Ang pagpapatuloy....
He showed that playful smirk again at nagtungo siya sa isang madilim na silid, ang library. Di na ito nag abala pang buksan ang ilaw at tanging liwanag ng buwan na nanggagaling sa bintana ang nagsilbing ilaw sa kanyang silid. May kinuha siyang libro mula sa shelf at naupo sa kanyang long table, ito ang lugar kung saan din sila nag-meeting ni Marco at Hannah kanina.
Mahigpit siyang nakahawak sa librong ito at bigla na lamang siyang nagpakawala ng isang malalim na buntong-hininga, tila humuhugot ito ng lakas ng loob. Napalunok ito at dahan-dahang napatingin sa bintana, na para bang may alaala siyang ayaw nang balikan. Binuklat niya ang isang tagong pahina ng aklat at isang lumang litrato ang bumungad sa kanya.
Nanginginig ang kamay ni Arthur habang hinahaplos ang litrato, hindi na nito namalayan ang pumatak na luha sa pahina ng libro mula sa kanyang kaliwang pisngi. Marahas niyang hinablot ang litrato.
"Damn it!" Tangi niyang sambit at bigla itong napatayo, sinuntok niya ang pader na nasa likuran niya. Binunton niya ang lahat ng kanyang nararamdaman sa pader, galit,inis, at pagkamuhi. Nang mapagod ito kakasuntok ay napasandal na lamang ang kanyang ulo dito at kuyom-palad itong bumubulong ng mga malulutong na mura. Napatingin siya sa kaliwang kamay niya na hawak pa rin ang litrato, napakagat-labi ito at wala sa sariling napaatras. Napayuko siya at marahas na pinahid ang kanyang mga luha, mapait itong ngumiti sa litratong nabasa na ng kanyang luha.
Nanlambot ang kanyang mga tuhod at bigla itong napaluhod, umaagos pa rin ang kanyang luha at umiiling pa ito upang mawala ang mga alaala ng nakaraan. Ngunit hindi nagtagumpay si Arthur at tumingala na lamang siya sa bintana, tulala. "I should've.......dapat..... Sana..., napayuko na lamang ito at napakuyom ng palad. "Patawad." Sambit ni Arthur ng halos pabulong.
--------
Kinabukasan....
Maagang nagising si Hannah dahil sa karumal dumal na sinapit ng kanyang scooter plano niyang makisabay na lamang kay Arthur. Nakatayo lang siya sa harap ng unit ni Arthur habang nakahalukipkip dahil kanina pa siya katok nang katok ngunit di man lang siya pinagbubuksan nito. "Ang tagal naman ni Tsong." At napatingin ito sa kanyang relo.
"Pshh 7:00 na oh, bagal." At inamba niya ng suntok ang pintuan ni Arthur, bigla naman itong nagbukas at nahuli siya sa akto. Ang kaninang nakakuyom niyang palad ay pinalitan niya ng peace sign. "Ahehehe." Tangi niyang sambit at ibinaba na ang kanyang kanang kamay. "Seriously?!where's the sun?" Pagpupuna ni Hannah sa naka shades na si Arthur at napailing ito. Naglakad na si Hannah patungong elevator nang bigla siyang hinawakan ni Arthur sa balikat.
"Hep, seriously? Saan ka pupunta bakit ganyan ang suot mo?" Balik ni Arthur kay Hannah.
Tiningnan ni Hannah ang pananamit niya "Bagay naman ah tsaka sabi ni Sir formal attire daw"
"Anong formal? Eh mukha ka ngang mag pipicnic sa beach sa suot mong yan, okay ka lang?" At napaling na lamang si Arthur sa trip ni Hannah.
"Oo okay lang ako, mas formal naman ito kesa doon sa mga pinapasuot mo sa akin na jologs." Pangangatwiran ni Hannah sa suot niyang sundress.
"Hindi yan okay, hindi ka nga mukhang kagalang-galang sa suot mong yan kahit office attire man lang hindi ka marunong pumili? Tsaka tingnan mo nga iyang suot mong sumbrero napakalaki. Tatanungin mo ko ng 'where's the sun?' Eh ikaw din naman pala, oh ngayon Where's the sun?" Ganti nito kay Hannah.
"Pshh, this is what you call Brim hat. Palibhasa puro jologs lang alam mo Tsong." Pagbibida ni Hannah sa suot niyang sumbrero.
"Wala akong pakialam sa pangalan ng mga suot mong yan. You need to change that, hindi ganyan manamit si Anna Cruz. Gusto mo talagang mabuking ano?
YOU ARE READING
The Mistaken Identity
ActionNot everything you see is TRUE, Not everything you feel is REAL, There is a bit of lie in every Truth and Reality...... Meet Hannah ang Agent na palaging palpak ,nabigyan ng hindi lang pangalawa kundi pangatlong pagkakataon sa kanyang tu...