Chapter 7

216 3 0
                                    

Chapter 7 Date

I WAS LOST in my thoughts. Hindi parin makapaniwalang pumayag si Peirce na lumabas kasama ako. I am really overwhelmed by that thought.

Nagulat nalang ako nang marinig ko ang hiyawan ng mga estudyandte.
Hindi ko na sana papansinin pero unti-unting tumabi ang mga ito at biglang dumating ang isang pamilyar na hubog ng katawan ng lalaki.

"Drake. " ani ko ng maaninag ko na ang mukha niya. Malalaking hakbang siyang pumunta sa direksyon ko.

Bago pa man ako makapag protesta ay sinalubong niya agad ako ng mahigpit na yakap.

Narinig ko kaagad ang maugong na panunukso ng ilan sa kanila which really bothered me.

"Drake, Ano ba! Teka nga! " sa pagkabigla ko ay bahagya ko pa siyang naitulak.

Hindi niya naman alintana ang tukso ng mga nakakakita sa amin. Ako naman ay nababahala baka iba ang isipin nila!

"Are you okay? Kanina pa ako nag aalala sayo! Why did you play that game Quia? Pinapahamak mo lang ang sarili mo. " aniya sabay inspeksyon sa katawan ko.

Hindi ko alam kung bakit ang OA niya. Seriously? He is not even my boyfriend to begin with.

I sigh

"May sugat ka pa ba bukod dyan? "Sabay turo niya sa bandang ilong ko na may band aid.

Tumango ako at ipinakita ang braso at tuhod kong may gasgas.

"You should not worry about me. I am totally fine Drake, Maliit na sugat lang. Hindi naman na masakit. Okay na ako. So, please stay away at huwag kang humarang dahil dadaan ako!" Sabi ko ng nakasimangot.

"Sila ba?"

"Siguro. "

"I thought she was pursuing Peirce? "

"Ewan!"

"Baka nawalan na ng pag asa!"

Naiinis kong binalingan at inirapan ang mga babaeng nagbubulungan sa gilid. Mabilis naman silang nagsi-alisan. Inayos ko ang sling bag ko at nagpatuloy sa paglalakad.

"Wait Quia! Uuwi ka na ba? Hatid na kita. " habol ni Drake pero hindi na ako nag abalang sagutin siya.

Mas binilisan ko ang paglalakad nang matanaw ko ang grupo ni Shannon na papunta sa dereksiyon ko.

"Ohh! Poor Quia! masakit bang matamaan ng bola?" bungad niya sa akin na may halong insulto.

Umirap ako sa hangin bago siya sinagot.

"Gusto mo subukan natin sayo? Para naman ikaw mismo ang makasagot ng tanong mo."

"Oh well, seeing you look miserable is fine with me. Sa susunod kasi wag kang tatanga tanga kapag naglalaro!" sabi niya at binuntunan niya pa ng nakakainsultong tawa.

I shrugged.

"Are you okay? sa susunod kasi kapag naglalaro huwag kang pikon, Athlete ka pa naman. " sabi ko at agad na tumalikod bago ko pa makita ang reaksyon niya.

Si Drake naman ay nakikita ko paring naka sunod sa akin ngunit hindi ko na siya binigyang pansin pa.

Pagkarating ko sa parking lot ay agad akong pumasok sa sasakyan without talking to him kahit rinig kong tinatawag niyaa ng pangalan ko.

Nakita ko siyang hinahabol ako pero sinarado ko na ang pinto.

"Manong alis na po tayo! " sabi ko sa driver ko. Agad niya namang pinausad ang sasakyan.

"Okay lang po kayo ma'am? Mukhang may sugat yata kayo ah? " sabi ni mang Jose, nagtama pa ang mata namin sa rear mirror.

Agad akong nag iwas ng tingin sabay takip ng sugat ko.

Her Obsession 1: Forgotten AffectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon