Jhen's Point Of View
"Maganda si Micka"
"Cute si Pau"
"Talented si Micka"
"Mabait si Pau"
"Akin lang si Micka"
"Akin lang si-- Aray!"
Napangisi ako habang kakamot kamot si Kent sa ulo nyang binatukan ni Pau. Kanina pa nagtatalo 'tong si Kent at Joseph samantalang ako kanina pa hindi mapakali.
Sa'ming magkakaklase ako ang pinakaduwag. Tsaka sa itsura ng bahay na 'to? Panong hindi matatakot ang kahit na sino?
"Ikaw alien ka na nalaglag sa lupa nauna ang mukha, wag mo na uling mababanggit ang pangalan ko sa kalokohan ah?" Pagbabanta sa kanya ni Pau.
"Alien? Bebe Pau naman sa gwapo kong 'to?" Aba hindi pa sya nasaktan sa batok ni Pau ah?
"Mwahahaha pano ba yan alien basted ka na agad? Sabi ko sayo ako lang ang gwapo-- Uy! Mickee" awtomatikong napatigil si Joseph nung dumating si Micka.
Patatas 'tong mga lover boy ng section namin.
"Upo ka muna" naglahad ng espasyo si Seph para paupuin si Micka.
"No thanks" nakangiting sagot ni Micka.
"Aruy! Wswsws wasak pre" tatawa tawang pang-aasar ni Kent.
Mabuti nalang at naaaliw ako sa dalawang 'to kahit papaano ay nawawala ang takot ko. Hindi ko alam kung hindi ba nila nafefeel yung aura nitong bahay kaya nagawa pa nilang mag-asaran o baka dahil mga lalaki lang talaga sila at likas na matatapang.
"Tumigil na nga kayong dalawa dyan pareho lang kayong panget" kunot noong saway sa kanila ni Pau.
Bahagyang inilapit ni Kent ang mukha nya kay Pauline. "Anong sabi mo ha? Sinong panget-- Aray!" sa pangalawang pagkakataon ay napaaray si Kent sa batok ni Pau.
Nakangiting tumayo ako at inilagay sa sink ang naubos kong baso ng juice. I'm about to wash my hand nang makita ko si Sheila sa bintana. May kausap sya sa telepono habang seryoso ang mukha.
Sino namang kausap nya?
"I know her deepest secret"
Halos mapasigaw ako sa biglang pagsulpot ni Chin sa likod ko. Nilagay nya ang pinggan na pinagkainan nya sa sink.
"D-deepest... s-secret?" Tanong ko.
Alam kong narinig ko nya ako pero sya naglakad paalis.
Deepest secret n-ni Sheila?
Great. Nag-iwan ng isang malaking question mark sa utak ko.
Sheila's Point Of View
Humanap muna ako nang tahimik at walang taong lugar bago ko sinagot ang tawag.
"Yes--"
["Sheila please wag mong gagawin yan"]
Napairap nalang ako sa sinabi nya.
Kahit ano pang pagmamakaawa ang gawin nya hindi na ako magpapapigil.
"Tumawag ka para sabihin 'yon?"
["P--lea--se... D... on't. D--o--n't... ruin your... Li--fe"]
Kakaiba din ang babaeng 'to eh. Akalain mo yun kahit papano nakikisama pa sa kanya yung signal.
"This is the perfect time to do that, isn't it? Tapos pipigilan mo pa ko?"
["N---o *toot toot*]
Matagal ko ng pinaplano 'to ngayon pa ba ako uurong?
Joven's Point Of View
"Patatas! How can I stalk Shai Ramos, Rescha and Dianne kung walang signal?!" Nayayamot na si Leander sa paulit ulit nyang pag-refresh sa timeline nya.
"Ikaw ang patatas bro! Isa isa lang hahaha" pang-aasar ko sa kanya.
"Ano ka ba naman? Kayang kaya ihandle yan ng kapogian ko" ang yabang ng baklang 'to.
Pasalamat 'tong si Leander mabait ako. Hindi ko pa ginagamit ang kagwapuhan ko para makahatak ng mga chicks. Baka kasi kapag ginawa ko yun maubusan sya ng babae. Concern lang naman ako haha
"Tss..." Napalingon kami kay Raze na biglang umentrance.
"Anong problema mo ha?" Anak ng! Mukhang mapapaaway na naman 'tong si Leander.
"Stop playing with girls" hindi man lang sya nililingon ni Raze.
Bakit ba kasi umeepal ang isang 'to?
Napangisi si Leander "Don't f**k with me. Alam ko namang gustong gusto mo ding nakikipaglaro sa mga babae it's just that committed ka na kay Angel--" Hindi na natapos sa pagsasalita si Leander ng tumama sa kanya ang kamao ni Raze.
Napahiga sa semento si Leander at pinunasan ang dugo sa gilid ng labi nya.
"Don't you dare mention my Angel's name again or else I'm gonna fracture your bones" banta ni Raze.
Ang lupet mga unggoy! Kaya tama lang talaga ang naging desisyon kong itago ang kagwapuhan ko eh.
Akmang tatayo at susugod pa si Leander pero pinigilan ko na sya. "Di ka pa titigil bro? Hahaha ang lampa mo" pang-aasar ko.
Pinagmasdan naming maglakad paalis si Raze. Tss.
Someone's Point Of View
It's exactly 5:30 in the afternoon. One more hour and we'll gonna start the game. *evil smile*
Muli ko silang pinagmasdan habang nilalagok ang beer na nilagay ko sa isang baso.
It's really good when I'm slightly drunk. I can do merciless things more but then I can also control myself.
Napakunot ang noo ko nang mapansin kong may nakatingin sakin. Napangisi ako.
It was France the one and only nerd of the class. Tss.
She's about to leave when I call her. "France..."
Dahan dahan syang lumingon. "Have a sit" inilahad ko sa kanya ang upuang nasa harap ko.
Akala ko ay tatanggi sya but I was surprise nung naglakad sya palapit sakin at umupo sa upuang nasa harap ko.
"You're staring at me? Why?" Muli akong sumimsim sa beer na hawak ko.
Diretso lang syang nakatingin sakin. Hindi ba sya natatakot? I was amaze with her attitude. Really. Nerd, people expect that they're weak but this girl in front of me? She's different among those nerds. Mukhang sya pa yata ang sisira sa mga plano ko. Tss.
"The beer you're drinking right now" napatingin ako sa hawak kong baso.
"Oh! Let me guess, marami na namang bubbles dyan sa utak mo na nagco-conclude ng kung ano ano dahil lang sa beer na hawak ko am I right?" Nilapit ko sa kanya ang mukha ko.
This beer I'm drinking right now? Maybe ito pa ang maging daan para malaman nyang kahinahinala ako.
"Yes. As usual. And you know what? Those bubbles inside my head is giving me such real conclusions" sabi nya.
"Talaga lang ah?"
"Don't worry ipagdadamot ko lahat ng nasa utak ko pero... Pero kapag may lumapit sakin at nagtanong about you. Well sorry pero magsasalita ako." And sa tingin nya masisindak nya ko? Tss.
"But yes imposibleng may lumapit at kumausap sakin so bye" nagkibit balikat sya tsaka naglakad paalis.
Unbelievable. Continue that attitude girl and I'm sure ikaw ang matitirang buhay para patayin ako.
Exciting.