Chapter 1: Break-Up

159 2 0
                                    

Sheena's Point of View

"Let's end this relationshit, we're over!" sinabi ko 'yon ng walang pag aalinlangan dahil gusto ko na talagang makipag hiwalay sa kaniya. Yung hiwalay ba na hindi na mag babalikan. Sa totoo lang ilang beses na akong nakipag hiwalay sa kaniya pero nag babalikan din kami dahil sa KATANGAHAN ko. And honestly, anlaki ng pag sisisi ko dahil naging boyfriend ko ang hinayupak na 'to.

"Sheena, let me explain." hinawakan niya ang kamay ko pero tinanggal ko ang pag kahawak niya.

"No, I don't need your explanation. Alam ko naman ang sasabihin mo eh, busy ka. Hahaha! Busy of what? Ofcourse busy of skating, busy sa tropa, busy sa kung saan. Tapos sasabihin mo nanaman sa akin, 'sorry na, hindi na mauulit." come on Chance! Wala na bang bago? Alam mo, tapusin na lang talaga natin 'to ayaw ko na. We're always arguing on the same thing! Wala na bangbago ha?! Nag aaway tayo ng paulit-ulit sa parehong dahilan! Hindi ka ba nag sasawa ha?! Kasi ako SAWANG-SAWA NA! Kaya ayoko na! WALA KANG KWENTANG BOYFRIEND!" pag katapos kong sabihin lahat ng 'yan, agad na akong umalis. Nung nakalayo na ako, narinig kong isinigaw niya ang pangalan ko at sinipa ang bakal na arm chair na malapit sa amin kanina.

Malapit ng mag dilim, at kakaunti na lang ang mga tao dito sa eskwelahan. Isa ito sa mga pinakamalungkot na araw ko, actually araw-araw naman malungkot eh simula nung naging kame, pero ito ang PINAKA MALUNGKOT. Pero aaminin ko, hindi puro kalungkutan ang nangyare dati, meron din namang kasiyahan, at kung ano-ano pang mga bagay na ikinatuwa ko. Pero mas nangibabaw nga lang ang kalungkutan dahil sa dami na ng problema. Hays.

Gusto kong umiyak ngayon, gusto kong isigaw lahat ng nararamdaman ko. Ba't ganon?! Ako ang nakipag break! Ako ang nang iwan! Ako ang tumapos pero bakit ako pa ang sobrang nasasaktan?! Matatapos din 'to, itong nararamdaman ko, makaka move on din ako. Madali lang 'tong kalimutan!

Pag uwi ko bumungad sa akin si Mama at ang naka babata kong kapatid ka si Celene, nanonood sila ng Dora. Ano ba naman pati si mama? Hahaha! Dejoke malamang sinasamahan niya lang ang kapatid kong nanonood. Andaming kalat na pinag kainan ng kung ano-ano sa lamesang maliit na nasa harapan nila, si mama talaga parang bata.

"Oh anak nandito ka na pala. May grahams dun sa ref, I know its your favorite, I made it for you!" bait naman ni Mama. Sakto, kapag broken ako, I choose to eat rather than mag mukmok ng buong araw sa kwarto ko, buti pa kapag kumain ako less stress tsaka nakakalamig ng ulo. Wag nga lang sobrahan, baka maging boyba ako nito.

Buti at gumawa siya ng grahams, gusto ko kasing kumaiiiiin! Sana marami pang pag kain dun bukod sa grahams.

"Thank you Ma."

"Bakit ganiyan ka ngayon Sheen? May masama bang nangyare?" napansin ni mama ang pagkalungkot ko kaya bigla akong ngumiti para hindi na siya mag tanong.

"Nothing ma. I'm just tired, marami na kasing school activities ngayon. You know your daughter is a topnotcher hehe." lol. Malapit na ngang mag bakasyon.

"Oh really huh? Okay nak. Go get some rest, i love you!"

Aakyat na sana ako ng nag tanong uli si mama. "Nak nasan pala si kuya mo Sean?"

"Dunno. Maybe he's hanging out with friends, AGAIN."

Hindi nanaman siguro umuwi si gago. Hindi ko pa din siya nakikita eh simula kagabi.
Umakyat na ako sa kwarto ko, ibinagsak ko kaagad ang pagod kong katawan sa malambot kong kama. Hays. Napabuntong hininga na lang ako. Nakatitig ako sa kisame ngayon at nag iisip-isip kung tama ba ang ginawa ko. May parte ng utak ko na nag sasabi...

Dear Ex,Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon