Chapter 12

10 0 0
                                    

Iain's POV

Nagpunta ako sa Hilda park, ngunit hindi para maglaro ng basketball. Kundi para mahiga sa damuhan at para mapag isipan ang mga bagay na nangyari recently.

Nakita ko si Saab na nakaupo di kalayuan sa akin. Lalapitan ko siya para makausap. Baka siya, maintindihan niya ako. Wala si Jenny eh. Baka kasama niya si Brooklyn.

"Saab." Sabi ko sa kanya.

"Uy! Hi Iain!" Pagbati naman niya sakin.

"Can we talk? Kasi, parang ikaw na lang ata ang hindi nagsisinungaling sa akin eh." Sabi ko sa kanya.

"Sure." Sagot naman niya, at naupo na ako sa tabi niya. Wala siyang dalang notebook ngayon, di tulad ng dati na lagi siyang may dala, lalo na kapag nakikita ko siya dito.

"Siguro naman, alam mo na ang nangyari sakin? Yung about kay Abby?" Tanong ko sa kanya.

"Alin? Yung false pregnancy? Tapos nalaman pa ni Brooklyn na hindi totoo pero di niya sinabi sayo kay montik na kayo magsapakan kanina?" Tanong niya sa akin.

"Well, it seems na hindi ko na kailangan pa ikuwento sayo." Sagot ko naman.

"Well. Thanks to Chabita and company." Sabi naman niya. Yun talagang mga tsismosa na yun? Alam lahat? Wow!

"Kamusta na si Abby?" Tanong ko sa kanya.

"Well, kanina, magkausap kami. Nagsisisi daw siya sa nagawa niya sayo." Sagot naman niya.

"Sa sobrang galit ko kasi, nasabi ko sa kanya na baka kahit pagkakaibigan hindi ko na maibigay sa kanya dahil sa ginawa niya." Sabi ko sa kanya.

"Kaya pala. Sinabi ko na lang sa kanya na balang araw magkakasundo rin kayo? Magkakasundo pa nga ba?" Tanong niya sakin.

I nod my head yes.

"Alam mo, naranasan ko na rin yan eh. Feeling of people lie? Ang sakit eh. Lalo na yung magulang mo pa. Si mama, all this time, di niya sinabi sakin. Alam niya naman sigurado na ampon ako diba? Pero hindi niya sinabi sakin. Nagkaaway kami pero noong araw na papatawarin ko na siya, she died, naaksidente ang bus na sinasakyan niya galing Manila." Sabi niya sakin. Naiyak na siya this time, siguro bumalik lahat nang sakit at guilt sa kanya.

Isinandal ko ang ulo niya sa balikat ko at doon siya umiyak. Naalala na naman niya. While she is crying I am rubbing her back and hushing her for her to feel better.

"Kaya ikaw, patawarin mo na si Brooklyn. Baka ayaw lang niya na masaktan ka diba? Ayaw niya na sa kanya manggaling kasi baka sabihin mo na gawa gawa lang niya ang kwento. Besides, hindi natin alam kung ano ang mangyayari, di natin hawak ang buhay ng mga mahal natin diba?" Sabi niya sakin.

"Sige. Bukas, I'll apologize to him, baka isa sa mga nasabi mo ang reason niya for not telling me." Sabi ko sa kanya.

Tumayo na kami at naglakad na kami. Habang naglalakad kami, marami pa siyang kinuwento sa akin. Maya maya pa, nakarating na kami sa bahay nila at umuwi na rin ako.

Saab really helped a lot tonight. Sa simpleng pag uusap namin, malaki na ang naitulong noon sa akin. Kahit ilang minuto lang. Sa mga nangyari sa amin kanina, it just makes me like her more. Gusto ko sa lahat, ang babaeng nakakausap ko na parang si Jenny. Yung tipo na kwentuhan lang. No flirting. Tsaka she makes me feel good. Lalo na sa problem ko kay Brooklyn.

---------------------

Brooklyn's POV

"Hello? Ikaw ba si Brooklyn Vincent Gonzales?" Tanong sakin ng kausap ko sa phone, it is just so weird, someone will be calling me in the middle of the night.

RosewoodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon