The Unknown

99 1 0
                                    

Ang pagpapatuloy.....

Tatayo na sana siya dahil wala din naman siyang may makukuhang impormasyon, nang may biglang pumasok sa loob ng opisina ni Ralph. Nanlaki ang mata ni Hannah at di rin naman niya makuhang magpakita dahil ano na lamang ang iisipin ng taong yun baka mapagkamalan pa siyang magnanakaw o baka naman mapaghinalaan pa ito.

Naisipan niyang magtago sa ilalim ng desk ni Ralph at lalabas na lamang siya kapag umalis na ang di kilalang tao. Di na siya nagtangkang sumilip pa dahil na rin sa takot niya na mahuli siya nito. Hindi naman siya madaling makikita dahil pedestal desk ang gamit ng boss niya, isang uri ng desk na may harang sa harapan nito para hindi makita ang paa ng nakaupo dito.

Habang nakayuko may nakita siyang naka kumos na papel. Dahan-dahan niya itong binuksan para hindi ito marinig ng di kilalang tao. Halos mapatalon sa tuwa si Hannah sa kanyang nakita at tila nakalimutan nito ang kanyang kasalukuyang sitwasyon. Tatayo na sana siya para magdiwang ngunit nauntog ang kanyang ulo sa ilalim ng desk at mukhang natauhan na si Hannah sa kanyang ginawa na pwede niyang ikapahamak.

Hala, hala palpak na naman, isip niya at binatukan pa nito ang kanyang sarili. Naramdaman niyang papalapit na ang yabag ng di pa rin matukoy kung sino. Nagtalukbong siya at nilagay pa niya ang kanyang buhok sa harapan ng kanyang mukha sa pag-iisip na hindi siya makikilala kapag ginawa niya ito. Ang posisyon niya ngayon ay parang isang fetus, damulag nga lang.

"Ah ma'am ano pong ginagawa niyo diyan?" Natigilan si Hannah sa pag-iisip kung paano mag disappear dahil sa biglaang pag appear ng isang hindi pamilyar na tinig. Nakayukong humarap si Hannah dito, idagdag mo pa ang buhok niya na kasalukuyang nakaharang sa kanyang pagmumukha.

Nanlaki naman ang mata ng di pamilyar na kausap at tila nakaramdam ito ng takot. "F-fetus? T-Tiyanak na da-damulag? A- as-wang?!! " tila naguguluhang tawag nito kay Hannah at unti-unting lumalayo ang lalaki sa kanya, natumba pa ito dahil sa pagkataranta ngunit paatras paring nilalayuan ng lalaki ang napagkamalan niyang maligno. Ngunit si Hannah dahil umandar na rin ang kanyang kapilyuhan gumapang pa ito papalapit.

"Kaya pala ganun ka sungit si Sir... May sapi itong opisina niya! Lumayas kang kulot na white lady at layuan mo ko!"Pagtataboy ng lalaki kay Hannah. Walang humpay ang lalaki sa pag sign of the cross at tila may binubulong itong dasal.

Natawa naman si Hannah sa pinagsasabi sa kanya ng lalaki kaya inayos nalang niya ang kanyang magulong buhok para ipakita ang pagmumukha niya sa lalaking kanina pa nag papanic sa pinagagawa niyang kalokohan. Napansin ni Hannah na naka-uniporme ng pang janitor ang kanyang kausap. "Ay manong janitor kayo po pala ahehe."

Tila nabunutan naman ng tinik ang janitor dahil tao lang pala ang kanina pang gumagapang mula sa ilalim ng mesa. "Ahmm ma'am sino po pala kayo? Sorry po bago lang po kasi ako dito kaya hindi ko masyadong kilala ang mga empleyado." Takang tanong ng janitor, at kelan pa naging opisina ang ilalim ng desk? Isip nito.

"Ah Anna po sekretarya ni Sir Ralph, may inaayos lang po ako kanina kaya lang nahulog po ang ballpen ko sa ilalim ng desk niya." Dahilan ni Hannah.

"Ah ganun po ba, Ma'am Anna paalala lang po 10 minutes to 7:30 na malapit ng mag time buti na nga lang po nakita ko kayo bago ko pa maikandado ang mga opisina." Magalang nitong sambit kay Hannah.

"Ayy oo nga po.." At kunwaring nag check ng oras si Hannah sa kanyang relo. "Salamat po manong, sige po mauna na ko." Ngumiti siya dito at diretsong lumabas ng opisina dala ang mga kailangan niyang tapusin at binulsa na rin niya nakita niyang papel kanina.

Dahil wala nga siyang sasakyan at mukhang wala na rin ang tsonggo niyang partner naisipan na lang niyang mag-abang ng taxi. Nang maka sakay ito binuksan na niya ang naka kumos na papel at ang tanging nakalagay dito ay...

The Mistaken IdentityWhere stories live. Discover now