Pag-iwas

60 6 0
                                    

Ginoo

Kadugtong ito ng aking pag-amin
Pag-aming hindi mo binigyang pansin
pagkat iba ang laman ng iyong damdamin
Ang gabing iyon ay hindi ko malilimutan
Ngunit pag-iwas ng isang kaibigan ay aking kinatatakutan
Ang mga sasabihin ko sana noo'y hindi ba sabi mo nga alam mo na
Saksi ang ulap at madilim na kalangitan sa aking pag-amin
Pag-amin ng aking damdamin
"Gusto kita ginoo nais ko lamang malaman mo hindi ko naman hinihiling na masuklian mo ito
Ibig ko lamang iparating sa iyo
ang mga katagang ito na mahirap aminin"
Yan ang gusto kong sabihin sayo
Ngunit kaba ang sa aki'y nag-ibayo
Ngayon nga'y ito ang kinatatakutan ko
-ang pag-iwas mo
Tanong sa akin ay laging         
ano ang nagustuhan ko say
Hindi ka gwapo
Hindi ka rin matalino
Subalit hindi iyon ang aking punto
Nagustuhan ko ang ugali mo
Ugali mo na hindi ko alam ang totoo.
Muli akong humihingi ng kapatawaran
sa akin pang-iiwan sa gitna ng sayawan
Ang dami kong gustong sabihin
Pero sa lahat ng iyon " tang*na mo,g*go"
Ang pinaka gusto kong bigkasin
Sapagkat pagkakaibigan natin
Ay di mo binigyang pansin
Alam ko naman na ang mundo mo ay umiikot na sa isang magandang binibini
Ngunit isa kalamang sa milyon-milyong lalaki
Na para sa akin ay waksi
Kasabay ng pagwawakas ng sulat na ito
Magtatapos ang nararamdaman ko sa iyo
Nararamdaman ko na tila pinandidirian mo
Subalit hangang sa huli sana'y             pagkakaibiga'y di gumuho.
Pag-amin ay di mo man tanggapin
Ngunit pagkakaibigan sana ay panatilihin.

       --Binibini

LihamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon