Nandito ako ngayon sa isang ospital , nakahiga sa kama at tulalang nakatingin sa bintana.
Akala ko talaga pagkagising ko nasa langit na ko , aba p*ta , totoo pa lang matagal mamatay ang masamang damong katulad ko.
Grabe , biruin niyo 1 buwan na pala akong comatose. Tibay ko noh ? Nah , sana nga namatay na lang ako , nakakairita kasi yung mga magulang kong pakitang tao. T*ngina , akala mo kung sinong anghel ang mga p*ta kapag maraming tao sa paligid pero pagkami-kami na lang , aba p*ta , mga anak ata ni Satanas.
Tsk , Ako nga pala si Khayzee Raive Park. Half Korean half Fil. 16 yrs old. Otaku , ARMY ( yung fan ng BTS ) , medyo boyish , loner , music lover and a difficult person.
Naospital ako dahil sa isang car accident at sa aksidenteng yun 8 kaming survivor at lahat kami teenager. Ang sinasakyan ko na bus ay nabangga ng truk dahil nung patawid ang bus namin sa isang intersection ay mabilis ang takbo nung truk kaya sumalpok tapos yung kasalubong nung truk bumangga din samin na isang kotse , bumangga din yung kasalubong namin na taxi at ayun sa 4 na nagbanggaan kaming 8 lang ang survivor.
4 kaming babae at syempre 4 din ang lalaki , kung marunong kang magplus alam mo kung bakit tig-apat kasi , 4 + 4 = 8 ( nagsayang pa ko ng salita para sa mga taong t*nga ). Kakaalis lang ng mga magaling kong magulang , bibili lang daw sila ng pagkain ( pustahan tayo guys , instant noodles lang yung akin tapos tubig , kanila Mcdo ).
Antagal naman nila kaya nagcp muna ako. Habang nakikinig ako ng cypher 4 ng bts bigla na lang sumakit ang ulo ko kaya pinatay ko muna ang cp ko.
Nagpatuloy ang pagsakit nito hanggang sa mapasigaw na ko sa sakit. Bigla na lang akong nawalan ng malay pagkatapos kumirot ng sobra ang utak ko.
Nakatingin ako sa bintana habang nakikinig ng save me ng bts ( nasa bus ako ngayon ) , sobrang gaan ng pakiramdam ko lalo na't wala sa paningin ko ang mga magulang ko na walang ginawa kundi ipoint out ang mga mali ko at mabilis na kalimutan ang mga success ko tsaka isa pa naulan ngayon kaya feel na feel ko yung save me ng bts ko tsaka ang bias ko nga pala ay si Worldwide Handsome / Jinnie / Kim Seokjin. Ang Visual ng bts.
May naramdaman akong kakaiba ng matanaw na namin ang intersection pero isinawalang bahala ko na lang.
Na dapat pala ay pinansin ko.
"Ate , naramdaman mo din ba ?"
Paanong ?
"Ano bang sinasabi mo diyan ha ? Bata ? "
"Ahhh , wala po"sabay iling niya
Sana pala pinakinggan ko yung batang babaeng katabi ko , eh di sana nailigtas ko siya at buhay pa siya ngayon kahit siya lang sana nailigtas ko.
Palapit na kami sa intersection at hindi ko alam kung bakit naiyak yung bata para bang.......... natatakot siya ?
Ngayon alam ko na kung bakit siya naiyak at takot nun , halos lahat ng tao takot kay kamatayan pano pa ang musmos na batang katulad niya ?
Nung tatanungin ko na siya bigla na lang niya kong nginitian at sinabing 'Ate , hwag mong pababayaan ang sarili mo ah ?' Saktong pagkatapos niyang sabihin yun malakas na impact ang dumali samin dahilan para magsigawan ang mga tao at tumaob ang bus na sinasakyan namin at dun na ko nawalan ng malay.
Napabangon ako bigla sa'king higaan ng hinihingal at nanlalabo pa ang paningin.
Ang trahedyang yon , ang bumago sa walang kwenta kong buhay.
Ren's POV
Tsk , yung babaeng yun , alam kong may alam siya sa nangyari samin , maaaring katulad ko din siya.
Siya nga pala , Ren Kiyoshi Smith ang pangalan ko , ako ang survivor na galing sa kotse. ( Parang ang sama ata ng intro ko.) 15 yrs old. Simple boy , loves music , great at self defense and a loner , oh and I'm also smart. Kakausapin ko siya kapag gising na ang lahat at siguro lahat kami ay espesyal.
Malalaman niyo din ang lahat sa tamang oras.

YOU ARE READING
The Day We All Met
Science FictionRead to find out. Story cover - credits to @Calistaire