Chapter 13

11 0 0
                                    

Brooklyn's POV

Sa mga pinakita ni Clint kanina, I can say na he's great. Kaso mayabang siya eh. Kaya naman ginawa ko ang lahat para di siya mapasok, pero si coach pa rin ang may huling desisyon. Kaya ayun, napasok pa rin siya. Sana na nga lang makasundo namin siya.

"Iain. Ano, pupunta ba tayo sa bahay ni Clint?" Tanong ko kay Iain habang naglalakad kami palabas ng gym.

"Well, kilalanin muna natin siya bago natin siya husgahan. Besides, lahat naman ng tao may good side diba?" Sagot naman niya. Well that's for him, he's always the optimistic and positive guy.

I just nod my head yes at naglakad na papunta sa bahay nila Clint. Sabi niya, mauna na raw kami susunod na lang siya. Naalala ko yung sinabi ni Abby kanina, killer daw, baka aantayin niya muna na magkasama sama kami tapos tsaka niya kami papatayin isa isa. But that would be insane.

Maya maya pa, nakarating na rin kami sa bahay ni Clint, andoon na sina Jenny. Actually, si Clint na lang ang kulang. Pero dumating na rin siya after a couple of minutes.

"So, hello guys! Salamat sa pagpunta niyo." Sabi niya sa amin.

"Well, basta ba you won't kill us." Sabi naman ni Abby. Nagtawanan uli kaming lahat.

"So, we won't be having a party ngayon, pero since pasok na ako sa team makakasama ko kayo nang mas matagal. Hopefully magiging magkakaibigan tayo." Sabi niya uli at he hands us some sort of envelopes na may laman na card.

"Tonight will be dare night. You can work in teams or kahit kayo lang. Kayo bahala." Sabi niya samin tapos binuksan ko ang card ko.

"Flat a tire of the car of the person you hate the most." Wow! I love this game. Tamang tama, andoon ang sasakyan ni dad.

"Ok, I'm in. Gagawin ko na ito ngayon." Sabi ko sa kanilang lahat.

"Wait, anong klaseng dare ito Clint? Kiss a girl?" Sabi ni Jenny. Tinignan niya ako. I just flash a smile to signal that it's okay.

"Tapos, yung akin spend thirty minutes with Saab some place near here? Get to know each other, dapat may at least tatlo kayong personal secrets na malaman about each other. " Sabi naman ni Iain. If I know, gusto niya yun.

"Tapos yung amin ni Gino at Patrick, kiss a random girl?" Sabi naman ni Sam. Parang mas gusto ko yung sa kanila, pero committed na ako.

"Wow guys. Nahiya naman ako sa dare ko, spend twenty minutes with Clint on a room tapos get to know each other?" Sabi naman ni Abby.

"Jenny at Saab, kung di niyo na ako makita mamaya, tell my parents that I love them and mahal ko din kayo." Pagbibiro naman niya.

"Okay. Here's the rules, kailangan ng picture as an evidence. Before 11pm dapat andito na tayo lahat." Sabi ni Clint samin.

"Wait, what's the catch? Bakit namin kailangan gawin ito? Besides, magkakaibigan na kami di naman namin ginawa ang mga ito para maging magkakaibigan kami diba?" Sabi naman ni Patrick.

"Well, sometimes, kailangan din natin na gawin ang mga bagay na di pa natin nagagawa, ang sarap sa feeling kaya!" Sabi naman ni Clint.

"Ok guys! Let's start!" Sabi ni Clint, at nagtayuan na kaming lahat.

Umalis na kaming lahat sa bahay ni Clint, si Abby at Clint lang ang natira. Pumunta naman ako sa bahay namin at ginawa ko na ang dare ko.

Nakarating naman ako sa bahay at tulog na ata si dad. So I can do this dare more easily. Kumuha ako ng pako at ginawa ko na. Tinusok ko ang front wheel ng kotse ni dad. Nilabas ang phone ko at kinuhanan ng picture ang ginawa ko.

RosewoodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon