nasanay na nag-aagahan para saan pa at sayang din lang dahil iluluwa nya din.

Habang nasa daan ay nakatanggap sya ng txt mula kay Angie ang best bestfriend nya. Lukaret din itong tulad nya at tulad nya sawi sa pag-ibig kung kaya’t higit na kasundo nya sa lahat ng kaibigan. Kungbaga ito ang soulmate nya sa mga babae J

1 message recieved

Angie: uy tol ! ano natengga ka na naman sa panaginip mo? Sabi sayo wag mo masyado pagpantasyahan si ULTIMATE ee kaya ka nalalate ee. J

Napangiti siya sa txt ng kaibigan. Alam nito ang lahat ng kadramahan nya lalong-lalo na ang tungkol kay ULTIMATE. Napagdesisyunan nyang tawagan ito para magantihan alam niyan naglelecture pa ang prof. nila sa oras na ito at ayaw nito ng may istorbo. Tyak na kagagalitan si Angie dahil sa pagtawag nya.

Kringggg.... krinnnggggg....

Naririnig niya ang tunog ng telepono ng kaibigan at naiimagine na nya ang eksena sa room habang pinapagalitan ito. Maya-maya ay may sumagot na sa kabilang linya.

“ano tol? Lakas trip lang? Ikaw huh ang aga-aga jinajackpot mo ko kay maam” inis na singhal ng kaibigan

“ easy lang tol ayaw mo nun magiging favorite ka ni maam? Hahahahah “

“favorite nga favorite pagalitan. Ungas ka oh bakit ka ba napatawag?”

“aa sasabihin ko lang na otw na ako at kung bakit ako nalate ichichika ko sayo pagdating ko”

“ano yun lang di sana tinxt mo na lang dapat di na ko napagalitan, ano na namang chika yan si ULTIMATE na naman?”

“wushu kunyari ka pa ee natutulog ka lang din naman sa klase ni maam for sure, at tsaka hindi to tungkol kay ULTIMaTE no mamaya pagdating ko ikwekwento ko”

“ano ka ba atleast di naman nya halata yun, ee tumawag ka ayun nagalit pahamak ka talaga ee sige na babye na mag-ingat ka see you na lang pagdating mo baka pagalitan na naman ako nun. Oh yung chika mo huh ihanda mo na”

“hahaha ok osige-sige babye din see you. matulog ka na ulit hahahha J” at pinatay na nya ang cp.

Pagdating sa skul ay dumiretso agad si Devon sa room. Nagtaka sya nang mariniga ng ingay ng mga kaklase na dapat ay nag-aayos na para sa susunod na klase. Doon niya na nabalitaan na di pala pumasok ang prof. Nila sa second subj. kaya' hinanap na lang nya agad ang kaibigan para makipagkwentuhan tulad ng nakararami.





MY ULTIMATE CRUSH Become MY LOVERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon