Chapter 3 - Elixions

27 3 0
                                    

Crind's POV

Psshh. Nandito ako ngayon sa rooftop ng isang ospital. Nasangkot lang naman ako sa isang aksidente na kahit saan mo tignan kung paanong nagkaroon ng 8 survivor ay isang himala. Balita ko din ay gising na yung pangwalo, babae daw, sa aming walong survivor siya ang pinakahuling nagising.

Ako si Crind Heinzy Ferrer. A simple rich girl. Hindi ako maarte at hindi din ako mahilig sa kolorete. Ang hilig ko lang ay magbasa ng libro pero hindi ako nerd kasi hindi naman ako mahilig sa kahit anong academic books, isa lang naman ako sa matatawag mong Wattpader at wala din akong nerdy glasses.

Kasalukuyan akong nakaupo dito, dahil may upuan naman at sa kabilang upuan naman ay ang isa pang survivor at lalaki siya, kung paano ko nalaman na survivor siya, malamang nagtanong - tanong.

Bigla na lang bumangon yung lalaki kaya nakipagtitigan ako.

"Anong pangalan mo ?"

Hmm...........mukha naman siyang matinong kausap kaya sige kakausapin ko na din siya, nabobored na din ako. Lumapit ako sa kanya at inabot ang aking kamay upang makipagkamay.

"Crind Heinzy Ferrer, ikaw ?"

"Wezin Rovier Paige"

Naupo siya at nakipagkamay sakin. Nagkakamay kami ng biglang tumigil ang ihip ng hangin, automatic na nagbitaw ang kamay namin maramdaman namin iyon napalingon pa kami sa paligid at talagang nakatigil ang lahat pero kami ay nakakagalaw.

"What the actual fuck?"

Sabay pa naming sabi at nagkatinginan, sabay din kaming napabuntong hininga ng bigla na lang nagbukas ang pinto sa rooftop.

*BOGSH*

Medyo napatalon sa gulat si Rovier kaya napabungisngis ako dahilan para samaan niya ako ng tingin.

Isang babae Ang nagbukas ng pinto, ibang klase ang lakas niya, malakas siguro siya manampal o baka hindi siya nananampal pero nananapak, huehue. Anyways, ano ba itong pinagsasabi ko.

May bigla naman pumasok ulit na dalawang lalaki, isang mukhang bagong gising at isang naguguluhan sa kung anong nangyayari.

Hindi pa nga ako nakakarecover dun sa tatlong yun, may panibago na namang pumasok na dalawang babae, isang mukhang inosente at isang mukhang curious sa nangyayari.

Lahat sila ay napatingin saming dalawa tapos walang nagbago sa emosyon yung iba, yung iba naman ay napangisi, problema nila ?

Lumapit sila samin at mukhang may sasabihin yung isang lalaki na mukhang naguguluhan kanina ng may biglang lumitaw sa pagitan naming lahat na isang lalaki na may dark blue na buhok at ash na mata.

*Ehem* (Lalaking bigla na lang lumitaw)

Lumapit sakanya yung babaeng pinakaunang pumasok.

"Oi, may alam ka ba kung bakit tayo nakakagalaw habang nakatigil ang oras?"

Napataas ang kilay nung lalaki sa sobrang casual, kalma at straight forward ng dating nung pagtatanong nung babae. Well, kahit sino ay mabibigla sa ganoong klase ng tono ng pananalita kapag ganto ang klase ng sitwasyon isa lang ang napasok sa usap ko.

That girl sure have it rough

"Yea, kaya ako nandito ay para iexplain ang nangyari."

Nakatingin lang ang lahat sakanya (kasama na ako don) na senyas namin sakanya upang magpatuloy at naintindihan niya naman yon agad.

"Nakaligtas tayo dahil hindi tayo ordinayo, siguro ay nagkakaroon na kayo ng clue, kita niyo naman na bigla na lang akong sumulpot kanina noh ? Ayun ay dahil nagteleport ako nandun lang ako sa garden kanina at paminsan - minsan ko din kayong tinitignan kung ayos lang ba ang kalagayan ninyo, ako ang pinakaunang nagising sa'ting walo sunod ka *sabay turo niya dun sa babaeng nagtanong sa kanya*. Magtanong kayo at sasagutin ko."

"Mas maganda siguro kung bumalik muna ang oras bago tayo magtanungan..... *yawn*" - lalaking mukhang bagong gising

Nung oras na sabihin niya yon ay bumalik nga ang oras.

"Isa kang time controller" sabi nung lalaking nagteleport dito sa lalaking mukhang bagong gising na ngayon ay hindi na dahil sa kanyang narinig.

"Ta - talaga ?! Nice ! Ang cool naman ng power ko" sabi niya sabay taas ng kamao sa hangin.

"Sa tingin ko mas maganda kung magpakilala muna tayo isa - isa" - Me

Nagtanguan naman sila sa sinabi ko.

"Crind Heinzy Ferrer" (Kraynd Heinzi Ferrer)

"Wezin Rovier Paige" (Wezin Rovayr Peij)

"Khayzee Raive Park" (Keyzee Raiv Park) - si ateng unang pumasok. Hmmm...........tatawagin ko na lang siyang Khayzee.

"Ren Kiyoshi Smith" - si kuyang nagteleport. Mas madali kung tatawagin love na lang siyang Ren.

"Yira Aeis Ruiz" (Yira Ais Ruiz) - si ateng curouis sa nangyayari. Tatawagin ko na lang siyang Aeis.

"Xier James Colx" (Sayer Jeyms Colx)
- si kuyang naguguluhan sa kung anong nangyayari

"Miren Kavin Damien" (Miren Keyvin Damyen) - si ateng mukhang inosente

"Zem Rhiex Kosaki" (Zem Rayx Kosaki)
- si kuyang mukhang bagong gising kanina na ngayon ay gising na gising na.

"So, may kanya - kanya ba tayong powers ? Siya time controller ? Tapos ikaw teleporter ?" - Miren

"Yea, may kanya - kanya tayong power pero hindi lang ako teleporter, lahat tayo ay kayang magteleport at maging invisible kahit siya na time controller."

Napatango naman kami sa kanyang sinabi.

"Mmn, anong kapangyarihan mo ? May alam ka ba sa mga kapangyarihan namin ?" - Khayzee

"Darkness, ayan ang kapangyarihan ko."

Pagkatapos yang sabihin ni Ren ay sa isang kisap mata ay napalibutan siya ng itim na aura.

"Meron akong alam sa mga kapangyarihan niyo dahil inutusan ako ng protector natin na gabayan kayo sa pagtuklas nito, ano intetesado ba kayo ?"

"Sino bang hinde ?"

Pagkatapos namin sabihin yon ay tuluyan ng nawala ang itim na aurang pumalibot sa kanya kanina na mukhang dinemonstrate niya lang ang kapangyarihan niya.

"Siguro naman ay hindi na masyadong nakakagulat para sa inyo ang mga nangyayari, dahil alam kong may naramdaman kayong kakaiba, bago mangyari ang aksidente. Sisimulan ko kay---))"

Naputol si Ren sa pagsasalita dahil kay Khayzee.

"May naalala nga pala akong batang babaeng katabi ko dun sa bus, sigurado akong naramdaman niya din yon dahil tinanong niya ako tapos umiyak pa siya" walang emosyon ang kanyang mukha habang siya ay nagkwekwento pero kapag tumingin ka sa kanyang mata, tagos sa puso mo ang lungkot na taglay niya.

"Marahil ay espesyal din siya pero oras niya na" seryoso ang mukha na sabi ni Rovier.

Hindi na nakapagsalita pa ang iba at tumikhim naman si Ren upang magpatuloy.

"Zem, bukod sa pagiging time controller, isa ka ding-------))"

May biglang lumitaw na lalaki sa likod niya na may kalahating pulang maskara at tinutukan siya ng kutsilyong may pula ding aura katulad ng buong katawan niya, sa leeg.

"Tignan natin kung anong kaya niyong gawin Elixions"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 20, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Day We All MetWhere stories live. Discover now