"Ma'am pe-pero ayo---"
Itinaas na ni Ma'am ang kanang kamay niya na para bang ayaw niya nang makarinig ng kahit anong salita galing sa akin. Mukhang wala na akong magagawa kundi turuan yung mga ugok na 'yon. At ngayon pa talaga ako mag uumpisa ha? Tsk. Nakaka inis naman! Bakit pa ako? Malamang ako ang number 1 topnotcher sa buong grade 10, pero pwede namang iba eh.
Lunch time nanaman kaya dumeretso agad ako sa canteen para kumain. Habang kumakain akong mag isa, may limang lalaki na lang na biglang tumabi sa akin. Nasa kanan ko si Chance at nasa kaliwa ko si Kean at may tatlong lalaki sa harapan ko. Wala silang dalang pagkain. Ano bang trip ng mga 'to? Maya-maya napansin kong nakatingin nanaman sa lamesa namin yung mga tao.
"Zupp?" Kean! Naalala ko yung nangyari kanina, ako yung pinag bayad niya dun sa mga pagkain na akala kong inilibre niya sa akin! Wait mali pala, si Chance pala ang nag bayad. Ansama niya talaga -,-
"Hoy ikaw Mr. Kean Paulo Santos!"
"Oh ano? Yung kanina ba? Hahaha. Sorry na." nag pa-cute pa siya sa akin. Akala niya naman mapapatawad ko siya sa pagpapa-cute niya.
"Sorry mo mukha mo! Wala na nga akong pera iniwan mo pa sa akin 'yon!"
"And thanks to me, I paid it." ngumisi itong si Chance.
"Bro bakit mo binayaran?!" parang ayaw pa ni Kean na binayaran ni Chance 'yon. Anong gusto niya akong mag bayad? Eh ang mahal-mahal ng mga pagkain sa canteen eh! Akalain mo 560 lahat ng inorder ni Kean kanina. Akala ko naman naging good boy na itong si Kean, yun pala ako pag babayarin. Tss.
"Kawawa naman kasi 'tong EX KO." ako? Nakaka awa? Hmm! Kapal niya, I don't consider him as my ex. Dejoke haha. Kapal ng mukha niya.
"Sino ba kasing nag sabing bayaran mo? Nag kusa ka eh."
"Walang nag sabi pero nakaka awa ka talaga eh, walang pera. Oorder ng maraming pag kain tapos wala naman palang pera hahaha!"
"Eh ano bang pake alam mo?"
"May pake ako dahil naawa ako sayo, ex."
"Aba may awa ka pala."
"Oo naman, mahal ko yung walang pera eh."
Natulala kaming lahat sa sinabi niya. Hindi na tuloy ako makakain ng maayos dahil sa sinabi niya.
"Mahal ka ba?" sumingit naman 'tong si Kean sa usapan namin.
"Mahal ko yun kahit hindi na ako mahal."
Sinong nag sabing hindi na kita mahal Chance? Mahal pa kita, mahal na mahal.
"Kalimutan mo na kasi." umimik yung isa sa tatlo, tinignan ko na lang yung pangalan niya sa name tag niya, isa pala siya dun sa mga nasa listahan, Paulo Estrella.
"Pilit kong kinakalimutan pre, pero hindi ko talaga kaya."
Naa-out of place na'ko dito ah, ako kasi yung topic. Tahimik na lang akong kumakain dito habang nag uusap sila. Hindi niya talaga kayang kalimutan ako? Imposible haha! Kami pa nga lang nakakalimutan niya ng girlfriend niya ako.
BINABASA MO ANG
Dear Ex,
Teen FictionAko si Sheena, ako ang nang iwan pero ako din ang lubusan na nasaktan. Alam niyo ba 'yung pakiramdam na kayo, pero parang WALANG KAYO? Kasi ako oo, dati, RAMDAM ko 'yon. Pero hindi ko ba alam, kung bakit hanggang ngayon MAHAL ko pa ang hinayupak ko...