KisMet chapter 2

927 7 0
                                    

Chapter 2

Hanggang sa opisina iniisip ni Julie yung sinabi ng manghuhula. Nagsisisi sya dahil napapayag sya nila Sarah. Lalo lang gumulo isip nya.

Kay Sam nga hindi pa ko handa eh. Tapos papakasal ako sa iba na saglit ko pa lang kilala. Hindi. Hindi lang talaga totoo ang mga hula. Isip ni Julie

“Tatawag sayo si Moises, tungkol yun sa business. Tapos pupuntahan mo sya dahil ikaw ang kukunin nyang architect para sa magiging bahay nya”

Eh kung tanggapin ko na kaya yung proposal ni Sam? Sige I’ll say Yes to him na kung magtanong uli. Mahal ko naman sya at mahal nya ko.

Nagkausap kasi sila ni Sam kanina at kahapon, pero hindi na uli binaggit nito yung tungkol sa marriage proposal nya.

….

15 minutes to 7. Malapit na mag-out sa office si Julie, nang may tumawag sa local nya.

“Good Evening, this is Julie of Supreme Designs Company. How my I help you?” Julie

“Yes. Julie, we wanted to work with you. My team really thinks you’re work is something. So they personally choose you be the architect to our upcoming project”

 “Thank you, Sir. So may I ask some details about your plan?”

They talk about some major details. Sa Zambales pala yung sinasabing work nya. It’s actually a home intended for unfortunate children. At isa sya sa mga sponsor ng project na yun. They exchange cellphone numbers na rin para mas madaling ma contact ang isa’t-isa.

“Sige po Sir”

“Ok Julie, I’ll call you na lang if may kailangan akong sabihin sayo….and by the way my name is Elmo”

*Note: Wala po akong alam sa mga kaganapan sa office dahil I’m still a student. So kung malayo sa ganyan ang kaganapan sa totoo……alamna.

…….

2 weeks had passed. Nasa Zambales na si Julie ngayon. Ready for her work. And for 2 weeks hindi rin uli sya tinanong ni Sam about the proposal.

Malayo pa lang natatanaw na ni Julie ang isang lalaking naglalakad papunta sa kinatatayuan nya. Wagas na ngiti ang binigay nito kay Julie

“Hi, I’m Elmo. Nice to finally meet you in person”

He offered her a shake hands which she took right away

“Hi Elmo. Yes, it’s nice to be here. Excited na ko sa magiging trabaho ko dito”

Julie examines the place. Natutuwa sya dahil malaki talaga ang bakanteng lote. Hindi rin nya inaasahan na malapit sa dagat yung bahay na gagawan nya ng design.

Dahil nga sa bahay ampunan ang gagawin ni Julie pinili na lamang nyang tumuloy na lamang sa mas maliit na bahay ampunan kung saan din tumutuloy si Elmo kesa naman mag hotel pa sya.

“Glad you choose to stay here instead of a hotel. Medyo bawas din kasi sa pera ko kung sa iba ka pa tutuloy”

“I am happy to be here. First time kong magdedesign ng bahay ampunan. Tapos yung mga tao dito super welcoming. Parang ang sarap tuloy tumira dito. Haha.”

“Yup. Masarap nga dito. At mas masarap sana kung may bahay na hindi na sila parang sardinas sa loob. Haha”

“Gusto ko nga sana bagalan yung trabaho ko eh. Para mas tumagal ako dito. Kaso kailangan na ng mga bata ang bagong bahay eh. Tsaka dagdag tao pa ko dito”

“Yan din iniisip ko eh. Kaya tapusin mo na agad yung project mo. Para naman hindi na sila siksikan. Tsaka pwede na tayong makituloy ng hindi nakakasikip sa kanila.”

“Bakit nga pala kasama ka sa mga financer ng project na to?”

“I was touched by these kids kindness. And still are Tsaka may pera naman ako. Pinapatuloy nila ako dito kung kailangan. So I wanna help them”

“Oowww. Okay. Wait, bakit nga pala nakikituloy ka pa dito? Malayo ba bahay mo dito?”

“ Sa Antipolo ako nakatira. Photographer ako, and I like to take pictures of different places. Magaganda ang mga view dito. Kaya kung wala masyadong budget I always go here”

“Wow. So you’ve been into many places?”

“Yes. I’ve been out of the country din. Pero I’ll tell you, mas madaming magandang lugar dito. Mas maraming photogenic places dito. Haha! You’ll be delighted how blessed our country sa mga lugar magaganda”

“I wanna go places as well”

“You should. See this place? Kung hindi ka pupunta sa kung saan-saan you’ll never find this. I discover this orphantage nung sobrang broke ako. I remember uuwi na dapat ako noon, I was about to drive kahit super gutom ako. Pero may nakita akong mansanas sa kalsada, malinis naman. Haha. Kukunin ko na eh, kaya lang maunahan ako nung bata. Napansin yata na gutom ako, tapos tumunog pa yung tiyan ko. So binigay nya na lang din sakin yung pagkain. Kahit pa super payat nya at di hamak na mas malaman ako sa kanya. Ang bilis kong kinain yun. Kaya siguro naisipan nyang dalhin ako dito. Para na kong patay gutom eh. Then I read the sign, Happy Children – home of the unfortunate. Tapos it hit me, bahay ampunan pala yung pupuntahan namin. And he lives here. Tapos ayun. I ended up staying the night here. Pinakain nila ko ng dinner and breakfast. I was deeply touched,  kasi first time yun nagyari sakin. Haha. ”

“That was a very good and funny story. Haha.”

“That happened 2 years ago na rin.Kaya yun. Everytime na pupunta ko dito may mga foods akong dala….para inggitin sila. Joke! Syempre para ibigay sa kanila.”

Matagal silang nagkwentuhan. Natapos lang to nung tawagin na sila para kumain. Naging masaya si Julie sa araw na yun. Nakakatuwa ang mga bata. That is why exactly she wants to go places. To experience new things, see beautiful sceneries, and meet wonderful people. Pero hindi nya magawa. Palagi kasi syang busy sa trabaho.

She went to her room. May sarili syang kwarto, that room is really intended for someone who’ll be visiting the home kung may kailangan silang gawin sa lugar na to. Maliit lang ang kwarto just enough space for one person. Sa kabilang kwarto naman ay ang tinutuluyan ni Elmo, na parehas lang din ng laki sa kwarto ni Julie.

Tinawagan nya si Sam to tell him how happy she is. Actually nakalimutan nya si Sam all throughout this day. Naalala nya lang to nung kararating nya sa lugar, tatawagan nya sana to kanina kaya lang low bat sya. Tapos hindi nya nauli naalalang tawagan pa.

Medyo na guilty naman sya. Kasi napuno na ang phone nya ng missed calls at nga text from Sam.

“Hey babe buti naman you called. I was calling you kanina pa.  Why weren’t you answering?” medyo nagtatampo ang boses ni Sam

“Sorry babe, I left my phone at my room eh, nasa labas naman ako kanina kaya hindi ko alam” pag aamo ni Julie kay Sam

“Hindi mo man lang naisip na tawagan ako or i-text man lang nung makarating ka dyan?”

“I tried calling you kanina. Kaya lang low bat ako eh. So I charge it in my room. Kaya nakalimutan ko rin dalhin. I’m so sorry Sammy baby”

“Hayyy.. So how’s your day?”

“So apology accepted na ba?”

“Oo na. Kamusta ka dyan? Na miss na kita. Uwi ka na”

“I miss you too. Pero kadadating ko lang dito noh. Haha. l’ll see you siguro after a week”

Julie and Sam spend the night just talking to each other. Na miss na ni Julie si Sam nung kinausap nya to sa telepono. 1 week kasi sila hindi nagkita puro text at tawag. Tapos ngayon another week na naman. 

KisMet (JuliElmo)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon