Third Persons Point Of View
"Finally we're here" napabuntong hininga si Kate nang marating nila ang mansyon na tutuluyan nila.
Nilapitan sya ni Sheila na halatang napagod din sa byahe. "Are you okay?" Tanong nya.
Tumango si Kate tsaka inilagay ang inhaler sa dala nyang bag. "Medyo hinihingal pero okay lang"
Hanggang ngayon ay nasa labas lang sila ng lumang bahay kung saan sila tutuloy. Napako yata ang tingin nila sa katakot takot na itsura nito.
"Sigurado ba kayong ito na 'yon?" Bulong ni Francine kay Lia.
"Gosh! Ewan ko, nakakatakot pero mukhang ito na 'yon" tugon naman ni Lia.
They are all classmates and they are here for their out reach program. The truth is one week pa bago yung out reach program pero nauna na silang nagpunta sa location para mas madiscover ang lugar at para makapagpahinga.
"Myra, tara Selfie!" Yaya ni Jona sa kaibigan nyang si Mayra.
Agad na lumapit si Myra para makipagselfie sa kaibigan nya. Bakit naman tatanggi si Mayra? eh sila kaya ang selfie duo ng section nila.
"Beshie! Ang sakit na ng legs ko" reklamo ni Kim. Mahigit isang oras din silang naglakad bago marating ang lugar na 'to.
Napahawak nalang si Melanie sa kanyang bewang. "Me too why is it so malayo kasi?"
Sa sobrang layo nitong lugar ay naisipan na ng ilan sa kanilang bumalik sa galagitnaan ng paglalakad pero naisip din nila na kung babalik sila ay mas madodoble ang pagod nila.
"Raze alam mo ba kung sa'n dito yung venue? I wanna see" sabi ni Angel sa nobyo nyang si Raze.
Napailing ito. "No, and I think malayo yun mula dito" tugon nya.
They're just a typical section. Kanya kanya ng mundo bawat magkakaibigan, iba iba ang ugali na madalas namang nasasakyan nila.
"Azl, ang weird ng place 'no?" Puna naman ni Camille habang nakatingin sa bahay.
"Yeah, pati yata hangin hindi nakakapasok sa sobrang close ng bahay" dagdag pa ni Azl.
Pare pareho silang first timer dito sa lugar and they don't have a clue kung anong meron at kung anong history nito.
"Guys! We're here" napalingon sila sa kararating lang na si Ed Rose. Dala nya ang susi ng bahay. Sya ang in charge sa buong klase ngayon since wala silang kasamang kahit na sinong adult.
Kasama nyang dumating sina Rica at Chin. Silang magkakaibigan ang may pinaka bitch na attitude among the class. Since nakasanayan na din nila ang ganitong ugali ay nagagawa naman nilang pakisamahan.
Naunang naglakad si Ed Rose para buksan ang pinto ng bahay. "Welcome everyone!" Masayang sabi nya.
Wala man lang nag react ni isa sa kanila dahil na rin sa pagod at dahil alam nilang mukhang hindi sila mag-eenjoy sa lugar na 'yon.
"Let's go Marvie tignan natin yung mga kwarto" suhestyon ni Caryl habang hinihila si Marvie.
For the second time ay napako na naman ang tingin nila sa laman ng loob ng bahay.
Puro lumang paintings ang nakadikit sa dingding, mga lumang gamit at ang mabigat na atmosphere dahil sa kulob na bahay.
Tahimik na nagmasid si France sa paligid. Yeah, sya ang loner slash nerd ng klase but she's very observant.
"Cuppy cake upo muna tayo" aya naman ni Arian sa pinsan nyang si Darlene.
See? Makikita mo talagang may sari- sarili silang mundo. Ang iba ay umakyat sa taas, merong nagpahinga kaagad, merong sumusuri sa paligid, may nagkukwentuhan at iba pa.
Samantala gumawa naman ng sariling grupo ang iba sa kanila na ngayon ay nasa kusina.
"Guys kuha kayo oh" sabi ni Gavy tsaka inilahad ang mga manggang baon nya.
"Ewww ang cheap naman" tugon ni Chin.
Napakunot noo si Kristen. "Edi ikaw na mayaman teh" sabi nya.
"Shemay! Walang signal" reklamo ni Pau habang umiikot sa kabuuan ng kusina.
Agad namang hinablot ni Kent ang cellphone nya. "Wag mo na kasing itext yang boyfriend mo" puna nya na ani mo'y nagseselos.
"Akin na nga yan!" Pilit na inaabot ni Pauline ang cellphone nya.
"Smile guys!" Sigaw ni Traizy habang kinukunan ng litrato ang magulong scenario sa kusina.
Sa living room naman ng bahay nagkumpulan ang iba habang seryosong nag-uusap.
"Admit it or not hindi na solid 'tong section na 'to" malungkot na sabi ni Reyshel habang nakasandal sa upuan.
Napailing nalang si Rica. "Umpisa pa lang ang toxic na"
"Maybe hindi lang talaga kayo magaling makisama. Tss" sagot naman ni Joseph.
"Joseph is right. Bakit kami? Hindi naman namin nararamdamang hindi na tayo solid?" Sabat ni Jhen habang nilalaro ang bolang nakuha nyo kung saan.
"Alam nyo? Ang drama nyo masyado mas sumasakit tuloy ang tuhod ko sa inyo" umiiling na sabi ni Kim.
Different opinions, different attitudes. Makakatulong kaya 'yon ng malaki sa sitwasyong kinalalagyan nila ngayon?
Nagpatuloy lang sila sa kanilang mga ginagawa ng biglang...
"Hellllllllpppppp..."
Nagulantang sila sa malakas na sigaw na narinig nila.
"It's Melanie..." Gulat na sabi ni Julie.
Agad silang magtakbuhan patungo sa ikalawang palapag ng bahay bukod kay France na nanatili sa kanyang pagkakatayo at kay Raze.
"Raze! Puntahan natin sila" yaya ni Angel sa nobyo nya na ngayon ay nakaupo lang.
"Seriously?" Maikling tugon nito.
"Mukha ba kong nagbibiro? Nasa panganib sila" depensa ni Angel.
"No they're not" napailing si Raze kasabay ng pag ngisi.
Parang alam nya ang nangyari sa itaas.