Chapter 2: Tutor?

101 1 0
                                    


Parang nahihiya ako sa nangyayari ngayon, andaming taong nakapalibot sa amin. Halos ata lahat ng tao sa campus namin nandito na eh. Dejoke lang hindi naman lahat, basta madami.

"Bitawan mo na ko." nakatingin ako sa kamay niyang nakahawak sa kamay ko, ang higpit ng hawak niya. Napansin kong naluluha-luha na din siya. Ngayon ko lang siya nakitang ganito.

Alam ko na seryoso siya sa pakikipag balikan niya. Haha! Pero sinong lolokohin niya? Ako? Lol. Ayaw ko ng masaktan.

"Hindi kita bibitawan hangga't hindi ka pumapayag na tayo ulit." what? Are you kidding me? Hindi ba halata sa akin na ayaw ko na talaga siyang maging boyfriend?! Oh gosh.

"Bitawan mo na ako! Please Chance!" hindi na ako nahiyang sumigaw kahit na marami pang taong nakapalibot sa amin. Naiirita na 'ko eh. Hindi niya pa rin binibitawan yung kamay ko. Ang kulit talaga ng lahi  neto -,-

"Hindi mo ba siya narinig?"

Oh no si kuya Sean. Tumigil yung pagtugtog ni JP ng gitara at mukhang lahat sila parang literal na napanganga nung nakita si kuya na galit na galit.

Nakatingin lang si Chance sa kaniya at hawak-hawak pa rin ang kamay ko. Ano ba Chance! Bitawan mo na ko please lang huhu. Nakapamulsang lumapit si kuya Sean. Kinakabahan na ako sa kaniya. Bad boy 'tong kuya ko eh, baka kung ano pang magawa kay Chance. Alam ko mag barkada sila pero ang sabi ni kuya, wala daw tropa-tropa kung kapatid na niya ang pinag uusapan. Hindi ko ba alam, pero ayaw niyang nakikita akong nasasaktan.

"Wag ka ngang mangealam dito Sean."

Napasigaw ang mga nakapaligid sa amin dahil sa ginawa ni kuya Sean pag kasabi nun ni Chance. Eh tanga ba kasi Chance? Sasabihin 'yon kay Sean?

Nakahilata na ngayon sa sahig si Chance. Bumangon siya ng onti,  Hinawakan niya ang labi niyang may dugo. Ayaw ko siyang makitang ganito, nasasaktan ako. Sinuntok siya ni kuya Sean sa mukha. Oo, ex ko na siya pero hindi ko kayang makitang ganito ang nangyayari sa kaniya, lalo na't ako ang dahilan.

"Anong wag make-alam? Gago ka pala eh! Kapatid ko 'yan!" huhu nakakatakot si kuya Sean. Hinawakan ko ang braso niya para hindi na siya masyadong magalit. Tinignan na lang namin si Chance na nakaupo na ngayon at nakatingin kay Sean. Hindi siya lumalaban pati na rin ang mga kasama niya. Nakakapag taka? Bakit? Siguro dahil sa takot sila kay kuya Sean. "Umayos ka Chance. 'Wag mo ng babalikan ang kapatid ko."

Umalis si kuya Sean ng parang walang nangyari. Gusto kong tulungan si Chance pero nakikita ko sa mga mata ni kuya na wag ko siyang lapitan. Lakas ko makiramdam nuh? Dejk. Yung ibang tao dito nag bubulungan na, hays. Yung mga kasama ni Chance tinulungan na siyang tumayo. Ewan ko ba kung bakit hindi siya tumatayo, parang natulala na siya kanina kay Kuya. Padabog na umalis si Chance, at sumunod naman sa kaniya yung mga kasama niya.

"Bye Sheena!" nag wave sa akin si JP nung papa-alis na sila, pero pekeng ngiti lang ang iningiti niya sa akin. Nag wave na lang ako pabalik.

Seryoso ba talaga si Kuya? Hays. Galit na galit siya kay Chance. Ganon ba talaga ako kamahal ni kuya? Napaka strikto niya, kung mag utos at mag protect sa akin mas higit pa kay dada. Hahaha. Pero kahit ganiyan si kuya Sean mahal na mahal ko siya huhu.

"Ouch! Tumingin ka nga sa dinadaanan mo!" waw ha! Kung makasigaw mas malakas pa sa mama ko! Dumikit sa damit ko at damit niya yung ice cream na kinakain niya. Putek naman oh. Chocolate flavor pa 'yon!

"Ikaw ang tumingin sa dinadaanan mo! Kita mo nga yung damit ko nadumihan na! Aish!" padabog akong umalis pero hinila niya ako. Problema nito? Ako na nga ang umiiwas para wala ng away eh!

Dear Ex,Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon