KisMet chapter 1

3.1K 12 0
                                    

Saturday, walang trabaho bukas. So Julie and her friends from work are at their local bar.

“Why did you say no to him?” Ynna

“I don’t know. And I didn’t say no, sabi ko lang hindi pa ko handa” Julie

Sinabi kasi ni Julie yung tungkol sa marriage proposal sa kanya ni Sam.

“Eh, bakit nga hindi ka pa handa? Duh?! You’re what? 24 and you’re with him for three years already” Lexi

 “Madami pa kong gustong gawin eh. Gusto kong magkaroon ng major project, yung ako magdedesign sa malaki at kilalang building or kahit bahay lang basta bahay ng mayaman o kilalang tao. Tapos syempre to go places” Julie

“Ay. Mahirap kasi gawin yan pag may asawa na noh?!” sarkastikong sabi ni Lexi

“Pag may anak?” patanong na sagot ni Julie

“Edi wag muna mag anak. Simple” Lexi

“Wag din muna magpakasal” Julie

“Pero Juls. Bakit ba talaga ayaw mo? Sam is a nice guy. Gwapo, matalino, at mayaman pa. Ideal boyfriend kaya yun. Husband material.”Ynna

“Hindi pa nga handa” Julie

 “Oo na lang” Ynna

Matagal din sila nag unwind sa bar. Medyo napadami ang inom nila kaya pagpasundo sila kay Derrick, boyfriend ni Lexi. Habang nasa sasakyan, iniisip nya kung bakit hindi pa sya handa. May stable job silang dalawa ni Sam. She’s an architect that works in big company and Sam is a supervisor in a well known restaurant. May ipon na rin naman sya and for sure meron din si Sam. Boto rin naman yung mga magulang nilang dalawa for them. So bakit nga ba?

Passed 2 am na sya nakauwi sa bahay. Nagtext sya kay Sam telling him she’s home. Walang reply.

Malamang tulog na yun. Maaga pa kasi yun gigising mamaya , may business trip sya eh. Isip nya, she smiled when the thought of his annoyed face entered her mind. Naaasar si Sam kasi dapat day off nya sa Monday, but instead pupunta sya sa business trip na siguradong magiging hassle na naman.

Then she thought of Sam’s proposal again. Hanggang sa makatulog sya iniisip nya pa rin kung ano bang dapat gawin nya.

…….

Nagising si Julie sa sinag ng araw na tumatama sa muka nya.  

9:44. Tinanghali na sya ng gising pero tinatamad pa syang bumangon dahil nga sa wala rin syang gagawin ngayon.

*12 messages received* basa nya sa phone nya. 5 of them are from Sam and the others are from Lexi, Ynna, Maqui and her other friends.

Oopps may missed calls pa *4 missed calls* and it was all from Sam.

Sinubukan nyang tawagan to. Pero out of coverage area. Probinsya nga pala yung trip nila. So she texted him instead.

After awhile….

*i-i-I’m not living right, im not living life, im not living if you’re not by my side* ringtone

“Hi Juls sama ka mamaya. Gala tayo. Wala ka namang gagawin mamaya diba? Sama ka samin ni Sarah malling lang tayo. Or nuod ng movie. Anu ba magandang palabas ngayon? Ay, or food trip tayo” mabilis na sabi ni Maqui

“Ang ingay mo lang Maq. Tsk! Wala ako sa mood umalis”

“Ok. Pick you up at 4! Muah muah tsup tsup. Lab you girl” Maqui.

Then she cut the line. Leaving Julie without a choice.

She then feels hungry, so she cooked herself a delicious brunch. Sinigang na isda.

……..

Bago sila magliwaliw may dinaanan muna si Maqui sa Quiapo. Habang naghihintay kay Maqui naisipan ni Sarah magpahula.

“Wag kang masyadong siga sa boyfriend mo. Maging sweet ka naman minsan sa kanya” sabi ng manghuhula

“Hehe. Galing nyo nanay ah” Julie

Lagi kasing inaaway ni Sarah si Enzo kahit walang dahilan.

Bago pa matapos magpahula si Sarah ay dumating na si Maqui at nagpahula rin. Lahat ng sinabi ng manghuhula ay tumutugma nga sa buhay nila. At may sinabi rin itong mga bagay na mangyayari daw sa hinaharap.

“Julie kaw din pahula ka na” Sarah

“Ay. Hindi na po. Ayaw ko kasi ng spoiler sa buhay ko eh. Haha”

“KJ. Sabihin mo hindi ka naniniwala sa hula” Maqui

Para kasi kay Julie hindi totoo ang mga hula. Kahit pa tama lahat ng sinabi ng manghuhula kila Sarah at Maqui tungkol sa past and present nila. Kahit pa dati yung Tita nya tama rin yung sinabi ng manghuhula na magkaka-asawa ng foreigner, dahil after 2 years Kano nga napangasawa.

“Sige na hija. Kung hindi ka naniniwala edi hindi. Sobra naman bayad nila sakin eh” manghuhula

After pagsabihan ng kung anu-ano nila Maqui at Sarah si Julie napapayag na rin nila ito

“Hija, magsasabi ka ng I Do sa isang lalaki”

“Talaga? Kailan po?” Maqui

“Malapit na. Ngayong taon siguro o sa susunod”

“So papayag ka na rin pala. At agad agad yung wedding? Haha! Nagmamadali si Sam” Sarah

“Moises” manghuhula

“Po?”  Julie

“Hindi Sam yung pangalan ng lalaki. Moises”

KisMet (JuliElmo)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon