KisMet chapter 8

1K 13 12
                                    

Parang alam ko tong lugar na to ah

“Ganda noh?” tanong ng photographer

Nakatingin kasi si Julie sa litraro ng isang lugar kung saan papalubog ang araw.

“Yeah. Ahm. Tapos na yung pictorial?” Julie

“Yup. Excited ka eh. Advanced ka ng 2 oras. Haha”

Nginitian lang sya ni Julie. At naalala kung bakit maaga sila ng 2 oras.

Manunuod dapat sila ni Maqui ng band rehearsal ng banda nila Sarah sa isang music studio. Naaaliw na syang manuod ng mga banda na nagpapraktis din sa loob. Kaya lang bigla nyang nakita si Elmo, parang may kakilala din na isang banda na naroon.

Oh my! Bakit andito to?

Hindi nya alam kung bakit. Pero ayaw nyang magkita sila ni Elmo. Ayaw nyang mapalapit uli dito. Kaya nga nung natapos yung trabaho nya kasama to, 2 buwan na ang nakakaraan ay hindi na sya nakipagkomunikasyon dito. Hindi nya sinasagot yung mga tawag ni Elmo. At yung text naman super minsan lang sya magreply.

“Maq, Sarah, una na ko huh? Inutusan pala ko ni Mama na dalhin si Katkat sa studio ni Raf para magpapictorial at maipadala sa tatay nya sa Dubai.” Julie

“Huh? Hindi ba mamaya pa yun alas 5? Or tawagan mo na lang si Raf, sabihin mo mala late kayo” Sarah

“Hindi pwede eh. Busy kasi si Raf ngayon. Wala na sya ng alas 5. Kaya bye bye na. Muah!” Julie

“Woah! May date lang kayo ni Sam eh” Maqui

Naging mas sweet kasi si Julie kay Sam simula ng bumalik to galing trabaho. Iniisip nya kasing para talaga sila ni Sam sa isa’t isa kaya dapat caring sya for him. At para he reciprocate the thought, syempre para din di sya masyadong mag isip ng kung ano.

“Ate Julie punta tayo sa dentist ko. Nagpa schedule na si Mama kanina”

Katkat, paboritong mapangkin ni Julie she’s only 6 kaya naman naaaliw talaga si Julie dito

“Okay baby. Tapos balik uli tayo dito huh. Kunin natin picture mo” Julie

“Okay. Balik na lang kayo, edit edit ko rin yun ng kaunti eh” Raf

*Dingdong*

“Oh. Hi Julie, Katkat pasok kayo” sabi ng dentista

Pumasok nga sila Julie at sinara na rin ang pinto pagdating sa loob.

Nagkamustahan muna sila Julie at Dentista dahil dito rin sya nag pa brace dati.

“Tignan ko rin yang ngipin mo mamaya ah. Unahin ko muna si Kat” sabi ng dentista

Habang tinitignan ang ngipin ni Kat ay may nag doorbell. Bubuksan na sana ni Julie to, pero biglang dumating ang assistant ni Dok at sya ang nagbukas sa pinto.

Oh my gas! Why are you here? Shocks! Pati dito?

“Hi Jen, wala akong sched kay Dok. Nasa area lang ako kaya naisipan kong patingnan na tong ngipin ko” nakangiting sabi ni Elmo kay Jen

“Sir may pasyente pa kasi sya eh. Tapoa after may susunod pa yata”

“Okay lang. Im in no rush”

Rinig ni Julie yung usapan. Tinatakpan nya ngayon ang sarili ng dyaryo. Kunwari nagbabasa. Buti sa kabilang banko umupo si Elmo, yung medyo malayo sa kanya.

Shete! Bakit ba kasi ako nagtatago?

Hanggang tawagin sya ng Dentista sa loob nakatakip pa rin sya ng dyaryo. Nadaanan nya pa si Elmo habang naglalakad papunta sa loob ng dent office.

“Ate ano po yang binabasa mo?” Tanong ni Katkat

“Wala. Haha. Dok game na”

Iniisip ni Julie kung papano aalis ng hindi sya nakikita ni Elmo

Hindi naman pwede na dalhin ko uli yung dyaryo? Huhuhu. Anong gagawin ko?

Buti na lang abala sa paglalaro ng phone si Elmo  habang may earphone pang nakasaksak sa tenga ng lumabas sila ng opisina.

“Ahm.. Dok, we really have to go. Ilista nyo na lang kung magkano. Next time na yung bayad thanks”

Nagmamadaling lumabas si Julie. Buti na lang walang sira ang mga ngipin nila at walang ginawa dito kaya wala ring risita ng gamot ang dapat pang gawin.

“Ate, san na tayo pupunta?”

Masiglang sabi ni Katkat, syempre nagmamadali si Julie. Expected ang bata na may gagawin sila.

“Ahh. Joyride?”

Nag ikot ikot lang sila. Natuwa naman si Katkat dito dahil minsan lang sya mag joyride at natuwa rin si Julie dahil talagang naaaliw ang bata.

“Raf. Pwede na ba makuha yung pic?”

“Oh, sorry Julie. Nakalimutan ko gawin. Teka, teka lang, unting edit lang naman eh”

“It’s okay. Hindi naman kami nagmamadali”

“Sorry talaga huh. Ako lang kasi sa studio ngayon eh. May sakit yung isa. Yung isa naman tinatamad as usual” paghingi ng paumanhin ni Raf

Magsisimula pa lang syang mag-edit ng may pumasok sa pinto. Nakatalikod si Julie dito kaya naman napalingon din sya sa pinto.

“Hello. Papa pictorial kami. Pa rush lang please” sabi ng lalaking pumasok

Tinignan ni Raf si Julie na parang ‘okay lang’ look. Nginitian naman sya nito.

“Sorry” mahinang sabi ni Raf

Tapos may pumasok uli sa pinto

“Yes! Buti andito ka. Life saver. Favor naman please pa-edit ng picture na to” sabi ni Raf sa pumasok

Natatawa si Julie sa muka ni Raf na parang natutuwa at nagmamakaawa sa bagong pasok. Kaya naman nakangiti syang lumingon dito

Elmo?

Wala na. Hindi na sya pwedeng magtago pa. Nakita na sya ni Elmo. Wagas pa ang ngiti nito sa kanya. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 14, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

KisMet (JuliElmo)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon