Nagsimula sa pasimpleng tingin,
Mga tipid na ngiti mo sa akin
Kakaibang kilos na kapansin-pansin
Na tila kamangha-mangha sa paninginLumalalim na pagtitinginan
Ano nga ba ang patutunguhan?
Tama na ba ang panahon
Sa damdaming sayo lang nakatuonTila isa kang malakas na alon
Na sa aki'y tumatangay
Patungo sa kawalan
Kung kaya'y wag mo akong bibitawanMga lihim ay unti-unting nabatid
Puso'y lubhang nagkalapit
Hindi akalaing magdudulot ng pait
Na mag-iiwan ng sugat at sakitMuntik ng maging tayo
Ngunit mga pinaramdam mo pala'y di totoo
Dahil mahal mo'y hindi talaga ako
Kundi ang binibini sa nakaraan moPag-ibig na pinagtagpo ng panahon
Ngunit di pinayagan ng pagkakataon
Ang pagmamahal na muntik lang
At di nagkaroon ng katotohanan.