Chapter 2 - Aeis and Xier

14 2 0
                                    

Aeis' POV

"Heh ?"

"Ikaw bata ka ! Anong 'heh' ang sinasabi mo ? Wag kang maarte at sumakay ka na diyan sa truk ng Lolo Alfred mo siya na ang maghahatid sayo papunta sa terminal ng bus."



"Opo, opo, eto na nga po eh"



Nang nakasakay na'ko sa truk, nginitian na lang ako ni Lolo Alfred at sinabi sa'kin na isuot ko na daw ang seatbelt kaya syempre tumango naman ako at sumunod.



Habang na andar ang truk nakatingin lang ako sa bintana at nasa tabi ko naman ang bag ko na puno ng damit, pauwi na kasi ako samin nagbakasyon lang naman ako dito.



Nung natanaw ko na ang intersection, ewan ko pero bigla na lang akong nangilabot.



"Ayos ka lang ba apo ?"


"Ahahaha, okay lang po ako"



Nung patawid na kami ng intersection, masyadong naging mabilis ang mga pangyayari sumalpok kami sa isang sasakyan at...........at........




Napaupo agad ako sa hinihigaan ko habang hinihingal, panaginip lang yun diba ? Isang napakasamang panaginip.



Nang luminaw na ang paningin ko, nakita kong natutulog ang Lola Cynthia ko sa sofa. Nasaan ba ko ?



Nilibot ko ang mga mata ko............ bakit nasa ospital ako ? Hindi, hindi, siguro nagkaroon lang ako ng mataas na lagnat.



Makalipas ang ilang minuto na nakatulala lang sa kawalan, napagpasyahan kong tumayo at maggalagala muna sa labas.



Hmmmm, ilang araw kaya akong tulog ? Sa tingin ko magaling na ko dahil nakakatayo na ko ng ayos. Lumabas na ko ng kwarto ko at naglakad-lakad, ang kaso may nakasalubong akong nurse at siya pa ata ang nurse ko.



"Nako ! Bakit naggagagala ka na agad ? Kailan ka gumising ? Dapat nanatili ka muna sa kwarto mo !" Natatarantang sabi ni Ate Nurse.






Hinila niya agad ako pabalik sa aking kwarto. Hays.



"Kailangan mo munang magpahinga dito, ha ? Tatawagin ko lang si Doc." Tinanguan ko lang si ateng nurse tsaka siya dali - daling lumabas ng kuwarto para daw tawagin si Doc.



Nakaupo na lang ako ngayon sa aking kama habang nakatingin sa aking Lola. Mukhang puyat siya lagi dahil ang lalim ng eyebags niya, nakokonsensya tuloy ako na imbes na siya ay namamahinga na lang, eto siya at binabantayan ako.



Nasaan kaya si Lolo Alfred ? Hmmm....... Tumingin ako sa pinto ng kwarto dahil medyo gumalaw ito, may nakita akong nakasilip na mata pero agad din itong nawala. Waaaaaaah, takot ako sa multo.



Ehem, wala kayong nabasa na kinakatakutan ko, tsk.



Anyways, ako nga pala si Yira Aeis Ruiz. Hindi kami mayaman, pero hindi din naman kami mahirap. Mahilig akong maggala at ang hilig ko ay musika, in other words pagsayaw at pagkanta.



The Day We All MetWhere stories live. Discover now