Wahhh!!

156 2 1
                                    

Hannah's POV

"Ano ba yan! ano bang klaseng damit yung pinapahanap ng tsonggong yun ,tss" andito ako ngayon sa mall naghahanap ng damit na pinapabili ni Arthur.

"Ano daw damit na magmumukha akong ewan , unattractive ,at clumsy" opo kinakausap ko ngayon ang sarii ko baliw na kung baliw , nagpatuloy na ako sa paghahanap dito sa may mga nakahilerang damit,nakakainis talaga yung unggoy na yun , napalitan naman ito agad ng ngiti sa aking labi nang maalala ko yung presentation kagabi.

~~flashback~~

"wahhhhhh!!" nagtitili ako ngayon dahil sa mga magagandang tanawin na nakikita ko.

"Ano ba ba't para kang kinakatay na baboy? tumahimik ka nga" pag suway nito , natulala nalang ako dahil para silang parang....

"Sila yung may matataas na posisyon sa JK Company" pagpapatuloy ni Arthur.

"Model ba yung iimbestigahan natin?" at napahawak nalang ako sa aking pisngi dahil naramdaman kong umiinit na ito siguro mahihiya pa ang kamatis sa kapulahan ko ,napaka O.A. ko naman pero nasa langit na ba ako? ang gwapo kasi nilang dalawa kahit na hindi nakangiti , kahit larawan lang 'to parang....

"tigil-tigilan mo nga yan Hannah ha" suway ni Arthur.

"Isa sa kanilang dalawa ay maaaring kasabwat ni 'The Great Pretender' o maaaring isa mismo sa kanila ay si 'The Great Pretender' ." nawala ang ngiti sa aking labi dahil sa pagkadismaya.

"Kaya please lang Hannah kung ano man 'yang tumatakbo sa utak mo sinasabi ko na sayo ngayon palang never fall for them,ang kailangan lang nating gawin ay kumalap ng mahahalagang impormasyon, at mga ebidensya na makakapag-diin kay 'The Great Pretender' " dagdag niya

"Alam ko naman,paghanga lang naman eh, palibhasa insecure ka lang kasi di ka biniyayayaan ng ganun ka gwapong pagmumukha" pang-aasar ko dito,sa totoo niyan kahit ganyan yan eh kilabot daw yan sa headquarters ,nagkakandarapa pa rin yung mga kasamahan kong babae sa kanya kahit ganyan ugali niyan sabi pa nga nila ang swerte ko daw ,pero kahit ano pang sabihin nila ibahin nila ako wala siyang dating para sa akin,kilabot daw pshh, baka kilabot ng mga unggoy kamo.

"Aba hiyang-hiya naman ako sayo kung mang-asar ka tingnan mo nga muna yung sarili mo " sarkastiko niyang sagot.

"Bakit? maganda naman ako ah" at tinaasan ko siya ng kilay.

"Maganda? saan banda? pakita mo nga sakin yung mapa,tschh parang wala naman" hinawakan niya ang baba ko na parang hinahanap talaga yung kagandahan na sinasabi ko, tinabig ko ang kamay niya baka may germs pa yan.

"Hoyy, excuse me maganda ako period walang kokontra"

"sino namang bulag ang nagsabi niyan sayo? ayy wait siguro kahit bulag eh di aaamin na maganda ka" at nag smirk lang siya.

"aba't sumusobra ka na ah , pati bulag idadamay mo pa"

"You started it , anyway lumalayo na tayo sa usapan. " pinindot niya ang remote at may nakita akong basic info nila.

--

Name:Ralph Cortez

Age: 28 years old

Position: CEO(Chief Executive Officer)

Name: Nathan Cortez

Age: 27 years old

Position: COO(Chief Operating Officer)

--

"Wala tayong background nila ,all we have is their basic information,gusto ni Mr.Jang na tayo ang makatuklas ng background nila, yung binigay kong folder sayo kanina doon mo ilalagay yung makakalap mo okay" napatingin nalang ako sa binigay na folder ni Arthur kanina , sa unang pahina nakita ko ang stolen shots nila at ang basic information nila, walang laman ang sumunod pang mga pahina.

The Mistaken IdentityWhere stories live. Discover now