Beep..beep
"Bebs! Gising na! Monday ngayon at ayaw kong malate!!" Sabi ni Arie habang niyuyugyog ako.
"5 minutes pa" sabi ko sakanya.
"Ah.. ayaw mong gumising huh?!" Sabi ni Arie sakin. Bigla nalang ako napatayo sa kama ko dahil BINUHUSAN NIYA AKO NG MALAMIG NA TUBIG ni Arie.
"Arghhh!!! Arie!!!!" Sigaw ko sakanya tapos dali dali siyang lumabas ng kwarto ko.Hays ang kulit talaga nung babaeng yun tsk! Makaligo na nga. After ko maligo at magayos bumaba na ako. Btw ako nga pala si Francessa Kylie Lopez. Isa akong nerd. At yung Arie na sinasabi ko sa inyo siya si Marienella Gonzales. Bestfriend ko. Kung itatanong mo ang itsura niya maganda siya,sexy, smart, magaling magluto, popular at habulin ng boys. Ako isa lang talaga akong typical nerd. May malaking salamin, Buhaghag ang hair at maluluwag ang damit ko. Although mayaman kami mas komportable lang talaga ako dito.
Pagkababa ko nakita ko na si Arie. Katatapos niya lang magluto. Pumunta na ako sa dining area. Pagtapos ko kumain dumeretso na kami sa kotse papuntang school.
**School
Pagkapasok namin ng school dumeretso na ako sa classroom. Sayang nga hindi kami magka-classmate ni Arie eh. Iba kase course niya. Ako accountancy siya naman fine arts. Pero pagpapasok kase kami lagi siyang pinagkakaguluhan ng tao kaya nauuna na ako.
Pagpasok ko sa classroom may nakita ako ng grupo ng babae. The Meanies. Grupo siya ng mga babae like what I said earlier, Binubuo ito ng 4 na miyembro. Si Kristine Marcheza siya yung leader nila at ang pinaka-B*tch sa grupo. Angel Rodriguez siya ang pinakamaarte na babae sa grupo. Vynice Ann Reyes ang pinakamadaldal sa grupo nila. Alexandria Loise Dobrev ang flirt sa grupo. Lahat sila part ng chearleading. Syempre lahat sila maganda,sexy at popular. At sila ang nangbu-bully saakin. Di ko nga alam kung bakit sila ganyan eh. Wala naman akong ginagawa sakanila. Di ko nalang sila pinapansin pagnang-aasar na sila. Sila naman ang mapapagod eh di naman ako.
Nagpunta na agad ako sa upuan ko. Not giving a damn on the Meanies.
Sakto pagkaupo ko dumating na si Arianne Cruz.
"Oh bakit pawis na pawis ka?(._.)" sabi ko sakanya habang siya hinahanap ang bimpo niya.
"Eh kase naman... ang daming tao ang humaharang sa daan ko... di ako makadaan... ayoko pa naman na nale-late ako> <." Sabi niya habang hinihingal. Tsk. Kaya mahirap maging popular eh buti nalang ako hindi ^O^.
Sakto naman na pagtapos niyang sabihin yon dumating na yung prof namin.
Discuss
Discuss
Discuss
Break
***Cafeteria
Naglalakad na kami ng cafeteria. Kasama namin si Arianne. Ng may humarang na boy sa harap namin. Mukha siyang nerd na tulad ko pero ang pogi niyang tignan. Nakasalamin siya pero di ganon kalaki, nakabrace siya pero bagay sa kanya, matangkad, maputi at may itsura kung baga.
"Marienella for you." Sabi niya sabay bigay ng letter, chocolate na Fererro at Bouquet of White, Red and Pink Roses.
Pagkabigay niya tumakbo na agad siya paalis. Natawa nalang kami sa inasta niya.
"Hahaha ang kulit non." sabi niya.
"Oo nga eh pero grabe siya ah ma-effort si kuya haˊ▽ˋ. Sabi ko sakanya na habang sinusundot yung tagiliran niya.
YOU ARE READING
Revenge ni Ms. Nerd
RandomAko ay isang nerd at isa din ako sa mga nagiging target ng mga bully. Hanggang sa makilala ko si Dark