Oo maglalaro tayo sa mga bagay na pwedeng laruin
Pero ang relasyon natin hindi pwedeng gawing isang laro
Na kung kailan malapit na tayong manalo saka kapa sumuko at nawala
Hindi basta basta laro ang tawag sa relasyon natin
Dahil tayo ay purong pang seryosohan at nag mamahal ng tunay
Pagiging tapat, seryoso, at totoo sa isat isa
Bawal mag loko, bawal mag laro, bawal maghanap ng iba
Ang laro ay para sa mga simpleng palaro at sa mga taong hindi pa handang magmahal ng seryoso at totoo dahil natatakot na masaktan at iwan
Dahil ang relasyon natin ay pang seryosohan at pang matagalan

BINABASA MO ANG
Mga tulang aking nilikha
Teen FictionMahilig kaba sa tula? Heto ang maraming tulang aking nilikha! Tungkol sa pagibig, kasiyahan, kalungkutan, hinanakit, takot, at madami pang iba!