Chapter 5

274 6 0
                                    

Chapter 5 Rival

"Hello everyone! " bati ko kina Shin at iba ko pang kaibigan nang maabutan ko silang nag uusap tungkol sa magaganap na event this Wednesday.

"Hi Quia! " bati naman ni sofia sabay kaway sa akin. Sinuklian ko naman siya ng ngiti.

"Aba! Iba yata ang aura mo girl ah?" si Kenny habang sinisipat ang buong katawan ko.

"Oo nga! My something sa aura niya ngayon eh!" dagdag naman ni Adie sa sinabi ni Kenny.

"Anong ganap, hah? Ikaw ah... Parang my naganap yata na hindi natin alam mga bes!" Sabi ni Kenny sabay taas baba ng dalawang kilay at sinundot sundot pa ako sa gilid. Sina Shin, Sofia at Adie naman ay naka ngisi lang sa akin.

"Ano ba kayo! Huwag nga kayong ganyan ang creepy niyo ha! at saka anong ganap kayo dyan, wish ko lang nuh! " nakanguso kong sagot sa kanila

"Ay! Oo nga pala, magkaka-snow nalang siguro ang pilipinas 'di ka pa nagugustuhan no'n!" sabi ni Kenny, dinugtungan niya pa ito ng malademonyong tawa

Naki sabay naman ng tawa sina Adie, Shin at Sofia sa kanya.

Nakakainis tong baklang to! Ganon? Ganon talaga ka imposible na magka gusto si Peirce sa akin?

"Aba! Sumusobra ka naman yata! Who you ka talaga sa'kin pag naging kami ni Peirce! " I said while smirking.

"Magiging akin muna siya, bago maging sayo!" panunodyo pa ni Kenny sabay tayo at rampa na parang Ms. Universe candidate.

Balahurang baklang 'yon, 'di man lang ako naka sagot!

Nang muli kong inangat ang aking paningin ay nakita ko si Kenny na pumunta sa direksiyon ni Peirce.

"Ayon! Kaya pala umalis eh, pinuntahan pala si fafa Peirce!" Tudyo pa ni Adie habang nakatanaw din kina Peirce at Kenny.

Binalingan ko siya at pinandilatan

Hilaw itong tumawa, "ito naman.. galit agad tayo bhe?" natatawa niyang wika

sina Shin naman ay nakatingin lang sa amin na para bang aliw na aliw sa nakikita.

Mabilis ko siyang inirapan at agad kong hinanap yung paper bag ko na may lamang cupcakes na ibi-nake ko kanina para kay Peirce.

Nang makuha ko ito ay agad akong tumayo.

"Hep! Hep! Hep! Saan ka pupunta? " pigil sa akin ni Sofia.

pinag taasan ko siya mg kilay bago sumagot.

"Kay Peirce, bakit ba?"

"Akala ko mag wo-walk out ka eh!" sabi niya bago tumawa.

baliw!

"Ano 'yang nasa paper bag mo Qui? " biglang singit naman ni Shin nang hindi inaalis ang paningin sa paperbag na hawak ko.

"Oh this?!" Sabay angat ko sa hawak kong paper bag " I baked cupcakes for my baby. Ang sweet ko diba? "I said smiling from ear to ear.

"Wow! I didn't know you have a talent in cooking. " singit ni Sofia

"Of course, ako pa ba? Talented to no! " pagmamayabang ko pa sa kanya.

"Sige nga patikim ako! " paghahamon ni Sofia

Agad ko namang iniwas sa kanya ang hawak kong paper bag

"No! I baked this for my Pierce. Tapos kukunin mo lang? Sa susunod ipagbi-bake ko din kayo nito. " sabi ko kay Sofia na nginusuan lang ako.

Akala niya naman ikagaganda niya yon.

I flip my hair and continue walking towards Peirce na halatang naiinis na kay Kenny.

Her Obsession 1: Forgotten AffectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon