Kinabukasan...
Pagkagising ko may ngiti agad sa labi ko. Why? Kase di ko makalimutan yung nangyari kahapon. Bigla akong naexcite gumising. Tumayo na ako sa kama. Naligo na agad ako tapos nagayos. Pagkababa ko nakita ko si Arie na mukha yatang nagulat.
"Bakit ang aga naman ata ng Bebs ko at wow.. May ngiti pa talaga. This is so unusual of you Cess. Ganyan ba epekto sayo ni Mr. DELOS SANTOS?" Sabi niya saakin at diniinan pa talaga ang salitang Delos santos.
Well sino ba naman hindi magugulat? Dati kase halos magpapunta na ng banda yang si Arie magising lang ako. Hehe tulog mantika ako eh.
"Ha-ha galing ng pambungad ah? Godd morning too Ms. GONZALES." Note the sarcasm.
Pumunta na ako sa dining area. Hinatid na ni manang yung breakfast namin.
Habang kumakain kami hindi niya parin ako tinitigilan. Tsk. Kaya ayaw ko magkwento eh. Aasarin kase niya ako tsk.
Pagtapoa namin kumain, dumeretso na kami sa kotse at pumunta na sa school.
***School
Kinakabahan ako grabe. Nasa loob parin ako ng kotse. Pinauna ko na si Arie. After 1 minute lumabas na ako ng kotse.
Habang naglalakad ako sa corridor, nagulat ako nung may nagabot saakin ng white rose. Ang dami ko na ngang hawak eh.
Hanggang sa pagpunta ko sa classroom may nagbibigay parin saakin ng rose. Nagulat ako nung nakapatay at nakasarado ang pintuan ng room ko.
Pinihit ko yung doorknob, pagbukas ko, nagulat ako sa nakita ko.
May nagpasabig ng confetti at bumukas ang ilaw. Natuon ang atensyon ko dun sa lalaking nakatalikod. Bigla siyang humarap. May hawak siyang bouquet of red fowers. Nabigla ako lung sino iyon. S-si KESTER DELOS SANTOS?!. Akala ko nagjo-joke lang siya. Kase diba? Sino ba naman ang magkakagusto sa isang tulad ko?. Nagulat talaga ako na seryoso talaga siya sa gagawin niya.
Lumapit siya papunta saakin. May ngiti sa mga labi niya. Oh my gee nagiinit na naman yung 2 chubby cheeks ko.
"For you Ms. Lopez, hope you like my effort for you." Sabi niya saakin.
"I think you're in the state of shock, but please look around I made it just for you." Dugtong niya pa.
Ginawa ko yung sinabi niya. Ang ganda ng classroom. May mga nakalagay na puso kung saan saan. Pero may nakakuha talaga ng atensyon ko. Yung sa black board. May naka-calligraphy na Ms. Lopez can I court you? Please say yes.Tapos may mga hearts sa gilid. Ang ganda grabe.
"You like it?" Tanong niya sakin.
I nod as a answer. Nagulat ako nung bigla siyang lumuhod.
"Francessa Kylie Lopez can I court you?" Tanong niya sakin.
Napaiyak nalang ako sa tuwa. First time ko kase ito maranasan. Kung baga NBSB ako.
YOU ARE READING
Revenge ni Ms. Nerd
RandomAko ay isang nerd at isa din ako sa mga nagiging target ng mga bully. Hanggang sa makilala ko si Dark