Chapter 2

4 0 0
                                    

"Guys bilis!" Natatarantang nanguna sa pagtakbo si Traizy.

Shocks! I hate this kind of scene natatakot ako. Hindi talaga maganda ang kutob ko sa bahay na 'to eh

Daing ni Jhen sa isip nya.

Bahagya silang napatigil nang bumungad sa kanila ang mga pintuan. "Nasa'n sya?" Nag-aalalang tanong ni Jona.

Tatlong pinto ang nasa harap nila ngayon. Magkakalayo ang pagitan ng mga 'yon kaya hindi nila malaman kung saan hahanapin si ang kanilang kaklase.

"Helllllllppppppp!!!!" Muli na namang umalingawngaw ang sigaw kaya natunton nila ang kinaroroonan ni Marvie.

Shiz! I hope she's fine sabi ni Joven sa kanyang isip.

"I think she's with Caryl, I hope they're both okay" hindi mapakaling sabi ni Rea.

Nung napadpad sila sa pangatlong pinto sa ikalawang palapag ay agad nila iyong binuksan.

Samantala...

Hindi nag-abala si Frances na sundan ang mga kaklase nyang nagkakandarapa sa pagtakbo bagkus ay nilibot nya pa ang buong bahay.

Naabutan nya si Angel at Raze na nagtatalo sa kusina. Agad na napatigil ang dalawa nung makita nila si Frances.

"Pareho tayo ng iniisip, right?" Nakangising sabi ni Raze kay Frances.

Napabuntong hininga nalang ito tsaka tinalikuran ang dalawa.

They should stop doing that. Napailing nalang si Frances.

Ngunit muli syang napatigil nang makita si Ed Rose sa kusina habang kalmadong kumakain ng prutas.

*2nd Floor*

Napanganga sila nung wala silang maabutan sa kwartong pinasok nila. Nagkatinginan ang ilan sa kanila.

"Where are they?" Reyshel.

Hindi maikubli sa mga mukha nila ang itsura ng kwartong 'yon. Walang kahit isang bintana, madilim at wala man lang kahit na isang gamit.

"WAHHHHHH!!!!" Ikinagulat nila ang biglang pagsara ng pinto.

"Calm down guys" pagpapakalma ni Leander.

Ilang sandali silang natahimik.

Lahat nagmamasid.

Hanggang sa...




"BOOOO!!!!!"


"WAHHHHHH!!!!!"


Muli na naman silang napasigaw.

"Hahahahahaha!" Humagalpak sa kakatawa si Marvie ng makita ang itsura ng mga kaklase nya.

"It's a prank?" Dismayadong sabi ni Arian.

Napalingon sila nang bumukas ang pinto. "Masyado naman kasi kayong seryoso" nakangiting pumasok si Caryl.

"So sa tingin nyo matutuwa kami sa ginawa nyo?" Napaikot nalang ang mga mata ni Pauline sa inis.

"Shiz! Dapat pala hindi na ko sumunod" binangga ni Rica si Caryl para makaalis gano'n din ang ginawa ni Chin.

"Duh! Muntik ng masira 'tong bago kong shoes oh!" Naglakad na din paalis si Jaja.

Dos MassacreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon