Sa dinami-rami ng mga nagawa kong kwento rito sa Wattpad, itong kwento ni Asiong Catapang ang isa sa pinakapaborito kong naisulat at siya ring pinakamalapit sa aking puso kaya nang matapos ko itong isulat noong taong 2018 ay labis akong nalungkot.
Taong 2016 nang sinimulan ko itong isulat. Naisipan ko sa mga oras na iyon ang sumubok na magsulat ng ganitong tema na madalas kong napapanood sa mga balita at dokumentaryo sa telebisyon at internet. Naisip ko ring walang masyadong gumagawa nito rito sa Wattpad kaya ninais kong subukang basagin ang mga tipikal na kwentong Wattpad na madalas na nababasa ng karamihan. Hindi ko lang din ninais na basagin ang mga tipikal na kwentong Wattpad, ninais ko ring hamunin ang sarili ko na magsulat ng kwentong taliwas sa kinaugalian kong isulat at siguro mukhang nagtagumpay naman ako do'n.
May mangilan-ngilang nakapansin sa akda kong ito na labis na nagpasaya sa aking puso. Natuwa ako sa mga nababasa kong positibong komento kaya mas lalo pa akong ginanahang magsulat. Ngunit nang lumipas ang napakaraming mga araw, akala ko ay magtutuloy-tuloy na ako sa pagsusulat ngunit nagkamali ako, sa kalagitnaan ng taong 2016 ay natigil ako sa pagsusulat nito, naisipan kong isuko na lamang si Asiong dahil wala na talaga akong maisip, at sa likod ng aking isipan ay nakaramdam din ako ng panghihinayang dahil do'n.
Mahigit isang taon kong naiwanan sa ere si Asiong dahil sa kawalan ng ideya at pagkalunod na rin sa kawalan. Malungkot kong binalik-balikan si Asiong na parang tumatawag sa akin na ituloy ko na ulit siya sa pagsulat ngunit hindi ko siya pinakinggan. Ngunit isang araw ay nagising ako mula sa mahimbing na pagtulog, iyon ay ang balikang isulat si Asiong.
Nang matapos kong maisulat si Asiong sa taong 2018 ay naisipan ko namang isali ito sa mga patimpalak dito sa Wattpad. Sa unang patimpalak na sinalihan ni Asiong ay nanalo ito at nagkaroon ito ng maraming papuri. Natuwa ako dahil marami na ang nakapansin kay Asiong kaya mas lalo ko pang pinag-igihang isali pa ito sa napakaraming patimpalak dito. Nasubukan ko na rin siyang isali sa The Wattys ngunit sa kasamaang palad ay hindi ito pinalad na magwagi. Kahit gano'n man ang nangyari ay hindi ako napanghinaan ng loob dahil sa unti-unting pagdami ng reads ng kwentong ito pakiramdam ko ay panalo na ako.
Hindi man naging perpekto ang gawa kong ito, maituturing ko pa rin itong isa sa aking obra maestra at isa sa mga mahal ko.
Kung nababasa niyo man sa puntong ito ang aking mensahe ay lubos akong nagpapasalamat dahil napaglaanan niyo ito ng oras at panahon. Nawa'y napasaya ko kayo sa aking gawa. Maraming salamat ulit!

BINABASA MO ANG
Batang Sundalo
ActionIsang tipikal at ordinaryong bata lamang si Asiong Catapang. Isang batang mataas ang pangarap sa buhay at umaasang makakaahon sa kahirapan ang kanyang pamilya. Ngunit, paano kung isang araw ay manakaw ang kanyang kamalayan at malason ang kanyang mur...